An Exchange

37 0 0
                                    

"Uy, Kara, tingnan mo nga yung dalawang gwapong lalaki dun sa kabilang table. Dali! They're looking at us!!"

Napatingin ako sa dalawang sobrang gwapong lalaki na umiinom ng frap. Yung isa ay nakatingin sakin at biglang ngumiti. Nak ng tokwa, talo na niya si Daniel Padilla!

Inalis ko agad ang tingin ko at tiningnan nalang ang inorder kong cappucino. My gaaaad, parang baklang kabayo pa naman ang mukha ko sa tuwing nagugulat ako! Ang last image ng pagmumukha ko sa isang gwapong lalaki ay isang kabayo! I won't accept this!

Napatingin ulit ako sa lalaking ubod ng gwapo at nagsmile ng pagkalaki-laki. Oh my gaaad, this is it! Parang naging slow motion ang pagtingin niya sa akin at...

at...

NADURA NIYA ANG INIINOM NIYA!!

What's wrong? Ganun pa talaga kaganda ang smile ko at bigla niyang nadura ang frap niya??? KALOKA!

Bigla akong pinoke ni ate.

"Yung ngipin mo! May chocolate pa! Langyang babae to. Sige smile pa!"

ANAK NG BAKLANG KABAYO! KUMAIN PALA AKO NG HERSHEYS KANINA! MY GAAAAD! OH DIYOS NG LUPA, LAMUNIN MO NA AKO PLEASE. MY BODY IS READY NA. GORA! WAG NANG MAGPATUMPIK TUMPIK PA BOOM KARAKARAKA!!

"Oi babae! Wag mo nang ipush yang kagandahan mo. Gaganda ka lang pag malabo yung mga mata nang mga lalaking yan!"

Sabi ni ate Maiora.

"Magkapatid lang tayo no! Pag pangit ako, pangit ka rin!"

"Di no, ako naunang lumabas, edi lahat ng kagandahan sa genes ni mother eh napunta sa akin!"

Edi siya na.

"Watch and learn." dagdag pa niya.

Nagflip siya ng hair at tumawa ng pagkalakas lakas. Napatingin ulit sa direksyon namin ang dalawang lalaki. Talo nako, pramis.

Tumingin kay ate ang kasama ni Mr. Gwapo. Okay, hands-down na ako. Siya na talaga.

Sa sobrang tawa ni ate ay nabulunan. Ang mga waiter ay tinulungan siyang makahinga ulit ng maayos. At yung dalawang gwapong lalaki? Yun, parang walang bukas sa kakatawa.

***

"Ano ba yan ate, ang malas natin ngayon. Kung saan may mga diyos ng kagwapuhan na tayong nakita, dun pa tayo napahiya ng sobrang sobraaaa!" sabi ko habang naglalakad na kami pauwi. Malapit nang dumilim kaya kailangan na naming dumiretso sa dorm. May curfew kasi, baka saraduhan na naman kami.

"Oo nga eh. Let's accept na forever alone nalang talaga tayo." ani naman niya.

Baka tama nga siya. Baka tatanda lang kami na walang pamilya at ang mga kasama lang namin sa bahay ay mga pusa. Sad life.

Nasira ang katahimikan nung biglang nagtanong si ate.

"Saan pala type mo dun?" 

"Uhmm..Siguro yung naka-green. Shet gwapo niya talagaaaa!!" sagot ko at muntikan ko na siyang masapak dahil sa kilig.

"Sakin naman yung naka-blue. Shit talaga! Nakakahulog panty ang pagkagwapo niyaaa!"

Ang ingay namin sa kanto at biglang nag-ingay ang mga pusa. Nebeyen, pati pusa, ayaw na rin samin. Wala na.

"Mga ate! Naiwan niyo mga handkerchief niyo!"

Napatingin kami sa pinanggalingan ng mga boses at nagulat kami dahil ang mga tumatakbo papalapit sa amin ay ang dalawang lalaki sa cafe kanina!

Si Mr. Green shirt ay lumapit kay ate at si Mr.Blue Varsity Jacket naman ay lumapit sakin. Wait, bakit baliktad???

"Wrong send?" Bigla akong napasalita.

"Huh?" Tanong nila.

"Ay wala, yung TalkNText kasi nagtext, Globe ako eh."

"Ahhh... Pwede pala yun?" sabi ni Mr. Blue at tumawa.

"Uhm, eto pala handkerhief niyo miss." sabi nila at nag-abot sa amin ng papel.

"Sige bye!" Bigla silang tumakbo at dahil sa sobrang bilis ay di na namin mahabol.

Napatingin kami bigla sa mga papel at ang nakalagay:

"Anthony Rodriguez, 0908++++++" (galing kay Mr. Green)

"Patrick Rodriguez, 0921++++++" (galing kay Mr. Blue)

Ano gagawin namin dito...???

o.o ....

An ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon