Timeout (JaiLene One Shot)

881 19 2
                                    

"Shar's POV"

"Jai Tara! Hatid mo na ako. Kanina pa ako pinapauwi ni mommy eh ang sabi ko hihintayin kita." sabi ko kay Jai. Nandito kasi ako ngayon sa practice ng basketball ni Jai, supportive girlfriend eh. 8:00 pm na natapos yung practice nila. Ewan ko nga kung bakit gabing-gabi na eh. Kanina pa ako pinapauwi ni mommy. Mga 7:00 pm pa, eh hindi naman ako makauwi kasi gabi narin maraming loko sa daan. Ihahatid naman ako ni Jai eh kasi may kotse sya.

"Eh bakit hindi ka pa umuwi kanina?" iritadong tanong nya. Bakit mainit ulo nito? Nung isang araw ko pa napapansin na parang pag ako kausap nya lagi syang galit. Pero pag friends nya ang saya saya nya. Baka pagod lang ilang araw na kasi silang nagpa-practice eh.

"Eh gabi na kasi eh."

"Malaki ka na dba? Marunong ka namn umuwi magisa eh. May lakad pa kami ngayon." sagot nya naman. Lakad? Bakit? Saan? So hindi nya ako maihahatid?

"Gabi na maraming loko jan sa daan. Tsaka gabi na bakit may lakad ka pa?" mahinahon kong sagot. Alam ko kasi na kapag sinabayan ko yung init ng ulo nya magaaway lang kami.

"May lakad kami ng team mates ko. Magrerelax lang kami."

"Edi ihatid mo muna ako tsaka ka nlang sumunod sa kanila. Dba ok lang nmn yun guys?" tanong ko sa teammates nya.

"Ahm. Oo. Cge pre hatid mo muna si Shar baka kung mapano pa yan." sagot ni Nash. Hay! Buti pa sya may care sa kaligtasan ko.

"HAAAAYY! Ok fine! Bilisan mo tara na!" sigaw ni Jai. Ngayon hindi lang sya iritado, sinigawan nya pa ako. Buuussseeettt pramis! Kung pwede ko lang patulan to eh. Konti na lang talaga! Hindi ako Alipin para ganunin nya. Sa 3 years naming relationship ngayon nya lang ako ginanto. Dati, kahit galit sya sa akin, maayos parin ang pakitutungo nya lero ngayon di na.

Pumuntana kami sa parking lot. Balak ko naman syang kausapin ng kami lang.

"Jai teka nga, ano bang problema mo? Bakit nagkakaganyan ka? Hindi mo naman ako ginaganto dati eh." tanong ko.

"Wala! SAKAY!" inutusan nya ko? Grabe ha. Di ko na carry. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Alexa sa akin dati. Sabi nya dapat daw wag kong hahayaan na ma-fall out of love si Jai lalo na ngayon na matagal na kami baka daw magsawa. Hindi kaya...

"Jai..."

"Ano? Sakay na!Ihahatid na nga kita eh! Masyado kang paimportante eh." sigaw nya. Dahil sa sinabi nya na "masyado kang paimportante" hind kaya tama si Alexa? Dba pag girlfriend dapat importante? Hind na ako nakapagtimpi.

Timeout (JaiLene One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon