Prolouge

31 0 0
                                    

 Prolouge: 

 Ang hirap hirap magmahal ng patago.

 Hindi mo alam kung anong gagawin sa tuwing malapit lang siya sayo.

Hindi mo alam kung paano mo matatago ung kilig sa tuwing nandiyan siya sa tabi mo, sa tuwing kinakausap ka niya, sa tuwing ngingiti o tatawa siya nang dahil sayo, at hindi mo rin alam kung sapat na ba ang mga pagpaparamdam mo sa kanya para mapatunayan mo kung gaano mo siya kamahal kahit hindi mo na sabihin ang katagang mahal kita.

 Wala siyang kaide-ideya kung gaano mo siya pinapahalagahan, at kung gaano mo siya kamahal, kung gaano ka niya pinapasaya sa tuwing kasama't kausap ka niya lalo na kung masaya siyang kapiling ka. Wala rin siyang kaalam-alam kung gaano mo ninanais na makapiling siya habang-buhay.

At ang mahirap pa kung magmamahal ka ng palihim, ay ung hindi niya alam na nasasaktan ka na. Hindi niya alam na nasasaktan ka na sa tuwing may kasama siyang iba, sa tuwing nalalaman mong may gusto o mahal na siya, at sa tuwing masaya siya sa piling ng iba.

Tao lang din naman tayo, pwede ring masaktan. Hindi naman din natin 'to mapipigilan. Lalo na kung makikita natin silang may kasamang iba. Magseselos tayo kahit wala tayong karapatan kasi hindi naman natin sila pagmamay-ari. Lihim na pagmamahal nga diba?

 Hindi mo masabi sa kanya ang nararamdaman mo hindi dahil sa hindi mo kaya, kundi dahil takot kang malaman kung ano ang magiging tugon niya. Baka nang dahil sa pag-amin mong iyon ay mawala ang pagkakaibigan niyo at bigla siyang dumistansya.

Ang saklap diba?

Paano pa kung malaman mong may mahal na nga talaga siya?

Susuko ka na ba?

O pagpapatuloy mo pa rin kahit masakit na? 

Pero paano kung ikaw pala ang mahal niya?

Maniniwala ka ba't magpapakat*nga para lang sa kanya?

 At masasabi mo na bang magiging happy ending na?

                                                                                                                                      ~ Angelica

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon