Chapter 4:Destined

7 0 0
                                    

Kelly's POV

"Ms. Song are you with us?"napabalik ako sa malalim na pagiisip nang harapin ako ni Mrs.Yoon,head ko.Tumango nalang ako nang tanungin nya ako kung ok lang ako.Masyado akong nadadala sa malalim na iniisip ko.Isang buwan nadin yung nakalipas nang makita ko sya sa BBQ house.Madalas akong nandon,umaasang baka magkita kami.

"Tapos na ang meeting.Sumunod ka sa office ko"sabi ni mam sakin kaya medyo kinabahan ako.Lutang kase ako the whole time na nagdidiscuss sya so malamang tungkol ito doon.Tumayo nako at sumunod na sa opisina nya.


"Maupo ka muna.Sigurado kabang ayos kalang iha?"tanong nya pa at nginitian kolang sya."As you know masyado kang binibida ng Daegu branch sa galing mo bilang journalist and I've also seen some of your work and articles so I must agree to them,magaling ka nga."paninimula nya kaya naman nakinig lang ako."Since hindi mo narinig ang napagusapan sa meeting kanina I'll inform you na ikaw ang pinili ng majority kanina for this big project, time mo na ito para maipakita ang galing mo."mahabang litanya nya kaya naguluhan ako.

"Mam ano pong project? Pasensya napo sa pagiging space out ko kanina"sabi ko sabay yuko."Ayos lang yan anyways yung project na tinutukoy ko,may isang kompanya na kukuha ng journalist para sa gagawin nilang documentary. For further information yung kompanya na ang magiexplain sayo bukas they need you there at 8am sharp."pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas nadin agad ako at naupo sa cubicle ko.

Busy ako sa pagtatype sa computer nang tumunog ang phone ko,si Mavis tumatawag.

"Hello?"bungad ko sa kanya.Nagtaka naman ako nang nagtititili sya sa kabilang linya kaya agad ko ding inilayo yung phone sa tenga ko.

/Kelly! Dalian mona dyan at bumaba kana ililibre kita dali! Good mood ako kaya bilis na! Excited nako!/ tuloy tuloy na sabi nya at binaba na ang tawag.Naguguluhan man ay inayos ko nalang din yung mga gamit ko para makauwi na tutal maaga pako bukas.

Pagbaba ko nandun na nga sya sa tapat ng building at nanghihintay.Sinalubong nya ako nang ngiti samantalang clueless padin ako sa nangyayare sa kanya.

"Mavis yung totoo naka-drugs kaba bakit ang hyper mo ata?"tanong ko habang inaakay nya ako kung saan.
"Ganito kase yan may trabaho nako,well hindi pa naman as in kase dipa ako pumipirma ng kontrata pero bukas pupunta nako doon."magulong paliwanang nya kaya napakunot ang noo ko."Anong trabaho naman yan ha? Akala koba ayaw mo magtrabaho?"tanong ko naman sa kanya hanggang marating namin ang isang convenient store.

Pumasok muna kami dahil sabi nya ililibre nya ako ng ice cream bago nya ipapaliwanang.Nasa counter sya habang ako naman naglilibot muna nang may napansin akong dalawang lalaking papasok.Mukha silang mga artista dahil sa sobrang covered ng shot nila or should I say tagong tago talaga sila.

Lumibot pako habang kinakain yung ice cream ko nang aksidenteng nabangga ako nung isang lalaki dahilan para matapon sa dibdib ko yung ice cream.

"Miss sorry hindi ko sinasadya"sabi nya habang nakikipagbulungan sa kasama nyang hindi ko alam kung concern din ba dahil mukha syang natatawa.

Hindi ko alam kung pano magrereact gayong nagkalat sa buhok at damit ko yung ice cream.Inabot nya sakin yung jacket at panyo nya at patuloy na humihingi ng sorry kahit palabas na sila.Narinig kopang sinabi nang kasama nya na lagot sila kapag may nakaalam na lumabassila ng walang paalam.

Napaisip tuloy ako kung ano sila.Napatingin ako sa jacket at panyong inabot nung lalaki at mukhang mamahalin pareho may nakaburda pang "K.T" sa panyo.Nadatnan naman ako ni Mavis na nanglalagkit kaya binilhan nyako ng wet wipes at sinuot kona muna yung jacket.

Habang naglalakad kami nakwento nyang magtatrabaho sya sa isang sikat na entertainment bilang assistant choreographer.Natutuwa ako para sakanya at ang mas nakakatuwa ay parehong company ang pagtatrabahuan namin which is Bighit Entertainment.Nakuha daw sya nang minsang sumali sya sa underground battle ng sayaw kaya alam kong para talaga sakanya ang trabaho nayun.

Umuwi na kami at kumain nadin.Naghanda nako para matulog dahil malamang sa malamang mahabang araw ang magaganap bukas.







GUYS ANOTHER UPDATE WOHOOOO GUSTO KO NALANG TAPUSIN TO HAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lovers in DaeguWhere stories live. Discover now