~•Chapter 1- Kingdom Foseria•~

803 25 1
                                    

~Ziren's POV~

[Ako yan! 'Wag magulo XD]

~Sa kaharian ng Foseria...

Ang lahat ay abala sa paghahanda .. Dahil magkakakaroon ng engrandeng salo-salo pagsapit ng kinagabihan.. naghahanda ang lahat ng mga panauhin dahil ngayon ang kaarawan ng mahal na inang reyna..

Ngunit sa kabilang banda.. ang isang babaeng nagngangalang Fos..ay nasa kanyang silid lamang at nagpapahinga, Nakahalumbaba sa may bintana, Nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang buong hardin kung saan nagaganap ang pagdiriwang... Gusto man, ay hindi siya maaaring lumabas dahil bukod sa makasasama iyon sa siyam na buwan niyang dinadalang bata, ay hindi parin lubos na alam ng buong bayan na siya'y nagdadalang tao..

Si Fos, ang prinsesa ng kanilang kaharian, Nag-iisang anak siya nina Haring Fossin at Reyna Eleria.. ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang pag-iibigan sa pagitan ng Kaharian ng Dilim at liwanag.. umibig si Prinsesa Fos sa isang binatang nagngangalang Erebus.. na Prinsipe pala ng Kahariang Erostea.. o kaharian ng dilim....

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iibigan sa pagitan ng dilim at ng liwanag.. ngunit simula ng magtagpo ang landas ng prinsesa ng liwanag at prinsepe ng dilim ay nasuway iyon... simula ng sila'y mag-ibigan ay hindi na nasunod ang pinakamatinding batas na itinalaga ng may gawang si Zeus.. sinubukang paghiwalayin ang dalawang ito.. Ngunit, huling huli na ang lahat, dahil ipinagbubuntis na ngayon ni prinsesa Fos ang batang galing sa angkan ng pinaghalong Dilim at liwanag..

At nang malaman ng prinsipe ng dilim o ni Erebus, na nagdadalang tao ang kanyang iniibig na si Fos, ay sinubukan niyang lapitan iyon .. ngunit pinagbantaan siya ng hari ng liwanag na ipapapatay ang anak nilang dalawa pag lumapit pa ang prinsipe.. kaya minabuti na lang ng prinsipe na huwag ng guluhin pa ang kanyang mag-ina..

napanatag naman ang loob ng mag-asawang hari at reyna .. dahil tumigil na sa panggugulo ang prinsipe ng dilim.. ngunit hindi pa rin nila maiwasan ang mabagabag.. dahil oras na ipanganak ang bata.. magkakaroon ng matinding kaguluhan sa pagitan ng dilim at liwanag.. ngunit maiiwasan lang iyon kung ilalayo ang bata at dadalhin sa mundo ng mga tao.. napagasiyahan na iyon ng hari at reyna ng liwanag.. ipadadala nila ang bata sa mundo ng mga tao kasama ang inang reynang Eleria.. palalakihin niya ang bata ng hindi nalalaman na siya'y prinsesa..

Mabalik tayo sa silid ng mahal na prinsesa na si Fos..

Nakaramdam siya ng matinding pananakit ng tiyan, halos mapaupo siya sa sahig dala ng sakit na kanyang iniinda.. sa tingin niya ay ngayon na niya iluluwal ang bata.. dahil pumutok na ang kanyang panubigyan..

"Haaaaaaaa~... Ina, Ama.. Ako'y manganganak na, ahhhhhhh!!" hiyaw ng dalaga habang hawak ang tiyan, kaya agad agad na pumanhik ang kanyang ina at ama na kasama ang isang kumadronang handang magpanganak kay prinsesa Fros...

Sobra sobra ang hirap na dinanas ni prinsesa Fros sa pagluwal ng bata.. kaya ang kapalit noon ay binawian siya ng buhay..

Umiyak ang mahal na inang reyna ng malaman na walang buhay na ang kanyang anak na prinsesa.. at ang tanging nasilayan na lang nila ay ang isang napakagandang sanggol na iniluwal nito at madidinig ang napakagandang iyak..

Nang makita nila iyon, hindi mawari ang tuwang nadarama ng mag-asawang ito.. masayang masaya sila nang makita ang bata.. kaya naisipan nilang isunod ang pangalan nito sa mga magulang nito.. at pinangalanan nila itong..

Era Fostia Philia

..

Habang buhat buhat ng mahal na inang reyna ang bata at ngayo'y mahimbing na natutulog.. biglang umakyat ang maistro at nagmamadaling sinabing..

"mga kamahalan.. pumarito po ang kamahalang zeus.. at hinahanap ang sanggol na iniluwal ng prinsesa.. " Anang ng maistro.. at dahil dito nagkatinginan ang mag-asawa at inutos ng hari na ipadala na ang kanilang apo sa mundo ng mga mortal.. kaya dali daling pumanyik ang mahal na inang reyna sa isang lagusan .....

Pinasok na niya iyon at napadpad sila sa isang malamansyong bahay na sila ang nag-mamay-ari..

.

.

.

.

.

At ang hari naman ay naiwan sa kaharian upang sabihing patay na ang sanggol kahit ang katotohanan ay hindi talaga

...

--

Wtf! Haha! .. lalim po ng words.. ay nga pala..

erebus means dark

Fos means Light

and Philia means mental love..

yun lang..

#chanyeolita>happyVirus

#Baekhyun>Childish

#Luhan>Kyeopta

#Xiumin>Baozi

My Twelve So-Called Butlers(EXO)[Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon