Chapter 3: Argument

1.4K 30 0
                                    

"One lie can ruin a thousand truths"

Alesha POV
Maaga akong nagising pero may lungkot sa mga labi ko. Iniisip ko parin ang mga nakita ko kahapon, Kung paano naging masaya si Drake sa piling nang iba. Nakita ko wala na si Besh na nakatabi ko kagabi. Matapos ang mga ritwal ko sa loob ng banyo, bumaba na ako para pumasok.

"Manang Bebeth nasaan po si Besh" tanong ko.

"Umalis na hija, kaninang umaga Lang" sabi ni Manang. Pagkatapos dumiretso na ako sa kusina para kumain. Nagtext muna ako kay Drake.

To: Drake
May free ka ba mamaya Drake may importante Lang akong sasabihin.

Sent!

(Beeeppppp)

From: Drake
Pwedeng pwede Wubs ko💋💋

May pakiss emoji pa ang mokong pero taksil pala.....

Pagkatapos ng klase namin, nauna na akong pumunta sa tambayan para kausapin si Drake. At malaman ang tunay na katotohanan.

Dumiretso ako sa tambayan para kausapin siya ng masinsinan. Nakita kong busy siya sa pag type ng cellphone niya.

"Wubs" tawag niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Naging tahimik parin ako.

"Labas muna ako" sabi ni Kade.

"Wubs ano pala yung pag-uusapan natin" tanong niya.

"Ahmmm saan ka kahapon" seryosong sabi ko.

" sa Bahay" maikling sabi niya.

"S--ure k-a" utal kong sabi at pinipigilang umiyak sa sinabi ni Drake.

"Oo bakit mo naman matanong Yan" sabi niya.

"Ehhh Sino Yung kasama mo kahapon" sabi ko at hinuhuli ang mga tingin niya kung magsisinungaling naman siya.

"Ano ka ba Alesha, sa bahay nga Lang ako syempre pamilya ko ang kasama" inis niyang sabi. Hindi na Wubs ang tawag niya.

"Sagutin mo nga ako Drake, may Alam ka ba na hindi ko Alam" sabi ko.

"Wala. At bakit nagdududa ka" sabi niya.

"Ma--hal m--o p--a b--a a--ko Dra--ke" utal kong sabi at tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pero hindi siya sumagot bagkus ay lumabas siya ng tambayan. Agad ko siyang hinabol at naabutan ko siyang nagwawala sa soccer field. Nilapitan ko siya agad at niyakap siya sa likuran.

"Bitawan mo ako, Alesha" sabi niya Kaya bumuhos na ang mga luha ko. Pagkabitaw ko sakanyang yakap agad siyang humarap at umiiyak din katulad ko.

"Dra--ke ma--y pa--gk--uk--u--la--ng ba--ako" utal utal kong sabi.

"Wala" tipid niyang sabi.

"Ehhh BAKIT MO AKO NILOKO" sigaw kong sabi sakanya kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. Hindi pa rin siya kumikibo. "Mas maganda pa ba si Roxanne kaysa sa akin" sabi ko kaya gulat na gulat siya na nakatingin sa akin.

"Mahal Kita pero" putol niyang sabi.

"Pero ano mas Mahal mo siya" sabi ko kaya hindi siya kumibo sa akin. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. At nanatili kaming nakatayo.

"Let's end this relationship Alesha" sabi niya mismo sa akin kaya umiyak ako ng umiyak.

"Bakit ba Drake" tanong ko ulit pero Hindi parin siya sumasagot.

"I know that this is not easy but this is the right thing for you" mapait siyang ngumiti.

"Ito na ang last nating pag-uusap Drake" nakangiting sabi ko kahit deep inside gusto ko nang umiyak nang tudo.

MCIMFB: Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon