Clara

287 10 2
                                    

"Never let people's opinion stop you from writing what you want"

-
Umalis si Zeus ng mabigat ang loob sapagka't hindi man lang sya tapunan ng tingin ng asawa nya

"Shaira please cancel all the appointments that I have for the evening kailangan kong maagang umuwi" He told his secretary at nagsimulang maghanap ng restaurant na kakainan nila ni Hera for dinner

Pagkatapos maghanap ay tinawagan nya ang asawa ngunit hindi naman nito sinsagot ang tawag

"Pick it up Hera" He whispered

but he was greeted by an out of coverage tone senyales na pinatayan sya ng asawa nya ng telepono

Naiinis na tinititigan ni Zeus ang cellphone nya at napapikit karma nya siguro ito sa hindi mabilang na phone calls ni Hera na hindi nya sinasagot

Nang matapos ang araw na hindi nya man lang nakausap si Hera para syang luging lugi naglalakad papunta sa parking lot

hindi rin sya dinalhan ni Hera ng lunch na lagi ginagawa nito noong nakaraan

"Bobo ka ba Zeus malamang di makakalabas yun kahit gustuhin nun ikaw ba naman mapuno ng pasa" Inis na sabi nya sa sarili habang nagdadrive

bakit nya ba kasi ginawa ang kahayupang iyon? Si Hera na nga ang nagbayad sa babae nya hindi pa ba sya nagsawa

he can't help but feel guilty towards his wife pero anong magagawa nya? lalaki sya may pangangailangan rin sya.

He was about to turn left towards the direction of his house when his phone lit up

Tumatawag si Clara ang latest fling nya, agad naman syang napangiti ng makita ang pangalan nito

Clara is different from the girls that he bedded may sense itong kausap at hindi puro latest fashion ang bukang bibig the woman has big dreams kung hindi lang sya kasal kay Hera ay baka inaya nya na ng kasal ang babae.

"Hey babe" He greeted her

"Busy?" tanong ni Clara na may halong paglalambing

"Para sayo hindi" Bola nya na ikinatawa ni Clara

"My place" She said and hung up the phone

without any second thoughts he changed the direction and headed for Clara's place

His wife can wait pero si Clara hindi.

-

Kahit hapdi at sakit ang nararamdaman ni Hera ay hindi pa rin nya napigilang magluto ng hapunan para kay Zeus judging by his actions earlier alam nyang uuwi ng maaga ang asawa nya pagkatapos nyang magluto ay hinain nya sa lamesa ang pagkain at binuksan ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa

"Hello!" A woman's voice greeted na nagpakirot lalo sa sakit na nararamdaman nya

"Pasabi kay Zeus enjoy" she said and ended the call

saka sya napahagulgol

kailan ba matatapos ang paghihirap nya?

-

Pagkatapos ni Zeus magshower ay umupo sya sa hapagkainan at sinimulang lantakan ang luto ni Clara

"Babe may tumawag pangalan Hera she said to enjoy daw" Clara said while giggling

"Nachika mo na agad na magkasama tayo nako naman" she teased

nag sink in kay Zeus ang sinabi ni Clara kaya naman bigla syang napatayo at dali daling nagbihis

"Babe I need to go next time na lang ulit" He said and kissed her swiftly on the lips

"Ay akala ko pa naman you'll stay the night" nagtatampong sabi ng babae ngunit hindi nya na ito pinansin at umalis na ng bahay nito

fuck! hindi naman nya inexpect na tatawagan sya ni Hera habang naliligo sya gusto nyang mapamura sa kaba

hindi pa nga sya napapatawad sa nagawa nya ay dadagdagan pa ulit nya ng isa pang kagaguhan

Halos paliparin nya ang sasakyan para lang makauwi agad

bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng pagkain kaya naman pumunta sya sa dining room at nakita ang pagkaing nakahain sa lamesa malamig na ito at halatang kanina pa inihain

hinanap nya si Hera at nakita nya ito sa sala na mahimbing na natutulog bakas pa rin ang luha sa mukha nito

"Ang tanga mo Zeus" naiiyak na sabi nya sa sarili at dahan dahang binuhat si Hera papunta sa kwarto nilang magasawa
-

Nagising si Hera ng maramdaman nyang para syang lumulutang yun pala ay buhat buhat sya ng asawa

"Baba mo na ako" Mahinang sabi nya na hindi naman pinakinggan ni Zeus

madahan syang ibinaba ng asawa sa kama nila at umupo sa tabi nito namayani ang katahimikan sa dalawa

"bakit napaaga ka ata? di magaling yung naikama mo?" She asked sarcastically na nagpatikhim sa lalaki

"I got carried away" simpleng paliwanag ni Zeus at iniiwas ang tingin nito sa kanya

"I also packed my bags lahat ng damit ko ay naimpake ko na I got carried away too" She replied and stood up to get her luggage

"San ka pupunta?" Kinakabahang tanong ni Zeus sa kanya

"Maghiwalay--"

"Ayaw ko hindi ko kaya" pagputol ng lalaki sa kanya na nagpatawa sa kanya

"Ikaw pa talaga ang may hindi kaya?!" She angrily asked as she wiped the tears that is falling from her face

"Putang Ina Zeus! kung ayaw mo akong mawala tigilan mo ang pambababae mo ngayon kung hindi mo kaya maghiwalay na tayo kasi tangina naman pagod na ako pakiramdam ko sa sarili ko ang dumi dumi ko" Umiiyak na sigaw nya sa asawa

"Kaya mo bang hiwalayan ako? akala ko ba mahal mo ko? akala ko ba di mo ko iiwan?" mahinang sabi ni Zeus na lalong nagpaiyak kay Hera

"Oo mahal kita, oo pinangako ko na hinding hindi kita iiwan pero pinangako mo rin sakin na hinding hindi mo ko sasaktan asan na yung pangako mong iyon? anong nangyari sayo Zeus hindi na kita kilala eh naging hayop ka na hindi ko na kayang makasama ka" matigas na sabi nya at nagsimulang humakbang palayo ngunit pinigilan sya ni Zeus sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya

"I will fix this mess baby wag mo kong iwan please hindi ko kakayanin I love you iwan mo yang mga gamit mo I will let you go para makapagisip ka ng mabuti but I won't let you go permanently aayusin ko ang lahat pangako bumalik ka pag okay ka na or kaya naman ay hahanapin kita" He softly said and started to fix the things that she brought out pinagimpake sya ng lalaki ng iilang damit na tatagal ng isang linggo at ibinigay ito sa kanya

Hinatid sya ng lalaki sa airport kung saan sya nagpahatid at hinalikan sya nito sa noo at sinabing bumalik sya

babalik naman talaga sya eh hindi lang ngayon

Zeus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon