CHAPTER 1: First Day

6 0 0
                                    

Cohenne Avril Dopey's POV

"Hoy babae! Gising na! Di mo ba alam na first day mo ngayon bilang HRM ng Dopey Family?! Tas magpapa late ka? Ano gusto mo matanggal sa trabaho kahit first day palang?!" gising sakin ng nag iisa kong ate.

Oo nga pala ngayon first day ko bilang Hotel and Restaurant Management, o sa pina ikling HRM. Ang aga pa naman ah. 5:18 am palang eh 7:30 pa pasok namin. Hays. Halos 2 hours pa. Hindi naman ako mabagal kumilos tulad ng iba diyan eh. Sa totoo nga mas matagal kumilos yung ate kong 'yon.

"Claire Nichole Dopey, soon to be Mrs. Garcia. Ate kong maganda. (Ehem!) 5:20 palang po, 7:30 pa po pasok namin. Mamaya mo na ako istorbuhin. Iniistorbo mo masarap kong tulog eh." inis ko sakanya.

"Anong 5:20?! 6:20 na po. Late ba yang relo mo?!" pagtataka niya.

Ha?! Really?! Hindi naman late to eh. Ka- time nito yung sa cellphone ko, eh ka- time ng cellphone ko yung tine sa cellphone ng ate ko. Tinignan ko time ng cellphone ko; 6:20 na nga. Siguro tumigil lang yung relo ko dito sa kwarto.

"Oo na po. Siguro tumigil lang 'to." sagot ko.

Pagkababa ko nakita ko si Mama na nagluluto ng breakfast. Binati ko agad siya.

"Goodmorning, Ma." bati ko saknya sabay halik sa pisngi niya. Sanay na kasi kaming dalawa ni ate na binabati siya, tsaka kapag umaalis babatiin namin siya ng 'Goodbye' kasama ang GOODBYE KISS. Simula kasi bata palang kami ginagawa na namin yun, kaya hanggang ngayong pagtanda namin nasanay na kami.

Btw, wala na po kaming tatay. Bata palang ako, iniwan na niya kami.

Inalok na sakin ni Mama yung naluto niyang breakfast. And, our breakfast for today is egg & bacon w/ rice syempreee. As always. My favorite breakfast ever!

Wait, teka lang. Naiwan ba si ate sa taas? Wala siya dito eh. Hays. Kanina ako tinatawag tawag niya, tas ngayon? Siya pala magpapaiwan dun. People now a days. Tch. Tawagin ko nga.

"Ma, tawagin ko lang po si ate." paalam ko kay Mama. Kakain na sana ako nun eh, kaso naalala ko yung bruha kong ate.

Kaya umakyat na ako sa taas, para tawagin siya.

Pagkadating ko sa taas, andun pala siya sa kwarto niya, nagla-laptop. Nanonood ng Kdrama. Adik lang, like me. Haha. Pero ako dina ako masyadong nanonood ngayon. 1 times a month nalang. Dati halos 3-5 times a month. Busy eh, simula nung natapos ko yung course ko bilang HRM.

"Hoy! Bruha kong ate! Kanina ako tinatawag mo, tapos ngayon ikaw pala nagpa iwan, ha?! Baba na daw, nakaluto na yung almusal." pasigawa na sabi ko sakanya.

"Oo na. Bababa na. Tatapusin ko nalang tong isang episode. 3 minutes nalang oh." sagot niya.

Hindi ko na siya hinintay pa, nauna na akong kumain sakanya. At habang malapit na akong matapos kumain, ay doon palang siya bumaba.

Binati na niya kanina si Mama, nauna pa siyang nagising sakin. Excited daw, dahil sa first day ko. Tsk. Mas excited pa ata sa 'kin.

Pagkatapos kong kumain, ay nagpahinga muna ako sandali. Mga 5-10 minutes. Pagkatapos nun, tsaka na ako naligo.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Excited na rin me. Ang ganda ng uniform. Pero lalo pang gumanda nung sinuot ko. Hay. Kahit ano talagang damit, bagay sakin. Wala kasing kupas tong ganda ko eh. Hahahaha. Lol. Charot lang. Pero totoo naman eh.

Pagkabihis ko, sumakay na ako sa kotse. Si ate magda-drive. Di pa kasi ako marunong eh. By now, practicing palang.

Sa Hotel ako naka- asign ngayon. Every year, magpapalit. Bali next year, Restaurant na.

Nung nandun na sa Hotel, iniwan na ako ni ate, may pupuntahan daw siga eh.

Pumasok na ako sa loob, ang ganda, ang laki din. "Brilliant Hotel" yan yung naaninag ko pagkapasok na pagkapasok ko palang. Yan ang name ng Hotel na pinapasukan ko. Foreigner daw ata kay ari ng Hotel na 'to eh. Bago palang siya. Mga 10 years ago palang simula nung nag open siya. Malapit lang naman siya eh, kaya wala na akong problema. Mga 30 minutes lang andito kana. May taga hatid naman ako eh. Hahaha.

May babaeng biglang sumulpot sa harapan ko. Siya yung emcee dati nung gumraduate ako. HRM din siya. May pina- fill up siyang form sakin para sa mga newbies. Nung na fill up kona, sinabi na niya sakin mga naka asign na gawain para gagawin ko. Sinabi nadaw sakanya nung may ari eh, kaso umalis daw sila. Kaya pinasabi nalang niya dun sa babae.

"Ikaw yung taga-serve. Konti nalang kasi taga-serve ngayon eh. Yung iba mas ginusto pa magluto." sabi niya. Tumango naman ako. Sa totoo lang, mas gusto ko pang mag serve nalang. Mas nakakapagod yung magluto eh. Tsaka pag dipa masarap, kung ano ano nalang sabihin nila.

*-*-*-*

Pagtiyagaan niyo pong basahin yung mga ibang chapters. :'> sana nagustuhan niyo. First chapter palang yan ah.

Btw
Ganito po pronouncation ng name ni Cohenne

Cohenne- Kohin
Avril- Avril (pagleletra lang siya.)
Dopey- Dowpi

Thanks a lot kasi nag tiyaga po kayo hanggang first chapter. Lablab all.

Since I met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon