Chapter 5 "Boyfriend/Girlfriend"

1.3K 35 7
                                    

 _Jeremy’s POV_

“Molly, hatid na kita sa inyo ha!” Lapad ng ngiti ko ngayon kasi after 1000 years, mahahatid ko na rin si Molly sa bahay nila.

 “Huwag na” nako! Parang naman uobra sa’kin ang pagtanggi mo, Molly.

 “Di mo ko mapipigilan Molly” sabi ko sa kanya. Ako ata si Jeremy, gwapo at matalino idagdag na natin ang pagiging makulit lalo na pag sa buhay ng mahal ko ang pinag uusapan haha! Makulit talaga ako pagkaharap ko si Molly,lagi ko kasi pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya.Oaky lang iyon parang bale wala naman sa kanya.Ouch ang sakit lang isipin TT_TT

“Akin na mga libro mo, ako na magdadala” kinuha ko ang mga dala niya, binigay naman niya sa’kin agad. Siguro naisip niya na wala din siyang magagawa sa ganitong situation dahil pagdating sa pagiging makulit ako na ata ang number one.

“Ang gentleman ko talaga Molly noh?” tanong ko sa kanya habang ngiting ngiti. Nakakatuwa lang isipin na pinapayagan niya akong hawakan ang mga  libro niya, di ko tuloy maiwasan mapaluha at isipin na...pinagkakatiwalaan na ako ng lubos ng mahal ko.

Hindi niya ako sinagot, gaya ng lagi kong sinasabi, sanay na naman ako sa kanya. Mahal ko eh, dapat lang tanggapin ko kung sino talaga siya.

“Molly, simula ngayon Girlfriend na kita ha at boyfriend mo na ako” medyo ang alkas ng heartbeat ko habang sinasabi ‘to kay Molly. Kaasar! Kailan pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa kanya? Siguro dahil lagi ko iniisip na, hindi naman ako mapipigilan ni Molly, dahil wala siyang pakialam? Sa akin? Ouch ang sakit naman isipan nun TT_TT

Huminto si Molly sa paglalakad na siyang kanabigla ko at ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Kinakabahan ako nab aka e reject niya ang offer ko.Pero teka? Offer ba iyong ginawa ko?  Napaisip ako doon ah? Baka naman propoasal? Haha! Actually parang demand nga iyon eh =_=. Gumugulo na rin utak ko huhu.

“Girlfriend?Boyfriend?” –Molly.

“Oo Molly, Girlfriend and Boyfriend in Tagalog kaibigan babae at kaibigan lalaki” Please sana pumayag siya, sana tanggapin niya. Ayan nagsisimula na akong magdasal.

“Kaibigan?”-Molly

“Oo kaibigan nga Molly, Special na kaibigan” Pagpapaliwanag ko.

(-_-) <-Molly  (^_^)<- ako

Takte! Wala talaga siyang emosyon =_=

“Okay”-Molly. Halos mapatalon at maapsigaw ako sa tuwa ng sagutin na rin ako ni Molly sa wakas. Yes from now on,we’re officially in Relationship. Pwede ko na palitan ang satus ko sa FB na in relationship with Ms. Molly Blank. Sa sobrang saya ko nayakap ko siya at nabuhat haha! Ang bigat pala ng mahal ko. Pero kahit na dito nagsimula ang relationship naming ni Molly, kahit di niya naintindihan, ayos lang sa’kin iyon. Basta akin na siya ^^

Emotionless [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon