CHAPTER 10

361 21 3
                                    

Umji POV

"Hoy Pigface!!! Kunin mo nga bag ko sa gym!!! "Sigaw ni gluta

"At bakit ko naman gagawin yun"mataray kong tanong

"Di ba slave na kita kaya kunin mo yung bag kapag hindi"bigla niyang nilabas yung phone niya. Jusko baka tawagan niya si tita

"Eto na nga pupunta na"sabi ko at nagmamadaling pumunta sa gym.

Ganito na ang buhay ko pagkatapos nung contest na yun. Naging slave lang naman ako nung gluta na yun. Pati rin yung mga unnie's ko.

Si sowon unnie palagi na lang tawag nung jin na yun. Eh kapag nga nasa school kami panay parin ang tawag sa kanya. Kaya naman hindi na siya minsan nakakasama sa amin. So sad 😭😭

Si Yerin unnie naman galit na dun sa amo niya. Kasi ba naman kahit slave na nga siya panay pa rin ang asar sa kanya. Buti nga raw na hindi puro utos yun pero nakaka asar lang daw kapag inaasar siya. Nagtitimpi na nga raw siya eh.

Si Sinb Unnie ganon din naasar na rin dun sa amo niya. Kung saan saan kasi siya dinadala. Nung isang araw nga dinala siya sa storage room at nilockan siya. Tinanung niya kung anong trip nung amo niya. Sabi naman eh walang napagtripan kaya siya yung napagtripan. Wawa si unnie

Si Yuju Unnie naman nasasawa na sa ka manyakan ni jimin. Bawat araw eh maypalagi itong kasamang babae nakikipag landian. Minsan nga nakikita na pa niyang nagmimilagro si pandak buti na lang daw eh hindi nakakabuo.

Si Eunha unnie naman ginawa ng maid as in yung maid na talaga. Siya na yun tagadala ng mga gamit nung amo niya siya na nga rin gumagawa ng homework niya na ikaiinis talaga ni unnie. Sabi pa nga niya hindi na lang daw sana nag aral yun kung siya rin ang gagawa ng HW niya.

Ako..... Ganito na buhay ko naging slave na ako ni multo aka. Min yoongi. Wish ko matapos agad toh. Sa tingin ko hindi ako makakatagal sa lalaking ito.

Nakarating na ako sa gym at nakita ko si sowon unnie nakaupo dun sa bench.

Kinuha ko muna yung bag ni gluta at pumunta kay sowon unnie.

"Hi unnie"bati ko sa kanya habang naka ngiti

"Oh hi! Ano ginagawa mo dito? "Tanong niya

"Ah kinuha ko lang yung bag ni gluta. Eh ikaw ba't ka nandito"tanong ko sa kanya

"Sabi ni jin magstay daw ako dito hangang matapos siya sa practice ng basketball"sabi niya sabay turo kay jin na naglalaro

"Ah ganon ba. Oh sige alis na ako baka mabatukan pa ako ng boss ko"pabiro kong sabi

"Sige bye! "Sabi niya. Nag wave na lang ako at tulayan ng lumabas ng gym.

Grabe ba't ba ang layo ng gym sa canteen. Parang tuloy nag jojoging ako dito tapos ang init pa. Maluluto na ako dito!

Sa wakas nakarating din sa canteen na pagod na pagod at pawis na pawis. Hinanap ko si gluta at dun nakaupo sa may pinakaglid na table.

Pumunta agad ako dun at inilagay ang bag niya sa table

"Ba't ang tagal mo? "Tanong niya

"Alam mo naman ata na malayo yung canteen sa gym di ba"hingal kong sabj

"Bakit parang pagod na pagod ka"nag alala ba toh o ano. Naku huwag ka ng umasa na mag alala yan sayo.

"Kasi tumakbo ako. Magtaka ka kung hindi ako mapapagod sa layo ng tinakbo ko"sabi ko habang pinupunas ang pawis ko gamit ang kamay ko

"Bakit sinabi ko bang tumakbo ka?"tanong niya.

"Kasi naman kapag hindi naman ako tumakbo magagalit ka kasi matagal ako"katwiran ko

I Fell In love To My Enemy(HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon