CHAPTER 1

11 0 0
                                    


MJ's Perspective

"MJ!!! GISING NA! HINDI BA'T MAY PASOK KA NGAYON?"parinig kong sabi ni Mama sa malakas na boses kaya napamulat ako. Kapag si Mama talaga ang nagsasalita, akala mo nakalunok ng megaphone palagi! Tch. -____-.Kinuha ko yung cellphone kong nasa ulunan ko saka tinignan yung oras.

5:30 AM.

Agad na akong bumangon at linigpit ang hinigaan ko. Dumiretso kaagad ako sa kusina para maghilamos at magmumog. Lumapit ako kay mama at humingi ng pambili ng bente pesos na pansit at sampung piso na tinapay. Yun kase lagi ang almusal namin sa umaga pero minsan spaghetti o kaya naman bihon.

Pagkatapos kong mag-almusal ay kinuha ko na yung thermos saka inilagay sa balde ang pinainit kong tubig para inpaligo ko. Di ko kase kaya yung sobrang lamig na tubig lalo na't sobrang aga pa!. 'Malamig na nga lagi ang pakiramdam ko, magbubuhos pa'ko ng ilang katirbang tubig'.Hays.

Naglagay din ako ng cream sa mukha bago ako magpulbos. Nakasanayan ko na kase ito mula nung Junior ako.Linagyan ko rin ng gray eye brow pencil ang kilay ko. Kilay is life din kase ako. Keke~ Tas linagyan ko rin ng orange nude lipstick ang labi ko. Tinagtag ko naman yung twalya na nasa buhok ko saka ako nagsuklay. Iwinagay ko lang ito. Dahil dun ako komportable. Napangiwi ako ng mag-side view ako, hanggang bewang na pala ang buhok ko. 1 year na ang nakakalipas.

"Ma! Aalis na po ako!,"sigaw ko kay mama na nasa labas dahil mahilig sya mag gardening.

"Oh?Nakuha mo na ba yung pera?"

"Opo!"

"Hala!Sige! Mag-iingat ka!"

Di ko na sinagot si mama at naglakad na papalabas dahil mag-aabang pa ako ng tricycle. Mabuti pagkalabas ko ay may nadaan ng tricycle kaya nakasakay kaagad ako. Hays! First day of school pa naman ngayon!.Malayo pa lang ay tanaw-tanaw ko na ang mga estudyanteng tulad ko na nagkalat sa labas ng gate ng school. Kaya pagkababa ko ng tricycle sumuksok muna ako sa gilid. Nakaka-Out of place! wala akong kakilala! TT__TT

Maya-maya pa'y dumating na yung Vice Principal. Nagtaka sya kung bakit nasa labas pa daw kami kaya pumasok na kami. Siksikan kami papasok dahil maliit lang yung daanan. Dahil bago ako sa school na'to di ko alam kung saan ako pupunta. Napatingin ako sa mini stage at mukhang may flag ceremony kaya papunta lahat yung ibang students sa ground. No choice pero sumunod din ako. Iniikot ko ang paningin ko. Grabe! Ang laki pala talaga ng school na'to! Tsk. Saan ko naman kaya hahanapin ang room ko?

Loving You in Silence (On-going)Where stories live. Discover now