After Christmas and New year...
January 9 201*
Back to school...
Back to kalokohan...,
Back to Prudence. The Jail Section
Naglalakad ako papasok ng habang naka busangot. Di kase bukal sa loob ko ang pag pasok ko. Oo first day pero ayoko talaga pumasok dahil feel ko padin ang mga paputok sa paligid. Habang naglalakad ako at nag iisip kung mag ccut ba ako ng schoolday ko bigla nalang may bumatok sakin."Ano tinatamad ka na naman? Grabe first day na first day tinatamad ka na naman. Pero ako din e. Tara na sabay na tayo. Tsaka masaya daw ngayon dahil kumpleto tayo. Akin na bag mo. Teka lang. May Id kaba ngayon? Baka manghiram ka na naman dahil nawala mo ID mo." Si kuya jebson pala yung ugok na yun.
"Excuse ko lang yung nawala id. Mapang asar ka talaga e. Tsaka feel ko pa ang Christmas Break. Nakakatamad talaga pumasok pero hindi naman ako bobo basta tinatamad alang akon." Habang naakyat na kame bigla namin nakasabay ang mga gago. "Oy~ saan kayo papunta? Sama ako."
"Hindi pwede, umakyat kana dun." Sabi ni kuya james.
"Puro lalaki kame oh. Hindi ka pwede" Sabi naman ni nikko.
"Saan ba kase kayo pupunta at ayaw niyo ako isama? Dali na kase. Kuya raffy saan kayo pupunta?" Tanong ko ulit sakanila.
"Ah. Sa Cr ng boys. Hindi ka pwede dun. Baka mapahamak na naman kame sayo e. Hahahaha. Joke lang. mag ccr kase kame. Sige na umakyat kana"
Tsh! Cr lang pala ayaw nalang sabihin sakin. Mga sira talaga.
"Ano sasama ka sakanila? Hahahaha. Cr ng lalaki naman ang trip mo. Hahahaha" iniwan ko siya habang tawa ng tawa.
Malapit na mag break at naboboring na ako sa teacher ko. Di naman kase siya bag tuturo. Nanenermon lang para daw sa mga bagsak. At kasama ako dun.
Walang gana ako naglalakd habang hinaharot nila ako. Si Col naka akbay sakin. Si ali naman naka yakap sa braso ko.
"Vane alam mo naba? Napanood daw nung girlfriend ni Bryan yung video. Di ko alam kung sino nagpanood. Wala naman nag lalabas nun. Yung kay charley lang ang nilalabas nila e. Pero yung kay bryan wala naman" sabi ni Din.
"Hayaan mo sila. Pero anong video ba yun? May scanda--- ARAY! SINO BA YUN?!" Sigaw ko dahil bigla nalang hinila ang buhok ko.
"HAYOP KA! HINDI KA LANG PALANG ISANG SALOT SA SCHOOL!! MALANDI KA DIN. ALAM MO NAMAN MAY BOYFRIEND SI BRYAN NILANDI MO PA. ANO?! SASABIHIN MO LASING KA LANG?! MASKI SINO NAMAN KUNG LASING NASA TAMANG PAG IISIP PA, PERO TANGINA NAMAN BITCH!! NAPAKA LANDI MO!! TAMA NGA SIGURO YUNG TAWAG SAYO NA TROUBLE MAKER KA AT MALANDI.!!" Sinampal ko ang girlfriend ni kuya bryan.
"ANO BA PINAGSASABE MO?! WALA KANG KARAPATAN NA HAWAKAN ANG MAHMGANDA KONG BALAT AT BUHOK KO. ISA PA AKO?! BITCH?! SLUT?! BAKA TINATAWAG MO ANG SARILI MO?! ISA PA KUNG ANO MAN YUNG SINASABE MO WALA AKONG ALAM!!! PWEDE BA STAY AWAY FROM ME. BAKA PAG DI AKO MAKAPAGTIMPI HINDI LANG SAMPLA ANG MAGAWA KO SAYO" sigaw ko din pabalik. Pinag titinginan na kame ng mga stupidyante at stuffs ng school.
"SIGE, SAMPAL LANG BA ANG KAYA MO?! HINDI AKO NATATAKOT SAYONG MALANDI KA!!! KING IKAW MALANDI KA LANG!!! AKO KASE MAHAL AKO.!! WALA KANG KARAPATAN MAG INARTE JAN!! HINDI KA---- HOY WAG KANG BASTOS!!" Sigaw niya habang hawak na ang buhok ko at kinakalad kad ako.
Syempre hindi ako nagpapatalo. Ako pa kinalaban niya.
Habang hawak niya ang buhok ko, sinabunutan ko din siya. Syempre hindi nagpapatalo ang isang tulad ko. Habang nah sasabunutan kame may nakuha akong plate ng spaghetti at tinapon sakanya. And I kicked her ass. I punched her face too.
"Don't you try to beat me again! No.Don't you dare try to touch me, hindi lang yan ang makukuha mo sakin. You don't know who I am. So watch your place bago ka sumugod" may mga diin kong sinabe sakanya. At nag walkout na ako.
I don't care kung magsumbong siya. Aba! Kung mahal siya bakit siya niloloko. Tsaka anong video ba iyon? Problema nila yun tapos idadamay ako. Mga may sapak pala sila e.
"Vanessa okay ka lang ba? May pasa ka sa labi mo oh." Sabi ni paolo at hinawakan ang may pasa daw. Medyo masakit pero okay lang naman.
"Eto okay lang naman. Ano ba yung sinasabe niya na video daw? Tungkol kay kuya bryan daw e." Nasa rooftop ako ng biglang sumulpot si paolo at inabitan ako ng panyo.
"Naalala mo nung nag inom tayo nung birthday ni blanche? Nung naghahalikan kayo? Ayun yun. Alam ko sinabe na niya yun sa principal e. At sinabe sakanya na sila na daw gagawa ng paraan. Ayun yung kwento niya samin." Ah kaya pala.
"Saan galing yung video na yun? Salamat nga pala." Sabay pakita ng panyo na binigay niya.
"Hindi ko rin alam e. Oo nga pala tawag ka sa baba. Baka pag uusapan niyo yung nangyare kaninang break."
Tumayo na ako. Alam talaga ni paolo kung saan ako makikita pag gusto ko mapagisa. Hays 😔