CHAPTER#16:

210 20 0
                                    

Lexxi's POV

Kinuha ko ang tasa ng mainit na chocolate drink na nasa lamesa para inumin. Sabado, Ala 2 ng hapon ay nadito na ko sa Coffee shop para hintayin ang Pinsan ko. Narinig ko ang pagtunog ng glass door ng shop at natanaw ko agad si Jaime.

"Lexxi~"

Tumayo ako para salubungin siya at para narin yakapin. Kakabalik lang ulit nila ni Tita Maddie from Dallas para makapagbakasyon bago mag simula ang klase ni Jaime.

Umupo ako at ganun din siya.

"Welcome back, sorry di ako nakasama kay Mama kahapon sa pagsundo sa inyo." sabi ko.

"Its okay, sinabi din sakin ni Tita na may in-attendan kang party last night."

Naalala ko ang Bar House party ni Lui kagabe.

Tumango ako "Oo, si Lui schoolmate ko." sabi ko. "Kamusta sa Dallas?" tanong ko.

Ngumiti siya "Okay naman, last month pinuntahan namin si Kuya Joon." may kinuha siya mula sa bag niya at may inabot saking mga picture.

Napangiti ako dahil mukha ni kuya ang bumungad sakin. Pssh. kahit napaka strick ni Kuya minsan, I still miss him.

"Thank you Jaime." sabi ko at inilagay ang file ng pictures sa sling bag ko.

"Welcome, sabi ni Tita may dinedate ka na daw?"

Napaangat agad ang tingin ko kay Jaime. Si Mama talaga. Napatango nalang ako dahil ang panget kung idedeny ko pa. Mas naging close kami ni Jaime after ng last na punta niya rito last year, nagshishare kami sa isat isa ng mga nangyayare samin through chat or long distance calls.

"Si Mama talaga.. Oo." Sabi ko.

"Im happy for you Lexxi, So kailan ko siya mamemeet?" tanong niya.

"ah, sa Foundation sa Monday" Kinuha ko naman ang ticket sa bag ko at inabot sa kanya. "Pumunta ka huh? mageenjoy ka, lalo na sa booth namin at ipapakilala din kita sa iba kong friends."

Binasa niya ang ticket tsaka tumango at ngumiti "Promise, I'll go. Thank you~" pagkalagay niya sa bag ng ticket ay may tinanong ulit siya.

"Andoon din ba si Leo? Makikita ko ba siya doon?"

Alam ko ang about sa 'Engagement' dati ni Leo kay Jaime, sinabi ni Leo sakin yun. Nakausap ko din si Jaime about dun, she even assured me na wala akong dapat ipagalala and so on.

Tumango ako " Oo."

"Thats good. Meron kase akong kailangang ibigay na pinabibigay sa kanya ng Grandma niya"

"Ah." tipid kong sagot.

Maaring close talaga si Jaime sa Grandparents ni Leo sa Dallas, Sobrang bait, ganda at hinhin ni Jaime at sigurado akong isa yun sa mga gusto nilang katangian ng babae na gusto nilang ipakasal sa Apo nila. Siguro may magandang relasyon sila Tita Maddie sa grandparents ni Leo.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagpasya na kaming umuwi, at nagsuggest si Jaime na ihahatid na niya ko sa bahay. Meron din siyang dala sa kotse na ibibigay niya kay Mama at Papa.Tinatahak namin ang way pauwi ng bahay habang nakikinig sa paburitong kanta ni Jaime dito sa loob ng kotse.

"Kailan ka pa natutong mag drive?" open topic ko.

Diretsyong nakatingin siya sa daan "8 months ago lang. Sabi ni Mommy kailangan ko na raw matuto."

Di natanggal ang tingin ko sa kanya "Mukhang di 8 months. Parang sanay na sanay ka na eh" sabi ko. Dahil gamay na gamay na niya ang kalsada.

I hear her chuckles "Gusto mo turuan kita?" tanong niya.

This Boy? He's Mine (TGSM BOOK II) •jyi•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon