Gluttony is an inordinate desire to consume more than that which one requires.
Nilagay nito ang baril sa leeg ni Kyungsoo. Malakas ang kabog ng puso ni Kyungsoo hindi nya alam ang gagawin nya. 'Ito naman ang gusto ko, dba? Bakit parang ayaw kong iwan ang mundo?' isip nito.
"Oh? Bakit parang kinakabahan ka yata, baby?" nakangising tanong nito sa binata. Rinig na rinig nya ang pintig ng puso nito sabayan pa ng pawis nito na tagaktak.
"J-j-j-ongin..."nanginginig sabi nito. Mas lalo kasing dinikit ni Jongin ang baril sa leeg ni Kyungsoo.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA! Joke lang!" At tumawa ito ng parang demonyo. Inilayo nito ang baril sa leeg ni Kyungsoo kaya nakahinga itong maluwag.
"Magsabi ka ng 3 rason kung bakit ayaw mo sa akin. Isa na yung kanina. Ibigay mo ang pangalawa."mariin at seryosong sabi nito. Napalunok ng laway si Kyungsoo. Wala siyang magawa at kong hindi din naman sya nakatali ay hindi pa din ito makakatakas dahil puro bugbog ang katawan nito. Hindi ito makakatakbo ng maayos.
"Gluttony."
"Gluttony?" napataas kilay na tanong ni Jongin.
"Oo, Gluttony. Ikaw yan. Yung tipong boyfriend na nga kita, nambabae ka pa. Hindi ka pa ba kuntento sakin, Jongin? Binigay ko naman lahat sayo, eh! Hindi pa ba yun sapat ha?" mapait na sabi ni Kyungsoo at tumulo ang luha nya. Naalala nya na naman ang nakaraan nila.
Kasalukuyang papasok ng bahay ni Jongin si Kyungsoo. They happily being together na. And to be exact they are almost celebrating their 2nd anniversary. Gusto sanang kausapin ni Kyungsoo si Jongin dahil gusto nitong icelebrate and 2nd yr anniversary nito sa beach. Kaya ngayon ay papasok na sya sa bahay nila dala ang ginawa nyang kimchi spaghetti para sa binata. Kumatok muna ito kahit bahay ito ni ng syota nya ay kailangan nya pading kumatok baka mahuli nanaman nya itong nanonood ng porn. Napatawa nalang si Kyungsoo ng naisip nya yun.
Dumaan ang ilang minuto walang sumasagot. Naubos na ang pasensya ni Kyungsoo kaya pumasok nalang ito bukas naman, eh.
"Jongin?" tawag nito. Pero wala namang sumagot. Pumunta ito sa kwarto niya nagbabakasakaling nandito ito.
Nang papalapit na ito ay may ungol na nadidinggan.
"Nanonood nanaman siguro ito..." Napatawang sabi ni Jongin. Papalapit sya ay mas lalong lumakas ang ungol. Di na sya nagdalawa pang isip sinilip nya sa maliit na butas kung anong meron doon. At nakita nga niya si Jongin may katalik na babae...
"Jongin please.... Ano pa bang gusto mo? Pakawalan mo na ako..." pagmamakaawa ni Kyungsoo. At tumulo ang luha nito.
Lumapit si Jongin nito. Napapikit nalang si Kyungsoo baka sasaktan sya nito. Pero nagkamali sya pinunasan ni Jongin ang luha nito.
"Kyungsoo... I'm sorry. Nakita mo pala yu—" sabi ni Jongin pero pinutol ito ni Kyungsoo.
"So paghindi ko yun nakita patuloy padin ang pagloloko mo sa akin?!!!" takang tanong ni Kyungsoo habang hindi humihinto ang pag agos ng luha niya. Mahal na mahal niya si Jongin higit pa sa iniisip nito. Hindi nya inaakalang lolokohin lang pala siya nito.
"Hindi sa ganun, Soo... Nilason nya ako sa panahong yon!! DI KO LANG SINABI YON SAYO KASI ALAM KONG MASASAKTAN KA! MAHAL NA MAHAL KITA KYUNG!..." hinihingal na sabi ni Jongin. "na pati ang pagpatay ng tao ay ginawa ko...." mahinang sabi nito
"Huli na ang lahat Jongin... huli na..." sabi ni Kyungsoo.
"HINDI KYUNG!!!! MAHAL MO PA DIN NAMAN AKO DBA?!!" nababaliw na sigaw ni Jongin at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Hindi ka na nakuntento...Pinatay mo na si Joonmyeon, papatayin mo din naman ako, dba?!"
----------------------------
hi? bat ayaw niyong magcomment? >____<
BINABASA MO ANG
Eight Deadly Sins [ kaisoo ff ] completed
FanfictionMahal na mahal ni Kai si Kyungsoo. Pero biglang nag iba ang ikot ng mundo at nakahanap ng iba si Kyungsoo at iniwan nalang si Kai sa ere. Dahil sa sobrang pagmamahal nagawa nya ang 8 deadly sins. Eight? Alamin ang isa.