Cassy

46 7 2
                                    

"Uuugh, hassle na hassle na ko. Exam na naman."

Kaasar lang kakatapos lang ng exam last week exam na naman

Tapos papagupit na naman hindi naman nakakapekto sa pag-aaral ang mahabang buhok a? >:(

Ay, naiinis na kagad ako hindi pa pala ako nakakapagpakilala

Sorry poooooo. 

Ako nga pala si Sky, Sky Valenzuela. 17 yrs old, graduating na ko ngayong year kaya grabe sa Hassle.

Mediyo may katangkaran ako mga 5'8

Mahilig akong madamay sa mga trouble dito sa campus

Kaya halos classroom ko na ang Principal's Office.

Matalino ako, nawala nga lang sa honor dahil sa mga kalokohan ko

"Magrereview ba tayo sa inyo mamaya?"

Siya naman si Emily, Emily Mendoza. Bestfriend ko. Matagal ko na siyang bestfriend.

Kasi yung Daddy namin parehas magbestfriend kaya nagkakilala kami ng husto.

Naguusap kami ng biglang may dumaang babae sa likod ng bestfriend ko

 "Kung kandila yan, natunaw na yan sa titig mo." Saad ni Emily

Yung dumaan na babae, yun si Cassy, Cassy Dimaano. Ang labidabs ng buhay ko. Hahaha!

Ewan ko ba kung pano ako nagkaroon ng tama doon.

Basta the way she smiles, the ways she talks, the way she walks...

Uugh! Lalo akong nai-inlove

Takte, ang ganda niya talaga!

"UUUUUY!" Sigaw ni Emily habang binatukan ako.

"Ha? Ano yun? Anong nangyari? OKay ka lang ba?" Sigaw ko habang natataranta.

"Wala na si Cassy pero nakatingin ka padin dun."

"Naubos na laway ko dito kakasalita, di ka pala nakikinig." Dagdag niya.

"Sorry naman." Sabi ko.

"Libre mo na lang ako para patawarin kita." Sabi niya habang ginugulo buhok ko.

"Galing mo rin e no? Magpapalibre ka na lang manggugulo ka pa ng buhok."

"Sige na nga. Tara na maggagabi na o." Dagdag ko.

*Sa Bahay*

8:30 na hindi parin kami tapos magreview.

Math talaga ang may sala :(

Nagrereview kami nambiglang maalala ko si Cassy

*sigh*

"Sky!"

"Sky!"

"Sky!"

"Sky!"

"SKYYYYYYYYY!"

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Takte, pudpod na yung Voice Box ko kakasigaw ng pangalan mo hindi mo padin ako naririnig?" Sagot niya.

"Ano ba ng iniisip mo?" Dagdag niya.

*sigh*

Buntong hiniga ang tangin nasagot ko sa katanungan niya.

"Siya na naman ba?"

"Hayy nako, nagdadrama ka diyan e hindi mo pa naman inaamin yung nararamdaman mo sakanya."

Oo nga no? Nagkakaganito ako pero hindi ko pa naman inaamin yung nararamdaman ko para sakanya.

"Alam mo, paano ka uusad kung hindi mo susubukan."

"Paano mo malalalaman kung hindi mo isusugal?"

"Ika nga nila, wala pang nananalo sa lotto ng hindi tumataya."

"Hayy nako, magreview na nga lang uli tayo." dagdag niya.

Actaully, hindi naman talaga ako ganito e. Kapag gusto ko ang isang babae sasabihin ko gusto ko siya.

Pero ewan ko ba kung anong pumipigil sa'kin para sabihin sa kanya.

-----

Isang oras na ang nakalipas hindi parin kami tapos sa ginagawa namin.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Emily sa'kin.

"9:45"

"HUUUUUUH?! Sky uwi na ko gabing gabi na pala. Buti na lang hapon pa exam natin." Natatarata niyang saad

"Hatid na kita." Sabi ko.

"Huwag na, nakakahiya."

"Eto naman, tagal na nating magbestfriend nahiya pa. Dali na, delikado na rin sa daan o."

"Haha, Sige na nga."

----

*Pag-uwi ko sa bahay*

"Sky, kakain na!" Yaya ng tita ko sa akin

Tita ko lang kasi ang kasama ko sa bahay.

Ang mommy't daddy ko nagtatrabaho abroad

Kaya binilin muna nila ako sa tita ko.

"Wala po akong gana tita."

"Ay, ganun ba? Basta pag nagugutom ka bumaba ka na lang a?" Yaya niya uli sa akin

"Opo." Muli kong sagot.

Pag-akyat ko ng kuwarto

Agad akong humiga ng kama

Matutulog na sana ako ng biglang

Sumagi na naman sa isip ko ang taong gusto ko makasama

Si Cassy.

Naalala ko na naman siya.

Magkaklase kami ni Cassy

Isang upuan lang ang aming pagitan

Kaya lagi ko siyang natatanaw.

Hindi kami ganun ka-close

Napapansin niya lang ako kapag magkagroup kami sa activities

O kaya pag-inaasar ko siya

Pero atleast kasi sa ganung paraan kahit minsan napapansin niya ako

Lalo pa ako nakaramdam ng pangungulila ng biglang umulan

Hanggang sa di ko namalayan

Na nakatulog na pala ako.

----

Author's Note:

Hello Guys! :) Sana nagustuhan niyo yung unang part ng bagong story ko. Yung mga silent reader diyan. Haha! Kung nagustuhan niyo paki-vote. Or kung may mga suggestions kayo i-comment niyo lang :)

Enjoy reading // Vote // Become a fan // God bless :)

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon