Chapt 1

6 0 0
                                    


Chapt 1

"Do you think you can use that thing on me " mayabang na pagkakasalaysay sa akin ng prinsesa na para bang walang kwenta ang hawak ko ngayon at pag ginamit ko ito sa kanya ay parang walang epekto

" I dont know , maybe not or maybe ye-s " sabay bitaw ko sa aking palaso na hawak na ikinabigla naman ng prinsesa kaya gumuhit ng ngiti ang aking mga labi dahil natamaan siya

Hindi ko lubos na saktan ang prinsesa ngunit kailangan sapagkat hindi kami naglalaro , nag-aaway kami o sabihin nating naglalaban kami ng prinsesa dahil parte ito nang aming ensayo

Araw-araw pa iba-iba ang mga gamit na sandata  ang ginagamit namin ng prinsesa sa pagalalaban sapagkat hindi lang dapat kami mahasa sa isang sandata lamang dahil alam naming dadating ang araw mapapakinabangan namin ito

" Mahusay aking tagapagbantay ngunit huwag ka munang magpakasaya sapagkat hindi mo pa napapa-alis ang hawak kung sandata " mapang-asar na salita ng prinsesa sa akin ngunit sinong nagsabi sa kanya na nagsasaya na ako sa kunting daplis lamang ng aking ginawa sa kanya

" Wala akong sinabi na nagsasaya ako kamahalan " ngiting tunay na pagkakasabi ko sa kanya

Latigo ang hawak niyang sandata, samantalang akin ay isang pana na naglalaman lamang ng sampung palaso at dahil nagamit ko na ang isa may natitirang siyam nalamang ako kaya hindi dapat ako padalos dalos sa aking gagawin

Biglang sumugod sa aking ang prinsesa na para bang isang kidlat ngunit sa kasamaang palad alam ko kung ano ang kanyang gagawin sapagkat madali ko lamang mabasa ang kanyang galaw kaya't nakailag ako

Muntik ko na sanang makuha ang kanyang sandata at dahil sa napakabilis niya kaya nabigo ako

Iba ang kakayahan ng prinsesa kaya palagi akong nag iingat , hindi kasi kami pareho nang lakas ..

" Magaling aking tagabantay dahil muntikan na ngunit may napapansin kaba?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong ng aking kamahalan ,tumingin ako sa paligid at pinaramdaman ito baka sa kaling kalaban ang tinutukoy niya

Ngunit wala akong napansin na kakaiba sa paligid normal naman ito.

Biglang lumakas ang hangin kaya napatingin ako sa prinsesa dahil alam kung sa kanya ito nanggaling nang bigla nalang humapdi ang aking tagiliran kaya't napatingin ako dito at pansin kung may sugat ako

" Hindi ko pansin na nagkaroon na pala ako nang sugat " agad akong tumingin sa prinsesa" Magaling aking prinsesa sa tingin ko poy kailangan na nating magpahinga sapagkat malapit napo ang oras ng takipsilim " agad naman siyang tumingin sa malaking orasan ng training room

" Malapit na nga hindi ko namalayan , at naalala ko na aalis pala tayo  ngayon "

" Saan naman tayo pupunta "

" Nalimutan mo na ba ang sinabi mo kanina na mauubusan na tayo ng supply ng pagkain  " nakapangewang na salaysay ng aking kamahalan

" Ow ahhhhh okie" napailing nalang ang prinsesa sa aking reaction

Nakita kung nagsimula na siyang maglakad at nagtungo sa lalagyan ng mga sandata kaya sumunod nadin ako dahil ibabalik ko din itong pana na aking ginamit kanina

Hindi na kami nagbihis dahil normal panaman kami sa aming mga damit kaya sumakay na kami sa aming kotse at ginamot ko na din ang aming mga sugat dahil may kakayahan akong manggamot

Hindi nagtagal ay nakaratin na din kami sa Kmall at agad na bunili ang dapat na bilhin at sa isa isang restu. nadin kami kumain dahil alam naming wala ng oras para magluto sa bahay

GuardianWhere stories live. Discover now