First Exchange

23 0 0
                                    

"Manong, may smart sim po ba kayo? Dalawa po. Pabili."

Ano ba yan. Napagastos na naman ako kasi Smart yung sim ng dalawang gwapong nilalang. Gusto nilang mag connect sa people, ayaw nila ng "Go lang ng go" ng Globe. Eh kung i-go ng go ko sila sa kama, siguradong mag g-globe na sila. Ahihihi---aray ko po!

May nabangga akong matigas na pader, sa sobrang pagkawild ng isip ko, di ko na namalayan na may pader na pala sa harap ko.

"Are you okay, miss?"

Nako po, napalakas siguro yung tama ko sa pader at parang naririnig ko nang nagsasalita.

"Miss?"

Tokwa, gusto pa yatang sagutin.

"Oo, pader, okay lang ako. Salamat." sabi ko naman.

"Pader?" tanong niya.

Napatingin ako sa pader. Grabe, ganun ba talaga kalakas ang tama ko at kamukha ni Anthony ang pader?

"Ano ba yan. Sa sobrang kakaisip ko kay Anthony, namumukhaan ko na siya sa tokwang pader na 'to." napakamot ako sa ulo ko.

"Ha? But I am Anthony."

Tumingin ako ulit at sinampal ang sarili, baka sakaling di nga pader yun.

Anak ng tokwa, si Anthony nga! Siya nga! Eh ano naman ang matigas na natamaan ko nayun?

Ahihihi---

Nabigla lang ako dahil biglang may pumunas sa labi ko.

"Huy, bakit ka na naglalaway dyan?"

Pagkaangat ko sa ulo ko ay bigla kong namalayan na ang lapit na pala ng mukha niya sa akin.

This is it. Rak na ituuu!

"Ay prinitong tipaklong!" bigla akong napasigaw dahil muntikan kong nahulog ang bag ko. Buti nalang nasave ni Prince charming. Hihi <3

Ngayon lang ako napatingin sa kanya ng mabuti. Naka-jersey lang siya ngayon at halatang kakagaling lang niya sa basketball practice nila. Nakakahulog panty ang kagwapuhan niya shet lang.

Di ko maalis ang tingin ko sa mga mata niyang nakakaakit at---

"Miss? Ikaw yung nakita namin kasama ng kaibigan mo nung isang araw diba?" natigil ang pagpapantasya ko sa biglaan niyang tanong.

"Ah, oo, ate ko pala yun." sagot ko naman.

Napa-smile siya nung sinabi ko yun. My gaaad, what is the meaning of that smile! Na-love at first sight be siya sakin? My gad my gad my gaaaaad!!

"Ganun ba... Uhmmm...Can I ask a favor...?" tumingin siya sa akin ng pagkasweet sweet na parang gusto ko na siyang pakasalan ngayon din!

"Oh, of course. What is it?" Nag english pa ang gaga. Syempre, dagdag points yan! Take note!

Grabe ang bilis ng puso ko nung bigla niyang binigay sa akin ang cellphone niya. Oh My Golly Gosh. HINIHINGI NIYA NUMBER KO!!!! WAAAHHH!! TIMING TALAGA ANG PAGBILI KO NG BAGONG SIMCARD!!!

"Pahingi ng number...." mejo nahihiya pa siyang magtanong.

Nako my dear, no need nang mahiya. sus, di dapat nahihiya sa akin ang future husband ko.

Kukunin ko na sana ang bagong simcard ko pero...

"Pahingi ng number ng ate mo...kung pwede..." .

.

.

.

.

.

H-ha...?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon