CHAPTER 1

13 0 0
                                    

Henry: Oh no, my lady. It is your mouth that has me hypnotized.

(tends to kiss)

Haaays, ang sarap pala sa feeling na kasama mo yung taong mahal mo na manuod ng paborito mong palabas. Tumingin ako sa direksyon niya. Hindi ko inaasahan na nakatingin na din pala siya sa akin. Tumingin ulit ako sa pinapanuod namin. Sinusubukan kong ituon ang pansin ko sa palabas pero hindi ko na talaga maintindihan. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagsalita.

"Abi, may sasabihin ako sayo."

Hinawakan niya yung kamay ko tapos ngumiti siya.

"Anu yun?" nakayukong sabi ko. Sa totoo lang nahiya akong tumingin sa kanya kasi feeling ko namumula ako.

"Abi." Tumayo siya sabay humarap sakin  tapos tinapik tapik niya yung pisngi ko. Sa totoo lang na-weirduhan ako sa ginawa niya.

"Abi!" ngayon hindi na niya ko tinatapik. Hinawakan niya yung dalawang braso ko tapos inalog alog ng malakas. Napapikit ako habang inaalog niya ko.

Gusto ko ng dumilat pero ayaw ng mga mata ko. Maya maya, narinig ko ulit siyang nagsalita.

"Abigail Yvonne Perez!"

Teka,

Pano niya alam yung buong pangalan ko? Stalker ko na ba talaga siya for real? Kyaaaaaaaah! *_*

"Abi, pag hindi ka pa bumangon. Uubusan na kita ng pagkain sa baba!"

Uubusan ng pagkain? Teka, bakit parang kaboses na ni kuya yung lalaking nasa panaginip ko..

Napadilat ako. Nakita ko si kuya. Bakit nandito siya? Pumikit ulit ako tapos dumilat.

"Kuya? Bakit ka nandito? Nasan na siya?"

*pok!*

"Aray naman kuya! Bakit mo ko binatukan?"

Hinihimas himas ko pa yung ulo ko. Nakita ko na lang na tumayo na siya tapos naglakad palabas.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 24, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Prince of my FairytaleOnde histórias criam vida. Descubra agora