Kabanata 1

12 0 0
                                    


Eises's PoV

  Hi, I'm Eises Jamaica Lloyd Monreal. 23 years old. A successful owner of Cafe, Resto and Bar named "Villa Monreal". After graduating college, I started from scratch. Though noong college palang ay nagwoworking student na ako para makapag-ipon ng puhunan. My dad wanted to give money for capital, pero ayokong tanggapin dahil gusto kong paghirapan lahat. I'm currently at my condo unit ng dumating ang mga kaibigan at pinsan ko.
"Hi EJ ! Kamusta ?",saad ni ate Rwen."Hi ate ! I'm fine, anong ginagawa mo dito ? Ikaw lang mag isa ? Asan yung iba ?",tanong kong sunod sunod sa kanya."Paakyat na siguro yung iba, nauna na ako kasi galing ako sa babang floor nitong unit mo.",sagot niya. After ng konting pagkukwentuhan ay biglang nagsidatingan ang iba pa naming kaibigan at pinsan. "I feel so at home, dito sa unit mo EJ.", saad ni Aidan. "Naku daddy B, ang sabihin mo gusto mong makasama si mommy B ng solo."saad ni Mori. "Ewan ko sa'yo Mori.", natatawang untag ni Aidan. Natigil ang lahat sa pagtatawanan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si kuya Aeven (Ey-Ven). "May mga bisita pala tayo, Jam. Di ka man lang nagtext di sana'y bumili ako ng makakain.", saad ni Kuya. Pagtapos niyang magsalita ay may maliit na batang hirap na hirap na tinulak siya dahil nahaharangan niya ang pinto."Mommy !", sigaw nito. Sabay takbo papalapit sa akin."Mommy !?",nagtatakang sigaw nila. "Mamaya ko na lang ieexplain lahat. Asikasuhin ko lang muna tong si Sky.",saad ko. Nagtanguan naman silang lahat. "Kuya Aeven, ikaw na muna bahala sa kanila.",dugtong ko pa bago balingan si Sky na ngayon ay nasa harapan na ni Aidan."Daddy Dan, ba't ngayon mo lang ulit kami binisita ni mommy ? Di mo na ba love si Sky ?",saad ni Sky kay Aidan. "Daddy Dan ?!",naguguluhang sigaw nila."Sky ? Let's go, Mommy's gonna clean you up. Your daddy Dan will talk to you later about that, okay ?", untag ko."Okay mommy.",sagot niya. "Siya na ba yun ?", pahabol na tanong ni Aidan."Oo Aidan, mamaya na lang natin pag-usapan.",saad ko bago siya talikuran. Alam kong napakinggan ng lahat yung tinanong sa akin ni Aidan. Aidan knew about Sky, all along. Pero hindi siya ang ama at hindi rin ako ang tunay niyang ina. Dire-diretso akong nagtungo sa walk-in-closet naming mag-ina. Matapos ko siyang linisan ay ako naman ang naligo at nag ayos ng presentable dahil ng dumating sila ay nag aayos ako ng kusina. "Come on, Sky ? Lets go outside ?",aya ko sa kanya."Mom ? I'm scared of them. Except daddy Dan.",nakahalukipkip niyang saad. "Don't be scared of them, they're your tita and tito. They'll love you, okay ? Mommy's not gonna leave you, and I won't let anything bad happen to you.",paninigurado ko sa kanya. Tumango naman siya bago ako hilahin palabas ng kwarto naming dalawa. Nagkakasiyahan sila ngunit ng makita kaming mag ina ay natahimik ang lahat."Sky want to play upstairs sa rooftop ?",tanong ni Aidan sa bata."Only if mommy let me play. Can I mommy ?",tanong ni Sky sa akin ng nakatingala. Alam kong iniiwas nila ang bata para hindi mapakinggan ang pag uusapan namin ng mga pinsan at kaibigan ko."Okay. But please be careful ? I don't want you to get any wounds or bruises, do you understand ?",saad ko."Yes mommy, I'll be careful. And Daddy Dan is there to look after me.",sagot naman niya."You go with Daddy Dan first, behave okay ?",sagot ko. Tumango tango naman siya, bago tinakbo ang distansya nilang dalawa ng daddy Dan niya. Pero bago paulit ako makapagsalita ay pinaulanan na nila ako ng tanong. "Sinong tatay ni Sky ?",-Ate Rwen. "Si Aidan ba ?",-Ate Vaughn. "Kailan pa ? Bakit di namin alam ?",-Ate Adrei. "Akala ko ba walang namamagitan sa inyo ?",-Raven. Sa dinami dami ng tanong nila, iisa lang ang mas nangibabaw sa akin na tanong. Ang tanong ni Raven. Aaminin ko, yes nagkagusto ako kay Aidan. But it's just for a short span of time. Magkakagulo lang kaming dalawa kaya tinigil ko na. And besides, hindi niya mapapantayan si Raven sa puso ko. Sobrang mahal ko na si Raven kahit noon pa mang nanliligaw siya sa pinsan ko. "Walang namamagitan sa aming dalawa ni Raven.",saad ko habang nakatingin sa mga mata niya ng diretso. Kitang kita ko sa mga mata niya na hindi siya naniniwala. Kaya kinuha ko ang documents ni Sky sa tukador na pinagpapatungan ng tv."Here, yan ang mga documents na nagsasabing hindi ako ang tunay na ina ng bata. At alam din yun ni Sky. Kasi maaga palang pinaalam na namin sa kanya ni Kuya Aeven. Ayokong lumaki yung bata na nagsisinungaling ako sa kanya. After the day na malaman niyang hindi ako ang totoong mommy niya, she cried and even banned me sa room naming dalawa for days.",paliwanag ko."Pero kahit ganun, inintindi ko siya kasi mahal ko yung bata. At alam kong naiintindihan niya din yun, kasi matalinong bata ang anak ko.",dugtong ko pa."So sino ang nanay niya ? Nasaan siya ? Bakit hindi niya alagaan yung anak niya ?",sunod sunod na tanong ni Raven."Si Gianne ang nanay nung bata. Natatandaan niyo pa ba siya ? Yung kaibigan ko na kasama ko noong birthday ko ? Nung nagpunta tayo ng Baguio ?",tanong ko sa kanila."Oo tanda ko pa. Siya yung kaibigan mo na broken-hearted noon diba ? Nung nagpunta tayo ng Baguio ?",sagot naman ni Ate Crys."Oo, siya nga. Pag balik namin, nagkita sila nung ex niya. Nagkabalikan ang dalawa, something happen. At si Sky ang naging bunga noon.",saad kong muli."Ba't ikaw ang nag-aalaga ? Asan na si Gianne o kaya yung tatay man lang nasaan ?",tanong naman  ni Ate Vaughn."Gianne passed away when she was giving birth to Sky. At yung ama ? After na mawala ni Gianne, naglaho na din na parang bula. Nag usap kami ni Gianne. Nakapag hindi niya kinaya at bumigay ang katawan niya sa panganganak, ako ang mag aalaga kay Sky. At ako rin ang ilalagay na nanay niya sa birth certificate niya. Kaya gaya ng kagustuhan niya, ginawa ko lahat para matupad yun. Pinakilala ko din si Sky sa pamilya ni Gianne pero wala ni isang tumanggap sa kanya. Kaya kahit mahirap, inalagaan ko si Sky habang nag aaral at nagtatrabaho ako. Tinulungan ako ni Kuya Aeven sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Sky.",salaysay ko."Naniniwala kami sayo, at napagkasunduan namin na tutulungan ka din namin sa pag papalaki at pag-aalaga kay Sky. Kaso lang, alam ba nina tita at tito ito ?",untag ni Ate Rwen."Oo, pinaalam ko sa kanila lahat. Noong una, nagalit sila pero ng kwinento ko kung ano talaga ang totoo. Tinanggap din nila si Sky. Mahal na mahal ng pamilya ko si Gianne. Para ng anak ang turing nina papa at mama kay Gianne kaya ng malaman nila ang nangyare. Sabi nila, kahit wala na si Gianne kay Sky nila ibubuhos ang pagmamahal nila.",saad ko. Kahit mapagod at mapuyat ako, hinding hindi ko pababayaan si Sky. Kahit hindi ako magkalovelife basta mayroon akong Sky, masaya na ako."Magtutulungan tayo. Para kay Sky. May bagong miyembro na tayo. I'm happy for you Ej.",saad ni Kuya Aeron."Thank you, Kuya. Thank you sa inyong lahat.",untag ko."Pwede ba tayong mag-usap saglit, Ej ?",tanong ni Raven."Sige.",sagot ko. Hindi ko alam kung anong kalalabasan ng pag uusapan namin ni Raven. Pero sana hindi kami magkagulo.

Stuck in BetweenWhere stories live. Discover now