Umji POV
Nasa classroom kami ngayon. Nag uusap usap kami ng mga kaibigan ko ng mga bagay bagay. .
Napatigil lang kami ng dumating na yung adviser namin. .
Bumalik ako sa upuan ko.
"So I want to announced something. Today is the championship of the basketball league in our city. Our school Sourcehit high will compete with Seoul International Highschool. The game will start at 12PM this afternoon. All students are allowed to watch the game. They're will be no classes during the game. So that's for the announcement, now get your textbooks and turn it to page 100" sabi nung adviser namin.
Kinuha ko yung textbook ko. Since nasa likuran ko yung bag ko lumingon ako sa likod ko.
Ng nakuha ko na yung textbook ko uupo na sana ako ng maayos ng mapansin ko yung mukha ni Suga.
Parang naiinis siya na malungkot pero nangunguna yung inis sa mukha niya. Anyare kay gluta?
Di ko na lang siya pinansin at binalik yung tingin ko sa adviser .
Suga POV
Makikita ko nanaman yung mukha ng hayuf na yun. Sa dinami dami ng pwedeng ganapan ng game dito pa sa school at kasali pa yung mokong na yun. Sana lang talaga di ko yun makita kung hindi baka ano pa magawa ko.
May bigla naman kumalabit sa braso ko.
"Huy mukhang bad trip ka ah" bulong ni jhope
Di ko na lang siya pinansin at kinuha na lang yung textbook ko.
"Naalala mo ata yung hayuf ng buhay mo"pang asar ni jhope. Sinamaan ko naman siya ng tingin at sa wakas tinikom na rin ang bibig.
Hindi ako makapag focus dahil sa kakaisip ng game mamaya. Pupunta ba ako o hindi?
Ayaw ko pumunta para di ko makit mukha nun pero gusto ko rin manood. Bahala na si Batman.
Recess na din sa wakas. Pumunta kami sa canteen.
Napansin ko na maraming taong nakapaligid sa table namin. Ano na naman meron?!
Pumunta kami sa table namin.
Nandito na si hayuf
"Long time no see especially you Yoongi "ani nito.
Kung pwede lang talaga manuntok kanina ko pa ginawa.
"Ang komportable naman ng table niyo. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niyong may umupo dito" sabi niya habang nakaupo sa table namin.
"Pwede ba Vernon tumigil ka na. Ayaw namin ng away"mahinhin na sabi ni Rapmon
"Hanggang ngayon talaga hindi ka pa rin nagbabago Rapmon. Mahinhin ka pa rin kahit alam nating hindi talaga. Tsaka nga pala Musta na kayo ni Ailee. Nahanap na ba o baka wala na? "pangsar ni Vernon.
Kinuyom naman ni Rapmon yung kamay niya.
"Hoy Vernon! Tumigil ka na nga Kala mo ba nakakatuwa yan ginagawa mo!" inis na sabi ni Jin
"Tsk. Nagtatanong lang anong masama dun tsaka pala Yoongi pupunta mamaya si Jennie baka gusto mo siya makita. Geh alis na kami kita na lang tayo mamaya sa game. Bye"sabi niya tsaka umalis.
Nasuntok ko ng napakalakas yung table. Nagulat naman yung mga estudyante at tsaka umalis.
"P*TANG*NANG GAGONG YUN!!! SWERTE SIYA NAKAPAGTIIS AKO KUNG HINDI BAKA PURO PASA NA PAGMUMUKHA NUN!!"Galit kong sigaw.
"Suga! Bibig mo! "seryosong sermon ni Jin
"Tsk" sabi ko at tumahimik.
"Hindi ba maka move on yung mga yun. 2 years ago na yun nangugulo pa rin!"inis na sabi ni RM
BINABASA MO ANG
I Fell In love To My Enemy(HIATUS)
Random"Sa dinami dami ng lalaki sa mundo bakit siya pa"sinasabi ni Eunha sa puso niya "Puso may nagawa ba akong kasalanan. Kung meron man huwag naman ganito"sabi ni yerin na nag walling sa may kwarto niya. "Ano ba tala...