Kabanata 10

7.2K 196 4
                                    

Kabanata 10

Finally, the class was dismissed. I sat back in my chair, letting out a deep sigh as I replayed the oral recitation in my mind. The quiz had already drained me, and the recitation right after felt like the final push over the edge.

This is my last subject for this day. And it left me totally exhausted. I don't even have the energy to get up from my chair and leave. I'm not just contented for today. I feel like I didn't give my best, and it's making me feel really down.

"Kali!"

Nilingon ko ang mga kaklaseng nagliligpit at nakatingin sa'kin.

"Sama ka?" Mich asked.

Lumabi ako. Agad naman silang lumapit at inalo ako.

"What's the problem?" Usisa ni Pat, naunang lumapit sa'kin. Sumunod naman si Aldrin.

I blew out a deep breath then smiled. "Just exhausted." I answered, shaking my head to tell them it's not biggie.

"Huwag ka na ma-down. You did great. Ano ka ba!" Si Aldrin, na humawak sa balikat ko't marahan akong tinapik. Sabay namang lumapit si Ate Fina at Pat. Nakiusyoso na rin sa'min.

"Mga bata talaga, pressure lagi sa acads. Masyadong competitive." Sambit ni Ate Fina.

Natawa kami. She's right though. Parang nasampal tuloy ako ng katotohanan dahil kung tutuusin ay mas grabe ang pressure sa kanya dahil pamilyadong tao na siya. Samantalang kami, todo reklamo pa.

I found comfort on her and felt motivated. Iba pala talaga kapag may mas matandang nakakasama o nakakausap. Ang dami kong nare-realize at natututunan.

"You should all go." I told them.

"Will you be fine?" Mich asked, hesitant pang iwan ako rito.

"Of course. Sige na, mag-enjoy na kayo. Sayang ang time." Pabiro kong sinabi. Nagtinginan naman sila.

"Kaloka ka, 'te. Ikaw ang pinakamatalino at pinakamasipag dito pero ikaw 'tong problemado." Maarteng ani Aldrin. "Kumusta naman kami?" Pabirong pagtataray pa niya.

Napailing na lang ako't natatawang pinabulaanan sila. Hindi nga lang sila naniwala.

"You should go home and rest. Wala namang pasok bukas." Si Ate Fina, haplos na ang buhok ko.

Tumango ako. "Thanks, future attorneys."

"Hay nako! Basta ikaw." Si Pat sabay kumindat sa akin.

Dinumog kami ng mga kaklase. Nagka-yayaan na rin kaya marami na ang sumama. Ang iba ay susunod na lang daw. Balak kasi nilang mag-club, palibhasa holiday bukas. Pinipilit pa nila ako pero tinanggihan ko rin at hindi nagpapilit. Idinahilan ko na lang na pagod ako't balak magpahinga para sa shoot bukas. Naintindihan naman nila kalaunan.

"Uwi ka na?" I heard Kuya Cholo asked when I finally stood up from my seat.

Hinarap ko sila at nakangiting tumango.

"Ingat, Kali!" Sabay-sabay nilang paalam.

I waved goodbye to them before I stepped out in the classroom, and walked down the hallway towards where the elevator located. Pagkabukas ay sumakay agad ako, walang tao kundi ako lang. Marahil kakaunti ang estudyante o kaya naman ay hindi pa dismissal.

Playing with Fire (Acosta Sisters Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon