CHAPTER#2

245 22 7
                                    

Binuksan ko ang bagong designated locker para saken. Nandoon ang bagong books and booklets sa loob. Maaga natapos ang class kaysa sa inaasahan ko. Mabuti na yun at ng makauwi.

Napatulala ako sa bagong pair ng rubber shoes sa loob mg locker ko habang inaalala ang mga nangyare kanina.

Totoo bang nangyayare toh lahat sa iisang araw lang? same class, mga impaktacles, naging President ng class, tas siya pa yung vice pres.? Ano pa ba?

"Iniintindi mo parin ba ang pimples mo?"

Napalingon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Jinee mula sa likod ko.

"huh?"

"Natutulala ka na naman kase Lexxi." sabi niya.

"Hindi ah, tinignan ko yung mga libro ko." palusot ko.

Isinara ko ang locker ko at sinuot ang bag na nakasayad sa floor. Mukha namang naniwala siya sa sagot ko at di na nag tanong pa.

Huminto kami sa harap ng vendo machine para bumili ng Lemonade. Ang weird parin ng pakiramdam na nakikita ko ang mukha ko sa Vendo machine na toh. Oo, ito yung drink na may CF kami ni Caleb.

Speaking of Caleb, nasaan kaya yun?

"So, classmate kayo ni Leo?"

Samid ang inabot ko sa biglang tanong na lumabas kay Jinee. hinampas ko ang dibdib ko dahil feel ko nalunod ako sa lemonade na ininum ko.

"Uy, okay ka lang?" worried na tanong niya.

"Sa... tingin mo?"

Tuloy tuloy ako sa pag-ubo, yung tipong muntik ng lumabas sa ilong ko yung lemonade. Ang saket.

Nakita ko ang reflection ko sa salamin ng Vendo machine, bahagyang namula ang ilong ko. 

"Tinanong ko lang naman if totoo bang mag-classmate kayo ni Leo eh. Nabasa ko kase sa post ni Chiena" dugtong pa ni Jinee. Yung Impaktacles na yun talaga.

"Oo mag Classmate kami. Wala naman kaming magagawa dun, tsaka for sure.. wala ni isa samin ang may gustong nun.. Kung pwede lang lumipat eh" giit ko.

Naka-smirk na tumingin saken si Jinee.

"Ba't parang ang bitter ng rinig ko sa sagot mo Lexxi?"

"A-ano? hindi kaya."

Kumuha ako sa bag ko ng Tissue at pinunasan ang kunting natapon sa coat ko.

"Okay lang naman yun. Natural lang ma-bitter if may nararamdaman ka------"

"Jinee, hindi nga sabi ako bitter" mariin kong interrupt sa sasabihin niya.

Napapout siya "Okay. Di na."

Napatingin siya sa Relo niya at parang may naalala. Napansin ko din yung folder na hawak niya.

"Kailangan ko pa palang dalhin toh sa Faculty." sabi niya

"First Day palang inutusan ka na agad?" tanong ko.

"Hindi naman, attendance kase toh.  Naiwan ni Maam sa desk. Kaya ako na nagkusang aabot. Wala naman kaseng pakiaalam mga classmates ko."

Kaya kami nagkakasundo ni Jinee, dahil iba siya sa typical na mga students dito sa BigHit na matapobre at maaarte.

"Una na ko Lexxi, kita nalang tayo bukas. Bye!!!"

"Sandali." Bago ko pa sabihin yun ay kumaripas na siya ng takbo. Sasabihin ko pa naman na pwede ko siyang samahan if gusto niya.

Tinahak ko nalang mag-isa ang Campus papunta sa parking lot ng school. Kung saan naghihintay sila Tanya. Tinext niya ko na didiretsyo kame sa Billiard house nila Aeron. Nagmessage na rin ako sa bahay na di na nila ko kailangan ipasundo kay Mang Caloy.

This Boy? He's Mine (TGSM BOOK II) •jyi•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon