Chapt 2

4 0 0
                                    


Chapt 2

Nagising ako sa isang lugar na napakadilim unti unti kung inaangat ang aking ulo upang makita ang paligid

Kahit sobrang dilim ng lugar may sulo parin na ngbibigay ng ilaw para may makita parin kami

Nang maiangat ko ang aking ulo nakita ko na halos kalahi ko ang nakakulong 

Anong ibig sabihin nito ??  natanong ko na lamang sa aking isipan

Naramdaman ko na may paparating kaya hindi muna ako gumalaw napansin ko na tumigil sila sa harap ng isa sa amin at kahit malayo ako ng kunti sa kanila alam kung wala pang malay ang taong kukunin nila hanggang maka-alis na sila

Bumangon  ako sa nakahapang pwesto ko ngunit hindi kinaya ng aking katawan na ibangon ito sapagkat nanghihina parin ako at idagdag pa natin ang hapdi ng nararamdaman ko

Hindi ako makahinga ng maigi at mas lalong nanghihina ako na para bang ninanakaw lahat-lahat ng lakas ko kaya wala akong nagawa kundi manatili sa aking pwesto dahil kahit kunting  galaw  lang ng aking kamay ay nadagdagan ang pagkahina ko

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tingin koy may mali , may mali talaga

Inilibot ko nalang ang aking paningin at nakita ko si ama at ina na nakapwesto sa aking harapan kaya tinawag ko sila pero parang walang lumalabas na tinig sa aking bibig

Pinilit ko ang aking sarili na makatayo kahit sobrang hina kuna at nawawalan nako ng hininga

Patakbo akong pumunta sa pwesto nila ngunit nadapa lang ako ulit dahil sa kadena na nakalagay sa aking paa at kamay

" Ina , ama " pahikbi kung sabi

Napansin kung unti - unti ng nagkamalay ang ilan sa amin dito at kasama na doun si Ina

" Anak " hindi ko napigilang mas maluha ng tinawag ako ni ina

" Huwag kang umiyak anak dahil inuubos mulang ang iyong lakas  "

"Ano ang ibig niyong sabihin? " pinapahid ko na din ang aking mga luha

" Hindi mo ba napapansin anak kahit sa kunting galaw lang natin ay mas humihina tayo " Napansin ko din kanina ito

" Dahil sa raven stone anak , napapalibutan tayo ng raven stone , ang raven stone ang  nagpapahina sa atin "  alam kung nauubusan na nanghininga si ina hindi ko akalin na ganito pala ang maidudulot ng raven stone sa amin

" Maaari ba tayong mamatay sa Raven stone ?? "

" Maari tayong mamatay Shyi kapag gumalaw tayo ng gumalaw o magsasalita tayo kaya laking katanungan ko kung bakit may lakas kapang tumakbo kanina kay inang pinuno ? " Tanong sa akin ni kuya Andrin

Hindi ko siya kapatid pero tinuturing ko siyang kapatid at ganon din siya sa akin .Maagang namatay ang kanyang mga magulang kaya sila ina at ama na ang kumupkop sa kaniya

" Hindi pa sumapit ang kanyang ikapitong taon Andri , kayat hindi pa buo ang ugnayan niya sa batong makintab na itim "   salita naman ni ama na ikanatuwa ko sapagkat may malay na ito

" May paraan pa po ba "

" Meron naman anak , kapag maalayo ka sa  raven stone ay hindi ka maapektuhan nito " mungkahi ni ama sa akin

Napatitig nalamang ako sa aking mga kamay at paa na nakadena dahil alam kung may halo itong itim na makintab na bato kaya pala mas madali kaming humina at itong lugar na kinalalagyan namin alam kung may mga raven stone din dito kaya mahirap para sa amin ang makatakas

GuardianWhere stories live. Discover now