NIELACEY'S POV
Hi.My name is Nielacey Janelle Monteverde. Mahilig akong manood ng mga vampires movies. Prangka, Sadista, At parang tomboy daw akong kumilos. 17 years old na ako pero 4th year highschool pa rin ako sa this year. Tumigil kasi ako..
"Niel, Umuwi na kaya tayo?" Sabi ng kaibigan 'kong si Ayesha. Nandito kami ngayon sa tapat ng FRANCIA UNIVERSITY o mas kilalang School Of Vampires. Sabi nila. Dito daw nag aaral ang mga bampira dito sa aming lugar. Pero wala ako pake. Ang mas iniintindi ko ngayon ay ang pagka curious ko.
"Hindi na. Nasa harap na tayo ng gate oh? Aatras pa ba tayo? Wag mo'ng sabihing naduduwag ka, Ayesha?" Derecho 'kong tanong sa kaniya. Bakas naman sa mukha niyang nagulat siya.
AYESHA DANE MERCADO. Kaibigan ko siya. As in matalik na kaibigan. Lagi ko siyang kasama sa kalokohan pero hindi ko alam kung bakit nagkaka ganito siya ngayon.
Hindi ako matino'ng anak para sa mga magulang ko. Basagulera daw ako at walang modo. Pero ano naman ang magagawa ko? E ito ako?
"H-Hindi naman sa gano'n pero narinig mo na naman siguro ang mga issues tungkol dito sa FU diba? H-Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya sa akin.
"Hindi." Sagot ko. Napaisip na rin ako pero wala talaga akong maramdaman na takot o miski kaba. Tss, Edi sana kung natatakot ako ay wala kami dito ngayon sa tapat ng FU?
"B-Baka magalit s-sila Tita kapag n-nalaman n-nila 'to.." Nauutal na saad niya.
"Hindi naman sila magagalit kung hindi mo sasabihin diba? Ayesha?" Seryoso 'kong tanong sa kaniya. Napaiwas ito ng tingin sa akin.
'I knew it'
"Natatakot ka ba?"
"O-Oo.. Natatakot ako kasi baka Totoo 'yung sinasabi nila." Sagot niya at napatungo pa.
"Kaya nga aalamin natin diba?" Sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay at tiningala ang kaniyang mukha.
"P-Pero baka kung ano ang mangyari sa atin sa loob.. Hindi pa natin sigurado kung ano ang nasa loob.."
"Wag kang matakot! Haha! Kasama mo ako! Tsaka. Baka nakakalimutan mong silver belter ako sa taekwondo?!" Biro ko sa kaniya.
"Silver?!" Takang tanong niya.
'Bakit? Anong meron sa silver?'
"Bakit?" Tanong ko.
"Walang ganon bes!" Sigaw niya sa akin.
"W-Wala ba? 'To naman! Hindi mabiro! Hehe" Nahihiya kong saad. Bwisit. "Oh siya. Tara na? Wag kang matakot. I'm always here to protect you." Pagpapalakas ko ng loob niya.
Nakita ko siyang ngumiti kaya ngumiti na rin ako sa kaniya pabalik. "Tara na?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango ito sa akin kaya pumasok na kami sa loob. Hindi naman nakakandado ang gate dito eh. Kaya madali lang para sa amin na makapasok.
"Ang dumi dito.." Bulong ni Ayesha.
Madumi.. Puro alikabok at kalawang ang makikita mo. Pero wala'ng dugo.
"Kyyaah!" Napatili si Ayesha ng may biglang dumaan sa likod namin. Mabilis itong nakawala at nawala sa paningin naming dalawa.
"B-Baka guni guni lang natin 'yun.." Bulong ko sa kaniya. Nangangatog ang tuhod at nanginginig ang mga kamay ni Ayesha kaya hindi ko na tinanong kung kinakabahan ba siya dahil kita naman sa mga galaw niya.
"U-Umalis na t-tayo.." Nauutal niyang Sabi sa akin.
"Wag na. Lubusin na natin.. Nandito na naman tayo eh."
"P-Pero B-Baka may b-bampira.."
"Hindi 'yan.. Just shut up.." Suway ko sa kaniya. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng may makita kaming tao sa may poste dito sa loob. Lalaki siya at nakatalikod sa amin..
"A-Ah kuya! Saan po--" Napatigil ako ng bigla itong humarap sa amin na pulang pula ang mata at may mga MATUTULIS NA NGIPIN!
'DAMN!'
"Wahh!!!" Sigaw namin ni Ayesha. Akmang susugurin kami nito pero may biglang humila sa amin at inalis kami sa lugar na iyon.
'Nahihilo ako! Ang bilis nito'ng humihila sa amin!'
Hindi ko na namalayan na nandito kami sa Isang budega. Puro gamit na luma ang nakikita namin dito.
"What are the two of you doing here?!" Napatingin kami sa likod namin. Isang lalaking maputi, matangkad at pulang pula ang mga labi.
"Huhuhu! Umalis na t-tayo dito! Niel! Natatakot ako!" Sigaw ni Ayesha habang nakatakip pa ang mga kamay niya sa mukha niya habang umiiyak.
"Kinakausap ko kayo! Anong ginagawa niyo dito?! Are you out of your mind?!" Sigaw muli ng lalaki'ng humla sa amin.
'Nakakarindi!'
"P'wede ba?! Tumahimik ka muna?!" Sigaw ko sa kaniya at inirapan siya saka niyakap si Ayesha..
"What?!"
"Shhh.. Stop crying. Ligtas na tayo." Bulong ko kay Ayesha.
"G-Gusto k-ko ng u-umalis.. Natatakot a-ako... U-umuwi na t-tayo..''
"Hindi na pwede. Kahit anong gawin niyo.. Dito na kayo titigil.." Sabi nung lalaki habang nangisi.
"What?! Are you trying to kid me?!"
Namula ang mata nito..kaya akala namin ay kung anong gagawin nito..pero..
TUMALIKOD LANG ITO AT NAWALA NA SA PANINGIN NAMIN..
PAKPAK! HEYOO!! VOTE AND COMMENT IS MY RULE! AND IF YOU DON'T DO IT FOR MEE! I'LL KAGAT YOUUU!!! CHAR! HEHE! ^.^
YOU ARE READING
FRANCIA UNIVERSITY: School Of Vampires
VampirosNakakatakot, nakakakilabot, delikado.. Ilan lang 'yan sa mga Diskripsyon ng FRANCIA UNIVERSITY.. School Of Vampires.