C H A P T E R 1

7 0 0
                                    



1:00 na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko pa rin makalimutan yung mukha nung lalaking nasa cafe.

Posible kayang buhay pa siya? Ay hindi, edi sana nakilala niya ako. E baka naman, nagka-amnesia siya? Kaya hindi niya ako naaalala.

Tumigil ka na Aria, hindi katulad ng mga teleserye ang buhay mo. I shouldn't hope, kasi lalo lang akong nasasaktan. Umaasa kahit wala namang sapat na ebidensya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako, ilang beses ka na bang umiyak Aria? Hindi ko na rin mabilang. Dahil sa pagiyak, unti-unti na rin akong nakatulog.

____

Nagising ako nang 8:00 na ng umaga, kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa lamesang katabi ng higaan ko.

"Inaantok pa ako." Wika ko habang nagkukusot ng mata.

Nakita kong may isang message na naman galing sa kanya.

+63908*******

Aria, nasa event ka daw kahapon? Bakit ba hindi ka na lang bumalik?

Eto na naman siya, sa tuwing pupunta ako ng event ganito lagi ang eksena kinabukasan. Sorry talaga Julian, pero hindi pa ako handang sumulat ulit.

Tatayo na sana ako para pumunta ng C.R nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Julian? Ano na naman? Di ba pwedeng tanggapin mo na lang yung desisyon ko."

"Ay grabe si ate girl! Wag kang mag-alala di na kita pipilitin. Pero, pwede bang pumunta ka ngayon dito sa publishing house? Malay mo pag pumunta ka dito magbago ang isip mo?"

I let out a heavy sigh.

"Okay. Mag-aayos na ako."

"Yes! Thank you Aria. Mwuah! See you later."

Hindi na ako nagsalita. Binaba ko na lang ang tawag saka pumunta nang banyo.

I just wore a simple white fitted dress and a white stilettos. I just let my wavy hair down, at umalis na ako.

Pagkadating ko sa publishing company, as usual pinaguusapan ako ng mga tao. Sino ba namang hindi? The girl who left years ago without any trace, tapos biglang bumalik? I think they know very well why I did that.

"Ms. Aria, good morning! Balik ka na po ba sa work?" Ngiting tanong ni Jean isa sa mga editor dito.

"No. I just came because I had something to do with Julian." I said and smiled.

Ang kaninang masaya niyang mukha ay unti-unting napaltan ng dismaya, iniiwanan ko na siya doon at dumiretso sa elevator. Pero bago tuluyang magsara ang pinto, may isang kamay na humarang dito at unti-unti ulit itong nagbukas at tumambad sakin ang mukha ng lalaking nakita ko sa cafe kahapon. Still shocked with his sudden appearance, he smiled. Umiwas ako ng tingin, why? Does he know me or something?

He pressed the 10th floor, "What floor?" He asked.

Sobrang kinabahan ako, hindi ko din alam kung bakit.  "The same as yours." I said.

Why do I have to see him again? It feels like the deity's playing games with me. Seconds has passed, and it felt like hours. Bumuntong hiniga ako.

"Is there something wrong?" He suddenly asked.

Shocked, I looked at him. Umiling na lang ako at ngumiti ng konti. Ang feeling close naman ng taong to. When the elevator finally opened, I immediately got out and walked towards Julian's office.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon