Chapter 1:Summer

10 1 0
                                    


Ligaya's POV

"Luh! Ayun na siya!" Maaga akong gumising at bumyahe kase alam kong dito siya ngayon pupunta. Last night kase i was stalking his Twitter and i found out na dito ang destination nila ng mga friends niya. Palihim akong nagtatago sa likod ng isang coconut tree habang pinanonood ang bawat kilos niya. Sabihin na nating baliw ako pero marami akong collection ng mga gamit niya (GINAMIT) niya. Like bottled water, candy wrappers, Face towel at madami pang iba.

" Ian!! " napalitan kaagad ang ngiti ko ng isang nag ngingir-ngir na mga ngipin. Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Bakit sabi naman ni Ian for the boys lang daw ang vacation na ito? At tsaka si Shuron lang at Reigan ang kasama niyang kaibigan niya. wala dito yung Nico pero okay lang hindi naman ako interesado sa kanila.

" alam mo bang miss na miss na kita? Kainis ka kase eh sabi ko isabay mo na ako sa car mo kaso ayaw mo naman!" Agad kong naikuyom ang aking dalawang kamay dahil sa kaartihan ng babaeng to. ganoon nalamang ang pag bagsak ng panga ko ng makita kong hinalikan niya sa labi si Ian. "Abat!! Ano karapatan niyang gawin yon?! Hindi naman siya girlfriend ah!" Kita ko ang pag kamot ni Ian sa ulo niya dahil sa kantyawan ng mga tao sa paligid.

Naisip kong lumayo nalang muna at mag palamig ng ulo dahil sa babaeng yon. Her name is Patrisha but they often call her Patsy. Sobrang yaman ng pamilya nito kaya siguro ganoon nalang ito kung maka arte.

Naka upo ako sa harap ng isang bar stool na malapit sa beach. "Kyah anong pwedeng masarap na pampalamig mo diyan?" Tanong ko sa lalaking nasa loob ng stool. Sobrang kulot ng buhok nito at tan ang kanyang balat habang naka soot ng ternong polo at shorts na floral. " kayo po ma'am ano ba ang gusto niyo?" Pa cool nitong tanong. " gusto ko ng buko shake kyah." Naka ngiti kong sagot. " Pineapple? Mango? Water melon? Orange?" Lumapad ang ngiti ko dahil sa dami ng choices. "Pineapple nalang kyah." Naguluhan naman ako dahil umiling ito. "Not available.." mamimili nalang ulit ako. "Water melo nalang kyah." Ngunit umiling nanaman ito. "Mango?" Sunod kong choice pero umiling nanaman ito. Nakaka inis na ha!! "Ano bang available sa mga tinda mo?!" Asik ko sa sobrang inis.

"Wala ng iba bukod sa buko shake." Anito na lalong naka dag-dag sa inis ko.. "bakit pinapili mo pa ako?! ang gulo mong kausap. Pero sige buko shake nalang.." i said and rolled my eyes.

Ng makuha ko yung buko shake ay napag desisyonan ko munang mag lakad lakad sa tabi ng beach kase hindi ko din naman makikita si Ian kase pag ganitong oras ng tanghali ay natutulog iyon. Oh diba kahit hindi niya ako kilala alam na alam ko. Habang nag lalakad lakad ay hindi ko alam na may paparating palang bola na tatama sa ulo ko. Tumapon saakin ang buko shake at ako naman ay napa higa sa sobrang hilo ko.

" miss are you alright?!" Rinig ko na sabi ng isang lalaki ngunit sa sobrang hilo ay hindi ko maaninag ang mukha niya. "Dadalin kita sa malapit na clinic." Ngunit napa balikwas ako ng bangon ng lumiwanag na ang paningin ko ng makita ko kung sinong nasa harap ko. Sh*t si Shuron! Isa sa mga kaibigan ni Ian kaya naman walang sali-salita ay tumayo agad ako at nag tatakbo palayo sakanya at sa mga kasama pa niya.

Sa sobrang bilis ng takbo ko ay narating ko kaagad ang villa kung saan ako naka check in. " jusko nakaka hiya ka ayah!" Biglang bumalik sa ala-ala ko yung itchura ng mga kaibigan ni Ian ng bigla nalang akong tumakbo. "Baka iniisip na nila ngayon na isa akong baliw. Ayst! Nakaka hiya!" Halos masabunutan ko na ang sarili ko.

Kinagabihan ay lumabas na ako ng villa para hanapin si Ian. Alam niyo na, para mag stalk. Soot ko ang aking malaking sweater na may hoody habang naka soot ng sweat pants at flip flops ko. Inayos ko sa pagkaka soot ang aking salamin at nag simula ng mag hanap. Narating ko ang magkaka sunod na bar malapit sa beach. "Ang dami naman ng tao. Paano ko siya hahanapin dito?" A lot of peaople is scattered around the bar's. Ang ganda pala dito tuwing gabi ang daming nag pe-perform na fire dancer pati nga ako medyo napapa sayaw. " Ian let's take a selfie with the fire dancers!! Sige na!!" Mabilis akong napalingon sa nag salita at ganon nalang ang gulot ng makita ko sila sa mismong tabi ko kaya agad agad akong nag tago sa aking hoody. As if naman kilala nila ako. "Bro we bought some beer!" Biglang sulpot ni Shuron sa likod nilang dalawa ni patsy. Tumango lang si Ian. Nang lumingon sa direksyon ko si Shuron ay agad akong tumalikod.

" hindi naman siguro niya ako matatandaan. Hindi tandain tong mukha ko.. kumbaga common lang mukha ko." Palihim akong sumilip ulit sa direksyon nila at ganun nalang ang gulat ko ng makita kong naka tingin saakin si shuron habang naka ngiti na para bang amused na amused siya. At lalo pa akong nagulat ng kumaway pa siya sa direksyon ko.

"Sana iba kinakawayan niya.." bulong ko sa sarili ko. "Hi weirdo!!" Rinig kong sabi nito habang kumakaway. Napansin naman siya nila Ian at napa tingin sa dereksyon ko kaya naman mabilis pa sa kisap mata akong nag tatakbo palayo sa kanila. At nag papasalamat ako dahil madaming tao dito mabilis akong nakapag tago.

Kinabukasan ay naisip kong mag swimming na muna sa public pool ng villa. Isang araw nalang dito ang grupo nila Ian at syempre ako din. Hindi ko masulit ang pag stalk ko sakanya dahil sa shuron na yon. Kaasar lang! Huminga ako ng malalim at sumisid sa pinaka ilalim ng pool ngunit ng pag ahon ko sa pinaka dulo ng pool ay halos bumilis ang pag hinga ko sa sobrang lapit ng mukha ko kay shuron. Naka ngiti ito habang tinititigan ako. "Hi weirdo.." agad akong lumubog sa ilalim ng tubig at sumisid palayo sa kanya. Kahit nasa ilalim ng tubig ay rinig ko ang boses niya. "Hey what's the matter?! I just wanted to talk!" Ng maka ahon ako sa pool ay binilisan ko ang paglalakad pero kahit malayo ay rinig ko padin siya. " hey! I'm sorry about the ball! Next time we bump into each other again, i'll buy you a shake!"

And that was the end of my summer.. i wish i will not bump into him ever again. He's so annoying. My first day of school will be next week and Ian will perform for an event. i'll get to see him perform again, Ian is a total performer he knows how to sing, dance and knows how to write his own songs. I can't wait to take pictures of him!

♥♥♥♥♥♥♥♥
Hello!! Anong balita? Boring naba? Hmmm... just keep going!!

Please unawain niyo ang English ko.. i'm not professional 😂😂

Yung picture nga pala sa taas si Aya yon.

Joey King as Ligaya/Aya

See you on the next chapter!! Don't forget to hit the ☆ and follow me!!

😘

Tangled Up In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon