Prologue

9 1 0
                                    

"Kelly"tawag nya sabay lapit at yakap sa likuran ko.Nakadungaw ako sa bintana ng paborito naming tambayan,ang aming tree house.

Hinigpitan nya pa ang pagyakap at ipinatong ang baba nya sa leeg ko.Hinayaan kolang syang gawin yun dahil minsan lang naman.

"I love you"mahinang sabi nya na nagpabalik sakin sa realidad mula sa pagiisip ng malalim.Kumawala ako sa yakap at hinarap sya.

"Anong sabi mo?"gulat na tanong ko habang tinititigan sya sa mata.Nginitian nya ako at inulit yung sinabi nya na parang wala lang.Sanay akong sabihan nya ng ganon pero parang may kakaiba ngayon.Kita ko ang lungot sa mata nya kahit nakangiti sya.

"Hey ok kalang?"tanong ko sabay hawak sa pisngi nya.Mukha syang may malaking problema.Nakakaawa ang hitsura nya ngayon.

"Ayos lang ako"sagot nya sabay yakap nanaman sakin.Hindi ako mapakali at alam kong may mali.Hindi ko namalayang umiiyak na pala sya.

Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin dahil ngayon kolang sya nakitang umiyak.Kasama ko na sya Simula pagkabata at matatag syang tao,pero sa nakikita ko ngayon alam Kong nahihirapan talaga sya.

Inaya ko syang umupo at magkwento kung ano man ang bumabagabag sa kanya.Hapon na ata malapit nang dumilim pero pinili Kong hindi sya iwan.

Lovers in DaeguWhere stories live. Discover now