•°Chapter 1°•

3 0 0
                                    

*Third person's POV*

"Waaaah! Tama na! Nakikiliti ako! Hahahaha! Tama na ansahahahakit na ng hahahaha tiyan ko!"sabi ng batang babae na nasa 12 years old ang edad at patuloy parin sa pagtawa.

"Ha-ha-ha! Di ako titigil!" sabi naman ng batang lalake na nasa 12 years old din ang edad at patuloy na kinikiliti ang batang babae.

"Waaah oo na payag na akong makipaglaro sayo bukas lalabas ako." mahinahong sabi ng batang babae.

"Yey! May kalaro nanaman ako bukas di nanaman ako maiiwang mag-isa." masiglang sabi ng batang lalake.

"Oh? Bakit mag-isa kalang ba diba may nagbabantay sayo kahit wala mom at dad mo?" Sabi ng batang babae na tila nagtataka.

"Di naman kasi sapat yun eh lahat tayo sabik sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang..." Sabi ng batang lalake at yumuko na tila naiiyak na.

"Wag ka mag-aala Theo kahit na wala parents mo andito lang ako para pasayahin ka..." Sabi ng batang babae at niyakap ang lalakeng nagngangalang Theo.

"Salamat Mel at lagi kang andyan." sabi ng lalake yakap parin ang batang babae.

"Meeeeeel!!!"tawag ng babae sa batang si Mel.

"Po! Sige na Theo huh? Mag-iingat ka lagi tawag na ako ni yaya eh hihihi." sabi ng batang babae at tuluyan ng umalis.

Umuwi nalang din ang batang lalake dahil wala na din siyang kalaro.

Mayayaman ang pamilya ng dalawang bata ang batang si Theo ay nagtratrabaho sa ibang bansa ang magulang kaya minsan lang makadalaw ang mom at dad nya lubos ang pagka-miss ng bata sa kanya magulang kaya nililibang nalang ng bata ang kanyang sarili nakilala nya si Mel sa kabilang bahay.

Si Mel ay may maaliwalas ding buhay tanging ang ama nya lang ang nagtratrabaho sa ibang bansa kaya kahit papaano ay di sya nalulungkot dahil nandyan parin ang ina nyang nag-aaruga sakanya.

Lumipas ang mga araw na naging malapit sila sa isa't-isa lagi silang naglalaro sa park at kung saan saan lagi na ding masaya ang batang lalake dahil alam nyang nandyan ang kaibigan nyang batang babae.

"Theo! Halika may ibibigay ako sayo." sabi ng batang si Mel.

"Talaga!? Ano?"sabi ni Theo at dali daling lumapit sa dalaga.

"Heto oh ito ang magiging palatandaan natin na magkaibigan tayo lagi mong tatandaan na kahit nasa malayo ako ay di kita kakalimutan." sabi ng batang babae medyo di ito naintindihan ng batang lalake kaya tumango nalamang ito.

"Susuotin mo to lagi huh wag mong huhubadin." paalala ng batang babae at sinuot na ang bracelet sa kamay ng batang lalake may desenyo itong kalahati ng puso.

"Wow ang ganda naman nito." sabi ng batang lalake at inangat ito.

"Oo nga meron din ako para parehas tayo."sabi ni Mel at pinakita ang bracelet nyang may kalahating puso ang desenyo.

"Salamat Mel huh ang gandang remembrance nito."sabi ni Theo natawa naman si Mel.

"Diyan remembrance ito ang sumisimbolo na magkaibigan tayo kaya Bestfriends forever tayo huh." sabi ng batang nagngangalang si Mel, At nakipag pinky swear sa kaibigan nyang si Theo

"Syempre naman." sabi ng batang si Theo

4 years passed

"Mel! Halika dali may surpesa ako." sabi ni Theo.

"T-talaga? Ano?" sabi  ni Mel na tila nauutal sa saya.

"Pikit ka muna." utos ni Theo kaya sinunod nalang ito ng dalaga.

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon