You Again?!

103 3 4
                                    

DEMI'S POV.

Mag to-two months na simula nung nakipag break ako sa kanya. AT LAST! naka move on na din ako kay Liam at dun sa mukang tuod niyang besfriend. Pero sad to say, CHAROT lang yun. Haaaay, Hanggang ngayon di pa rin ako nakaka move on. Pero totoong mukang tuod yung babaeng yun. Mga Fishtea sila T.T

"Demi, Magbihis ka. Aalis tayo." Sabi ni Mama ko.

"San tayo pupunta Mamu? Madami bang papable dun?"

"Anak, Di ka pa nga nakakamove on, panglalalaki na agad nasa isip mo. Anong paglalandi yan? Iexplain mo tapos magbihis ka na. Oo nga pala. Gumanda na si Mirabella, Nanganak na si Maya, Nagkiss na si Niccolo at Kasey, Pero bakit hindi ka parin nakakamove on?"

Hindi naman halatang idol niya si Donya ina noh? Di na ko sumagot sa kanya at nagtungo na sa aking silid para makapagpalit ng aking kasuotan. (O-kay? Malalim ang pinaghugutan ng tagalog na yun XD)

Anong susuotin ko? Lahat ng damit ko maganda eeh! Pwede bang pagpatung patungin ko nalang?

"Mamuuuuuuuuuu! Anong susuotin ko?" Sigaw ko na tamang tama lang para marinig ng napakagandang nanay ko.

Pumasok siya sa kwarto ko at naghalungkat ng susuotin.

"Anak, Kakain lang tayo sa labas. Try mong mag gown tapos mag rubber shoes ka with matching shades pa. Ewan ko lang kung hindi ka pagtinginan."

"Ma, Di bagay sa'yo. Mas kamuka mo si Diego kaysa kay Donya ina kaya itigil mo na yan. HAHA. Bakit ba tayo kakain sa labas?"

"Imi-meet natin ang pamilya ng mapapangasawa mo." Excited na sabi ni Mamu.

Ahhhh! yun lang pala. Imi-meet lang namin yung family ng mapapangasawa ko.

Teka. Parang may mali. Imi-meet? Yung mapapangasawa ko? MAPAPANGASAWA? Eh tokwa wala nga kong boyfriend. Kakabreak lang tapos may mapapangasawa na ko? COOKING INA NAMAN!

"Maaaa! Ano bang sinasabi mo? Alam ko maganda ako saka madaming naghahabol sa 'kin. Pero di pa ko ready. Di pa nga ko 18 ehh! Excited ka ma!"

"Naku! Gwapo yun Anak! Baka pag nakita mo mamaya, Halayin mo agad!" Sabi ni Mamu tapos umalis na siya sa kwarto ko.

Gwapo? Hindi kaya si Daniel Padilla yun? Baka naman si James Reid? Waaaaaaaaaaah! Excited na koooooooooooooooooooo! *O*

**Sa Restaurant**

Grabeeeeh! Ang ganda dito! Pero mas maganda ako. Pang mayaman talaga ang peg. Oo mayaman kami pero, Wala ehh. Natalo ang beauty namin.

Nasa gitna ako nila Mamu at Papu. Tapos may kaharap kaming mag asawa. Sila daw yung magiging In-Laws-Soon ko. Parang pamilyar nga muka nila ehhh. POWTEYK! Ang daming alam! Bakit wala pa si James Reid? Di ba siya mapapangasawa ko?

"Pasensiya na Demi ahh. Wait lang, Papadating na din yung anak namin."

"Asige po. Excuse me Cr lang po ako." Sabi ko sa kanila.

Grabe! Huuu... Huuu.. Tawag ng kalikasan.. NATATAE NA KOOOOO! Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa dami ng kinain ko. >______________<

Ayaaaaaan na!

*Boink, Boink* (Sound effects yan ng nahulog na tae sa cubicle)

Huuuuu! Sa wakas! Nailabas din. Naghugas na ko ng pwet ko tapos dumeretcho sa salamin. Maganda naman na ko kaso ang baho ng kamay ko. >3<  Wala bang sabon dito? WALANJO.

Hayaan ko na nga lang. Hindi naman siguro aamuyin ng mapapangasawa ko yung kamay ko diba?

Habang papalapit ako na papalapit sa table namin, Natatanaw ko na si James Reid ay este yung mapapangasawa ko. Nakayuko siya kaya di ko makita yung muka. TOKWA! KAPAG KAMUKA 'TO NI MAJIMBOO MAG BIBIGTI NALANG AKO!

Nung nakarating na ko sa table namin, Hahalayin ko na sana si James Reid kaso bigla siyang tumingin sa 'kin. Ay hindi naman pala siya si James Reid. Huhu. Kala ko pa naman.

Tiningnan ko ng mabuti kung sino yung mapapangasawa ko.

"IKAW?!" Sigaw ko.

"Demi? Ikaw ba yan?" Sabi niya sa 'kin.

"Hindi Joke lang. Anino ko lang 'to."

"Maaaah! Paaaah! Hindi pwede ituuuuu! May girlfriend na yan ehh! Nakita ko pa nga nakikipaghalikan siya dun sa bestfriend niyang kamuka si Barney, Yung baklang dinosour!" *O*

Kilala niyo naman na siguro kung sino siya noh? Fishtea talaga. Okay na sana sakin si James Reid ehh. O di kaya si Niccolo Irie. Pwede din naman si Matteo Do. Bakit si LIAM paaaaaa? >3<

"Pero Demi, Hindi ko naman sinasadya yun ehh." Paliwanag niya.

"Hindi sinasadya? So paano nangyari yun? Naglakad yung nguso mo papunta dun sa nguso ng Barney na yun? Ganun? Maganda ako Liam pero di ako tanga!" Sigaw ko sa kanya.

Tokwang buhay talaga 'to oh. Mapapamura ka nalang talaga. COOKING INA! >3< Ang dami namang alien na kamuka ni Matteo do sa Mars, Super daming gwapo sa earth, Bilyon bilyon yung tao sa Philippines. Bakit si Liam pa? Bakit yung taong gustong gusto ko ng kalimutan? Naman ehhh! Destiny ba ituuu? LOKOHEN! Di naman totoo yun ehhh! =__________=

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

MAY KASUNOD PA PO :)) SALAMAT SA INYOOOOO! :*

The STUPID JERK of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon