Dear Diary,
Christmas party na mamaya ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang kakakita ko palang sa kanya at parang kahapon lang nahulog ako sa kanya makikita ko kaya sya mamaya? ano kayang suot nya? sigurado marami na namang babae ang titili sa kanya mamaya, diary mag aayos na nga ako nag text na rin sa akin ang bestfriend ko.
"Sherly bakit ang tagal mo?" sabi nang bestfriend ko wala pa ring pinagbago kaya minsan nakakatamad na talagang pumunta sa Christmas Party dito sa school kasi paulit ulit lang pupunta sa gym, may event pagkatapos ng event baba na sa classroom tapos magkakainan tapos parlor games.
"Sherly!! Uy nakikinig ka ba?"
"Huh?"
"Ano ba naman yan Sherly ano ba kasing iniisip mo? siguro yung crush mo na naman no?"
"Ah Mia hindi naman sya ang iniisip ko eh"
"Eh ano?"
"Uhmm kasi hindi ka ba nagsasawa pumunta sa Christmas Party paulit ulit nalang kasi yung nangyayari eh"
"Ano ka ba naman Sherly ngayon ka pa magsasawa eh last na to!" Saka umarte si Mia na parang naiiyak. Sabagay last naman na to wala naman sigurong mawawala saka gusto ko rin naman malaman kung anong mangyayari sa Christmas Party na ito sa huling taon ko dito sa school na to.
"Sherly!!Sherly" sabay alog sa akin ni Mia
"Ano ka ba Mia, bakit ba?"
"Hay nako Sherly dumating na yung crush nang bayan! Ayiee dumating na yung Neo nya!" sabay tusok tusok sa akin ni Mia.
Tumingin ako sa likod oo nga dumating na nga sya! kasama nya ang mga kaibigan nya habang nag tatawanan tumingin ulit ako sa unahan at hindi ko mapigilang hindi mapangiti kasi dumating sya.
"Hahaha Sherly mukha mo! umayos ka nga" sabi sa akin ni Mia hay ito talagang si Mia kilalang kilala na ako.
"Oo na" Natapos na din ang event sa Gym kaya bumalik na kami sa classroom para kumain.
"Mia! Mia!" sigaw ko kay Mia sa hallway bibili kasi sya sa canteen nang tubig kaya sasabay na sana ako.
"Ah...ano...Sorry Neo!!" sabay takbo papunta kay Mia.
"Kahit kailan talaga Sherly napaka mo! hahaha alam mo bang nakakatawa ka kanina imbis na maawa ako sayo natawa lang ako eh" sabi sa akin ni Mia nakakahiya talaga ang nangyari pero hinawakan nya ako? first time to ha! may maganda rin palang naidulot yung nangyari kanina.
"Mia alam mo ba nahawakan nya ako kanina" sabi ko kay Mia habang papunta kaming canteen.
"Sus kilig ka naman?"
"Medyo eh kasi ngayon lang nagkaroon nang pagkakataon na magkalapit kaming dalawa"
"Eh ba't kasi di mo nalang sabihin sa kanya yung totoo na gusto mo sya hindi ka naman panget eh, maganda ka naman mas maganda nga lang ako."
"Ewan ko sayo Mia puro ka talaga biro bakit ikaw kaya mo bang gawin yun? na umamin sa crush mo?"
"Ah eh hahaha bala ka dyan! mahuling pumunta sa canteen manglilibre" sabay takbo ni Mia tingnan mo tong Mia na to naka skater skirt pa naman sya at medyo mataas din ang suot nyang wedge kung makatakbo to!
Dear Diary,
Sobrang nakakahiya yung kanina natapilok ako habang hinahabol si Mia natapon pa lahat ng laman ng bag ko buti nalang may tumulong sa akin pero nagulat ako si Neo ang tumulong sa akin imbis na magpasalamat ako eh sorry ang nasabi ko alam mo ba nahawakan nya yung kamay ko nung binigay nya yung mga gamit ko hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya kumaripas nalang ako ng takbo. Saka kanina sa Gym parang may tiningnan saglit si Neo sa side namin sino kayang tiningnan nya? Hay nakakapagod naman tong araw na to nagpunta pa kasi kami ni Mia sa mall pagkatapos ng Christmas Party.
~HereIAm
