P R O L O G U E

14 0 0
                                    


"Itong tulang ginawa ko ngayon ay para dun sa babaeng inakala kong kami na pero pinagtagpo lang pala at hindi itinadhana. Sana magustuhan niyong lahat."

"Ang sarap balikan ng nakaraan, kung saan maayos pa tayo at nagkakaintindihan.
Ang sarap balikan ng nakaraan, kung saan tayong dalawa pa ay nagpapansinan.
Ang sarap balikan nang panahong ikaw pa at ako ang bida.
Pero biglang napaltan na ako, niya. Ayaw mo na pala.
Ang mga kamusta mo ay biglang nawala.
Mga kamusta mong sobrang sariwa pa sa aking ala-ala.
Pati ang mga ngiti mong umaabot hanggang mga mata,
Tuwing nagkakasalubong, at nag-uusap tayong dalawa.

Siguro hindi nga tayo ang para sa isa't-isa dahil ang pagmamahal mo'y naglahong parang bula.
Isang bulang palayo nang palayo sa aking panigin, bulang kay hirap nang abutin.
Bulang sobrang hirap nang hanapin at hagilapin.
Bulang kasing taas na ng mga bituin.

Bakit bigla kang lumayo?
Bakit bigla kang sumuko?
Akala ko ba'y ako hanggang dulo?
Pero bakit bigla kang lumayo sa mundong ginagalawan ko?

Lahat ng pangako mo ay biglang naglaho, naglahong parang bula sa buhay ko.
Nakakamiss lang lahat ng mga salitang mahal kita na galing sa puso mo.
Pero umaasa parin ako na tayo parin sa dulo, na babalik kang muli sa mundo ko.
Sa mundo kong ikaw lang at ako, at bubuuin ang salitang 'tayo.'"

Tss. Iniwan na nga umaasa pa rin. Mga tao talaga ngayon masyadong nag-papakatanga sa pag-ibig.

Magda-dalawang taon na din pala nang huli akong tumungtong sa entabladong kagaya nito. At mukhang hindi na rin ata ako makakabalik.

Aalis na sana ako, nang biglang may dalawang babaeng humarang sakin.

"Ikaw po si ate Aria diba? Aria Delaney Alvarez?" Tanong ng isa sa dalawang babae.

"Oo ako nga, bakit?"

"Pumunta rin po ba kayo dito para mag-perform? Pero bakit wala po sa list yung pangalan niyo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Ah, hindi."

"Naku! Sayang naman ate Aria! Miss ko na yung mga tula mo." Wika niya.

"Ang alam ko kaya hindi na ulit siya nagawa ng tula dahil dun sa ex niya." Bulong ng isang babae pero rinig ko naman. Siniko nang babae yung isa pang babae tapos nginitian ako.

Nginitian ko na lang din sila, at tuluyan nang umalis. Pagkadating ko sa parking lot, ay agad kong pinaandar ang sasakyan ko.

My plan was to go home, but when I see our favorite cafe I stopped by. I ordered an americano, at saka umupo saming favorite spot.

Mabuti na lang at kokonti ang mga tao dito, dahil kung nagkataong maraming tao dito e paniguradong may nakaupo na dito sa favorite spot namin. Nasa pinakadulo ito ng cafe, at merong malaking painting sa likod ng table. Maganda rin ang view na tanaw na tanaw sa glass wall.

I was taking a sip in my coffee, when the chime in the door rang. I was startled in what I'm seeing right now, how can this be possible?

Am I hallucinating? Paanong buhay siya? Pero hindi, hindi siya pwedeng mabuhay kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano bawian ng buhay ang taong mahal ko. Matagal na siyang patay Aria! Marahil ay kamukha lang siya nang lalaking nakita mo! Hindi na kailanman mabubuhay ang patay!

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nakalapit na pala siya sa kinauupuan ko.

"Miss, pwede bang maki-table? Maganda kasi ang spot dito e saka maganda pa yung view." Wika niya.

Nung una ay medyo nagulat pa ako, ngunit nang tinawag niya ulit ako ng isang beses ay tumango na lamang ako.

No way! Kamukhang-kamuka siya ni Viel. Sa kakatitig ko sa kanya, hindi ko na namalayan na nakatingin na rin pala siya sakin.

"Miss pansin ko lang, bakit kanina ka pang nakatitig sakin?" Tanong niya.

Bigla akong nahiya sa sinabi niya kaya naman kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko saka tumayo. 

"I-I have to go." Hindi ko na siya iniintay na magsalita pa at umalis na doon.

Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay saka lamang ko nakahinga ng maluwag. The man I saw earlier really looks like Viel. His sense of fashion matches Viel, and he also have the same mole in the face as Viel.

Pero hindi, malabo. Dalawang taon ng patay si Viel, at hanggang ngayon, hindi ko parin siya makalimutan.

————————————————————

TO BE CONTINUED...

AUTHOR'S NOTE:

Sorry sa sobrang corny na poetry. ✌🏼

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon