PAGHAHANAP
"Yesha bilisan mo pumunta ka na dito at nang makakain ka na" tawag sa akin ng aking ina
"opo ma" sagot ko dito at naglakad na papunta sa hapagkainan
maliit lang ang aming bahay sakto lang sa aming dalawa ng aking ina
Dalawa lang kami dahil ang tatay ko hindi ko na alam kung saan na padpad sumakabilang buhay na ba sya? o sumakabilang bahay lang?bwahahaha ano yung sumakabila??
Ilang beses ko nang tinanong sa nanay ko ang tungkol dyan ilang beses nya rin akong sinagot
alam nyo ba kung ano? ang sabi lang naman nya "Anak pakitanong na lang sa pagong"
ang ganda nang sagot diba? pano ko mahahanap tatay ko nun?
"hoy tulala ka dyan? baka mabusog ka nyan? bilisan mo yesha at baka hindi ka na makahanap ng trabaho nyan"
"ma hindi naman tatakbo ang trabaho atsaka isa pa nakatapos naman ako ng kolehiyo"
"oo nga nakatapos ka nga wala ka namang trabahong mapapasukan" pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumuntong hininga sya
umupo na ako sa katapat nya at saka nagsimula ng kumain at bumuntong hininga na lang din
mahirap lang kasi kami nagtitinda ang nanay ko ng bananacue,palitaw at mga alam nyong binebenta sa kalsada katulad ng mga itlog ng pugo(kwek-kwek),kikiam,fish ball mga ganun
sapat lang naman sa amin para matugunan namin ang aming pangangailangan sa pang araw-araw
"ma wag ka pong mag-alala makakahanap din ako kahit mahirap lang tayo "tugon ko sa sinabi nya sa akin para kahit papaano hindi sya mag-alala na hindi ako makapasa
nakatapos ako ng kolehiyo na ang aking kurso ay nurse
paano ako nakatapos? simple lang nagsikap nagtiyaga
yung iba dyan may magsasabing ang mahal ng matrikula sa kursong nurse paano sya nakapasok?
eh ano magagawa nyo nagsikap ako para matupad ko ang pangarap ko
natapos na kami kumain ng hindi naguusap tumayo na si mama at sumunod din ako at niligpit ko ang aming pinagkainan
"ako na dyan baka abutin ka ng tanghali sa paghahanap" wika nya
"sige po ma kunin ko lang yung mga kakailanganin ko"
kinuha ko muna ang mga kakailanganin sa paghahanap ng trabaho na nakalagay sa kayumangging sobre(brown envelope)at nagdala na din nang pitaka na may lamang dalawang daan sapat naman siguro ito pamasahe at pangkain
"ma alis na ho ako mag ingat po kayo mahal na mahal po kita" paalam ko kay mama
"sige na anak mahal din kita mag ingat ka ha! umuwi ka agad para hindi ka abutin ng dilim" sabi nya at sabay kaming pumunta sa gate
humalik muna ako sa pisngi ni mama at binuksan nya iyon lumabas na ako at kumaway
at ginaya nya kung ano ang ginawa ko at sinarado na ni mama iyonIto na
Sana makahanap agad ako ng mapapasukang ospital******
Sumakay na ako ng dyip para magumpisa ng maghanap ng ospital may mga listahan akong ospital na gusto kong mapasukan at may mga pangalan kung saan matatagpuan
para kapag nakalimutan ko kung saan yun meron akong listahan
1.Medi-hospital -#43
*********St.**********
2.Center hospital-#91*********** st.***********
3.Medical Center -#67*********** st.*********
4.Medi-card hospital-#34********* st.*******
5.St.Martin hospital-#21*********** st.********madami dami din ito mahirap lahatin pero kakayanin tumutula?hayaan nyo na ako nakasinghot lang ng tsinelas ni mama
simulan ko na kakayanin ko toh alas siyete palang naman ng umaga
sana makahanap agad ako
susunod ang ikalawang kabanata
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
![](https://img.wattpad.com/cover/101406680-288-k751967.jpg)
YOU ARE READING
Default Title - Write Your Own
HumorGosto mu ba akung makilala???? ang pangalan ku ay Ichora?? A.k.A Cha Rowt??? Haleka dale dale lapet ka hihihi may sasabehen aku howag kang maengay ha! Sekrit lang naten ha *Bumulong Mirun ka bang bau? wala na kase akung...