Chapter 4: FLASHBACK (part 1)

22 0 0
                                    

"Goodmorning baby! :* Don't worry, hinding hindi na kita ulit lolokohin. Tama na yung nagawa ko sayo before. And I'm so sorry about that. Hinding hinding hindi na yun mauulit. Pangako. Diba nangako na ako sayo na ganun. Wag mo na iisipin yung panaginip mo kagabi. Ikaw lang yung love na love ko to infinity. Always remember that, okay? :* Breakfast na baby, kain madami ha? <3"

Remember this? Ayan yung text niya sakin kinabukasan nung nanaginip ako. 

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may ULIT na word?

Alam niyo ba kung bakit?

Syempre hindi naman kayo tanga para hindi makahalata na niloko na niya ako before.

YES. Kung may nagbabasa nitong kuwento ko, YES, niloko niya ako dati.

Panong panloloko?

Nakikipag usap pa kasi siya sa EX niya.

YES, nakikipag usap pa siya dati sa EX niya ng wala akong kaalam alam.

In short, niloko na niya ako, ginawa pa niya akong TANGA.

FLASHBACK

Nasa bahay kami ngayon ng kaklase namin kasi may practice kami for speech choir.

Eto yung bahay na lagi naming pinapapracticean pag madami kami kasi yung tapat nila malaki. 

Kaya kering keri ang pagpractice namin. 

Habang naghihintay kami sa iba naming kaklase, katabi ko si John Edward. 

Magkaklase kami, obviously.

"Pangs inip na inip na ako, paVIP kasi masyado yung iba nating kaklase eh, mga mapansin lang. Tch."- sabi ko kay Edward. Bakit pangs? Short term for 'PANGET'

"Hintay lang baby, dadating din sila."- siya

"Bwiset sila. Hmp. Peram nga muna ng cp mo, open ko twitter mo ha?"- ako

Nung sinabi ko yun sa kanya, bigla siyang naalarma.

Ang mas nakakagulat, inagaw niya yung phone niya sakin.

Bakit? 

Hindi ko alam. Hindi ko siya maintindihan. 

Pero isa lang ang alam ko, may something sa twitter niya.

At kung ano yun?

Malalaman ko din yun.

SOON

Ngayon, hahayaan ko muna siya.

Bakit ba kasi wala akong twitter eh.

Hays. Malalaman ko din kung ano meron sa twitter niya. Hahanap ako ng paraan para mahanap yung twitter niya.

Pinalagpas ko yung moment na yun. 

Hanggang sa matapos kami sa pagpractice.

Hanggang sa sinamahan niya ako pauwe sa bahay.

Nung kasama ko siya nun, tamad na tamad ako magsalita kaya nung nasa tapat na kami ng bahay namin nagsalita na siya.

"May problema ba tayo Yanyan?"- siya

"Ha? Sinasabe mo  dyan? Baliw ka na nu? HAHAHAH. Waka tayong problema. I'm just tired kaya ako ganito. Sarrey."- ako, umarte pa akong jolly para hindi siya makahalata.

"Ah. Akala ko lang kasi. Kanina ka pa hindi kumikibo eh. :)"- siya

"Ikaw talaga kung anu ano iniisip mo. Gusto mo pa pumasok sa bahay para magjuice bago ka umuwi?"- ako

One word, eight lettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon