Prologue

61 1 0
                                    

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?!"

"Patawarin mo sana ako."

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako maka-imik

Ngayon na nga lang kami nagkasama ng ganito

Pinagdadamot pa ng tadhana ang kaligayahan ko

"Paalam."

Paalam

Paalam

Paalam

Kung gaano ko katagal hinintay ang pagkakataong ito

Ganun din pala kabilis sa akin kukunin ang lahat ng 'to.

Sumabay ang pagtulo ng aking luha sa pagpatak ng ulan

Hangga't nawala na siya sa'king paningin ng hindi ko man lang siya nahahagkan.

Paano kung bigyan ka ng pagkakataon na makasama ang taong matagal mo nang hinihintay 

Pero sa saglit na panahon lamang?

Magiging masaya ka ba kung alam mong saglit lang at matatapos din yun?

Di ba't mas parang madadagdagan pa ang pangungulila mo para sa taong yon?

At yung mga ngiti bigla-biglang mauuwi sa kalungkutan

Sa mga oras na ito

Hindi ko man alam kung bakit

Pero ang mga salitang ito ang pilit na sumasagi sa isipan ko

Oo nga no?

Hindi ba pwedeng mas patagalin pa ang mga sandaling magkasama kami?

Pwede bang hindi na ito tapusin?

Pwede bang hindi na mawala ang pagkakataong ito?

Kung pwede lang pabagalin ang oras

Para mas makasama ko siya ng matagal.

*sigh*

Pero teka,

Bat nga ba tila nagtatatanong ang mga salitang ito sa isipan ko?

E maski ang aminin ang nararamdaman ko sa kanya hindi ko nga magawa.

Minsan may mga pagkakataong

Bigla na lang tayong nalulumbay at nangungulila sa taong gustong gusto nating maskasama

Yung tipong...

Masaya ka kanina tapos bigla na lang nag-iba ang ihip ng hanging

At namimiss mo na naman siya

Ngunit wala ka namang magawa.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon