Theo's POV
"P*tang*na! Mel!" sigaw ko at napa-dabog. Umupo ako napa-sabunot sa sarili kong buhok at napa-iyak. Wala na sya. Wala na ang babaeng mahal ko. Wala na. Iniwan niya lang ako ng walang paalam at dahilan..bakit?...bakit Mel bakit?...
*flashback*
Pupunta na sana ako nang makita ko ang pagsarado ng gate ng bahay nila. Agad akong tumakbo para maabutan bago ito ay magsara. Nang malapit nang magsara ay tinawag ko na si Manong Guard.
"Manong Guard!" napa- tigil sya sa pag sara ng gate at tumingin sakin.
"Oh? Bakit iho?" Sabi nya.
"Ahmm si Mel po ba andyan?" Tanong ko.
"Wala na iho ehh. Kakaalis lang nila papuntang airport sa states ata punta eh." Tila nalamnay ang buo kong katawan. States? Anong gagawin nya dun? Bakit sya pumunta dun? Andaming tanong na bumabagabag sakin.
"B-bakit po sila p-pumunta dun?" nanginginig na ako ansakit na ng nararamdaman ko.
"Ay yan ang di ko alam iho. Oh sya, baka mapagalitan nako." sabi nya at tulayang sinara ang gate.
"Mel..." Huling sabi ko at naglakad na palayo...Bigong makita ang babaeng mahal ko..
*end of flashback*
"Mel bakit ngayon pa...ngayon pang magpropropose na ko sayo...alam kung wala pa tayo sa tamang edad pero ang gusto ko lang naman ay ang makasama ka hanggang sa huling hininga ko."
"Mahal na mahal kita maghihintay ako kahit gaano katagal pangako ko yan."
Tumayo na ako at lumabas naglakad-lakad muna ako para aliwin ang sarili ko, ayaw kong magmukmuk nalang at umiyak nakakabakla man ang umiyak pero di ko mapigilan pag andito yung babaeng yun siguro papagalitan ako nun.
Napadpad ako dito sa park umupo ako sa bench, ansarap sa pakiramdam sariwang hangin sinabayan pa ng huni ng mga ibon.
Napatingin ako sa mga batang naglalaro pero naagaw ng atensyon ko ay yung batang babae at lalake na naghahabulan tawa ng tawa ang batang lalake habang ang batang babae ay tili ng tili, may ngiting gumuhit sa aking labi.... Matutuwa guro si Mel pag nakita nya to. Parang kami lang.
“Kamusta ka na dyan Mel andaya mo iniwan mo ko dito...nangungulila na ko sayo dito kahit nagkita pa tayo kahapon di parin mawawala yung pagkamiss ko sa kakulitan mo pagbumalik ka tatadtarin kita ng halik at yakap ko mag-ingat ka dyan Mel. Wag kang magpapabaya. Sana naririnig mo ko ngayon hanggang sa muling pagkikita.”
Bulong ko sa hangin at naglakad pauwi ng bahay. Magpapahinga muna ako papahingahin ko muna ang katawan ko. Lalo na ang puso ko.
-
BINABASA MO ANG
Perfect
Teen FictionKami ay magkaibigan simula pa pagkabata di namin alam ang mga kakaibang pangyayare sa mundong aming kinakagalawan....mga bagay bagay at pakiramdam na kusang dumating sa di inaasahang araw ilang beses kaming linayo ng tadhana sa isa't-isa pero ni min...