♥4♥ (Worst fear)

306 28 18
                                    

Nagising ako ng madilim ang paligid at walang tao sa paligid ko. Tinignan ko lahat ng kama, walang natutulog o kahit isang tao. Ang lakas ng ihip ng hangin, napa-lingon ako sa kung saan lumalabas ang malakas na ihip ng hangin..sa bintana. Nagulat ako ng makita ito, nilapitan ko ito para makita kung anong nasa labas nito..pagtingin ko sa bintana ay sa isang iglap ay nawala lahat ng kama at wala ng bintana. Isang masikip na kwarto, isang kama at walang bintana. Napatingin ako sa lalaking natutulog, umiiyak siya..nakapikit at nakahiga. Gusto ko siyang yakapin..yayakapin ko na siya ng biglang nawala ako sa kwarto, naka-upo ako at may hawak na susi, habang nakatingin sa unahan, nakakulong siya..at ako ang may hawak ng susi, tumakbo ako para tulungan siya pero———-



"Hey,wake up!" Sigaw ni Reine. 



"I need sleep, come back in a month" Sabi ko at humiga. Ang lakas kabog ng dibdib ko, siguro dahil sa panaginip ko. Bakit ba siya nasa panaginip ko? 



"We're gonna be late!" Sigaw niya, nilingon ko siya..naka-uniform na siya. 



"Edi mauna ka na" Sabi ko at tumayo para mag-ready. 



"A-ano? kung alam ko lang na ganyan ugali mo edi sana—ugh!" Inis na sabi niya at padabog na lumabas ng kwarto, hay..di ko talaga kayang pigilan pag bagong gising ako. Brr! bagong ako,bagong buhay. Hindi na talaga..promise..




"Uy,sorry kanina..bagong gising lang talaga ako kaya—" Sabi ko kay Reine ng pagpasok ko ng classroom. Tinignan niya lang ako at tumakbo palapit sa grupo nila Kathleen. 




"You're so rude, tranferee ka lang" Inis na sabi ni Jackie sa akin. Nags-sorry na nga ako. Sensitive naman ng mga tao dito. 




"That's why I said sorry" Kalmado kong sabi at umupo sa upuan ko. May tumabi sa akin, hindi ko siya nilingon dahil amoy pa lang alam ko na kung sino 'to. Nakita kong nagbulungan sila Kathleen. Oh, beat it. 



"Get away, mapapahamak ako sa ginagawa mo eh" Inis na sabi ko kay Kyle habang tinutulak siya, pero mabigat siya at kamay lang niya ang nagagalaw. 



"Edi masaya" Ngumisi siya at tumawa ng sobrang lakas. Maiiyak na 'ko sa inis nito eh! Ughh! Mas nilakasan ko ang pagtulak pero inakbayan niya lang ako. 




"Wag ka ng mag-selos loves, break na kami" Sabi niya at pinisil ang pisngi ko habang naka-ngisi. What's with him? Pinagseselos niya ba si Kathleen? Geez! kokonti na nga lang kami dito hindi pa kami magkasundo! 




"Gusto mo talagang mabugbug ako no?" Inis na sabi ko. Tumawa nanaman siya ng sobrang lakas. Ugghhh! that devilish laugh! 

Heavenly East University [Future version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon