(Yenna’s POV )
Anong kayang problema nun. magttxt tapos di naman magrereply. Ang labo talaga ng lalaking yun.
*beep.beep*
1 message recieved
From: Jessey Sungit >:)
Labas ka please.
--
Anong problema nun? bakit ako pinapalabas nun? don't tell me nandito sya.
*beep.beep*
1 message recieved
From: Jessey Sungit >:)
Alam kong gising kapa. lumabas kana please nilalamok na ko dito -_-
--
Sumilip ako sa terrace ng kwarto ko para macheck kung nandun nga sya. Aba't oo nga nasa labas sya at naka sandal sa sasakyan nya.
Bumaba naman ako para papasukin sya kawawa naman ee. nakita naman ako ni mom na kasalukuyang pa pasok sa kwarto nya.
"Oh yenna bakit gising kapa?"
"Mom si jessey kasi nasa labas. Mukhang may problema ata."
" Ah ganun ba sige. Basta after nyong magusap matulog kana"
"opo" Bumaba naman ako para puntahan si jessey sa baba.
"Hoy anong ginagawa mo dito ng ganitong oras" tanong ko sakanya Pagkabukas ko ng gate.
Hinila nya ako at isinubsob ang ulo nya sa balikat ko. Mukhang may problema to' sa buhay.
"May problema kaba?"
Hindi sya sumagot at humugot lang ng malalim na hinga. " Sorry naabala pa kita"
"Okay lang. Sabi mo kailangan mo ng kausap diba. Tara sa loob baka papakin ka ng lamok pag dyan ka tumambay."
Nagpunta naman kami sa may pool area. Nakakarelax kasi ung aura dun baka sakaling mapagaan yung pakiramdam nya.
Naupo naman kami sa may side ng pool at nilaro yung tubig gamit ang mga paa namin.
Tahimik lang syang tinitingnan yung reflection nya sa tubig.
Hindi na rin ako nagtanong kung anong problema nya. Hinihintay ko lang na sya mismo yung magopen. Sabi kasi ni kuya silang mga lalaki daw hindi makwento pagdating sa nararamdaman nila kaya dapat di sila pilitin hayaan lang sila mismo maglabas ng hinanakit nila.
Humugot lang sya ng hangin tapos sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko. Hindi ko alam pero feeling ko ang special ko dahil sa mga gestures nya.
"Akala ko okay na lahat." nagulat ako ng magsimula na syang magsalita.
"Ang alin?"
" Akala ko okay na si ate aerine. Akala ko pag lumipat ako dito magiging okay na yung buhay ko."
"ha? hindi kaya kita maintindihan. Ano bang nangyari."
"Makapagtago ka naman ng sikreto diba?"
"Oo naman." Tapos inabot nya sakin yung hinliliit nya " Oh ano yan?"
"Antanda mo na di mo pa alam to'. PINKY SWEAR tawag dito."
"Baliw ka malamang alam ko tawag dyan. Ang tanda mo na nag.gaganyan ka pa" grinab ko naman yung inaalok nyang hinliliit "Pinky swear" tsaka sya ngumiti.
" Ate Aerine is still suffering on her trauma. "
"Trauma? bakit? parang okay naman sya aa."
"Yun yung pinapakita nya pero pag nagflaflashback sakanya yung insidente noon bumabalik nanaman yung Aerine na puno ng takot."
"Teka hindi kasi kita maintindihan. Anong insidente ba yung sinasabi mo?"
" 3 years ago nawala ang isa sa pinakamamahal nyang lalaki. Si Marco."
"Boyfriend ni ate Aerine?"
" Hindi lang boyfriend. Nasa loob sila ng isang fixed marriage. Bata pa lang alam na nilang sila ang magkakatuluyan. No doubts naman silang dalawa kasi natutunan na nilang mahalin ang isa’t isa till one day an incident happened and that incident caused Marco's death. At hindi pa dun nagtatapos yung trauma ni Ate Aerine. Nakita nya lahat kung pano namatay si Marco at hanggang ngayon iniisip nya parin na kasalanan nya lahat."
"Oh my gosh. I'm sure it was so hard for ate Aerine to recover after that incident. "
"Oo. after ng insidenteng yun ayaw na nyang pumasok. Maraming beses din syang na ospital kaya napagdisisyunan nila tita na mag homeschooling na lang sya. And fortunately after a year naka move on sya but suddenly part of her is still missing. "
"Kawawa naman sya."
" Kung may magagawa lang ako para makalimutan na nya si Marco."
Oo nga Ano kayang pwede namin maitulong kay ate Aerine.
"Alam ko na!" I'm sure this will be a bright idea.
"Ano nanaman yan yenna?"
" Baka kailangan lang ni ate Aerine ng bagong lovelife."
"bagong lovelife? "
"Oo. syempre pag naramdaman na nya yung kilig sa ibang tao. makakalimutan nya na si Marco at makakawala na sya sa takot ng tuluyan"
"Maybe thats a nice idea. Pero pano at sino naman yung lalaking yun?!"
"Yun lang. Teka pwede bang bukas na natin problemahin yan? mag aalas dose na oh? may klase ka bukas tapos may icocover naman kaming sports. Baka malate tayo pareho."
"Oo nga pala. Sige uwi na rin ako. Maraming salamat yenna ha."
"Ano ka ba naman. Wala yun. Tara hatid na kita sa labas."
Hinatid ko na sya sa may gate kung san nakapark yung sasakyan nya. teka diba sabi nya kanina may isa pa syang problema.
" Hmm. Jessey sabi mo kanina akala mo pag nagpunta ka dito sa pinas magiging okay na yung buhay mo? bakit may problema kaba?"
"Ha? yun ba? wag mo na lang pansinin yun. Masyado lang siguro akong nadala ng emosyon ko kanina. Salamat ulit ha. Sorry kung naistorbo kita"
"Wala yun. Sige ingat ka sa pagdradrive."
Binuksan naman nya yung door ng sasakyan nya. Isasara ko na sana yung gate ng tawagin nya ako.
"Yenna?"
"hmm?"
"Pwedeng humingi ng pabor?"
"Ano yun?"
"Please lang. Wag kang maiinLove sakin"
He leaved me hanging my emotions for a moment. I don't know why pero parang ang bigat sa pakiramdam nung sinabi nya.
BINABASA MO ANG
She captured my Heart
Teen FictionShe thought after losing the guy who she really loves she will never find herself happy again. Until she met a guy who will definitely change her beliefs. Will she over come the fear of trying and loving again or she will be buried forever in hurt...