Chapter 10: My baby for the night

1 1 0
                                    

Everyone is busy inside the gym preparing for the Valentine's ball. Hindi ito ginaganap sa mismong araw ng valentines. Naging tradition na ito ng university na after valentines day doon magkakaroon ng ball para sa mga couple at new couple na nabuo noong araw ng valentines.

Tumutulong din ako sa pag de-decorate dahil si Patsy ang nangunguna sa event na ito. Working under her is so exhausting dahil sobrang arte nito pag dating sa mga decoration. She wanted to make it "Perfect". And since I love her so much i have to make an effort for her by volunteering to help.

"I don't want that here, i want you to put it there!" Ani patsy sa isang volunteer. Napailing nalang ako dito. "So who's your date?" She suddenly asked. "not going." Tipid kong sagot dito. "What?! No way! Pupunta ka and that's final! With or without a date!" Iritang litanya nito.

I heard that Reigan is coming at ang date nito ay si Faye. Alam ko ng masasaktan ako so bakit pa ako pupunta? Hindi ako masukista para indahin lahat ng sakit noh!

"I don't have a date." Agad kaming napalingon ni patsy sa nag salita. It's Howl wearing his sweet mischievous smile. Napatingin naman ako kay patsy na ngayon ay naka ngiti na para bang may binabalak itong hindi ko magugustuhan.

"Kung ano man ang binabalak mo Patsy wag mo ng ituloy." She rolled her eyes. Lumapit si Howl sa tabi ko at ramdam ko ang pag titig nito saakin. "You're too hard on yourself you know that? Just because they're happy that doesn't mean that you have to be miserable." Kunot noo ko itong pinag masdan. "Oh come on! You don't think i don't know about you and Reigan." Nag iwas nalang ako ng tingin dito. Sino namang daldakina ang nag sabi sa kaniya?

I gazed at Patsy's direction. Mabilis itong nag iwas ng tingin at nag panggap na may tumawag dito sa telepono kaya agad itong lumayo saamin.

"Don't worry she didn't told me on purpose. I asked her coz everytime i tried to visit you, I always find Reigan's big bike in front of your apartment." He said like it's nothing. "So tell me, is he the jerk you told me about when we first met?" I released a heavy sighed and faced him. "Yup!" He chuckled and shook his head. "So that's why when we were in the ice cream parlor he has this weird look in his face. Especially when i held your hands. It looks like he's ready to kill." Anito na natatawa.

''Hindi ko ba nabanggit sayo na si Reigan anh best friend ko?" Anito habang pinaglalaruan ang ginawa kong pang decoration. Umiling lang ako at tahimik na ipinag patuloy ang ginagawa ko. So ito pala ang tinutukoy niyang best friend. "Sobra siyang nasaktan noong mas pinili pa ni Faye ang pag mo-model kaysa sa kaniya." Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi nito. "And now that she's back, nasasaktan nanaman siya and at the same time, naguguluhan because of you." Gusto ko sabihin na sana hindi nalang bumalik si Faye pero alam kong mali iyon. They never broke up noong umalis ito. Nangako pa nga itong babalikan siya, at ngayong nandito na ulit ito sino ba ako para maki gulo? Tama pa ba itong ginagawa ko na nag hihintay ako na baka masuklian yung pag mamahal ko?

Dapat siguro ay lumayo nalang ako kay Reigan. Mahal ko siya kaya siguro dapat na ganoon nalang ang gawin ko. Dahil kung hindi pa ako lalayo lalo lang itong maguguluhan at masasaktan. I love him too much and I can't bear myself to see him in pain.

Matapos ang pag hahanda para sa ball ay nag tungo ako sa cafeteria. Nagutom na ako dahil sa sobrang pagod ko. Habang kumakain ako ay may kumalabit saakin.

"Hi." Anito at naupo sa tabi ko. Nag lapag ito ng isang fruit juice sa harap ko. Na miss ko din ang kakulitan ng isang to. "Naka simangot ka nanaman Simang." Anito at pinisil ang ilong ko. "Hindi kana ba nag tatampo?" Tanong ko dito, umiling naman ito at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Noong una nag tatampo pero dahil nakita ko naman na masaya ka kay Reigan e wala na akong magagawa." Ginulo pa nito ang buhok ko. Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Pero simula ng dumating si Faye hindi na ata kita nakitang sumaya. Gago kase si Reigan hindi pa makipag hiwalay kay Faye." Umiling naman ako. "It's okay dahil naiintindihan ko si Reigan. Naguguluhan pa ito at hindi alam kung ano talaga ang nararamdaman niya. Faye being there beside him might help him realize what he really wants." Patuloy lang ako sa pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tangled Up In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon