Ej's Perspective
"Sht pare! Akala ko nanonood nako ng pelikula kanina eh. Grabe! Pwede ka ng maging actor!" Napapailing lang ako sa mga sinasambit ni Karlo. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari. Tss. Naparinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa.
From: Caroline (Babe)
Babe, lets talk.
Meet me at
Czarina's Cafe at 7.Napabuntong hininga ako pero agad din akong kinabahan. Fck. Is she going to break up with me?Damn. Wag naman sana! Hindi ko kaya. Napahilamos ako gamit ang palad ko. Alam kong parang hindi na nagwowork ang relasyon namin dahil busy sya sa pagbaballerina nya isabay mo pa yung studies nya. Magkaiba kami ng school ni Caroline at medyo malayo ang school nya sakin. Tinanong ko na sya dati kung bakit ayaw nyang lumipat sa school ko pero sabi nya ayaw nyang malaman ng parents nya na may boyfriend sya. Oo, tago ang relasyon namin pero hindi naman kami tatagal ng 2 years kung natyagaan ko yung minsan hindi natutuloy ang mga dates namin. Naalala ko nung una kaming magkakilala.
FLASHBACK
"Pare! Sino ba yung hinihintay mo dyan?"Naiinis na tanong ko sa isa kong barkada na si Alec. Pero di nya parin ako pinapansin dahil abala sya paglingga-linga na parang may hinahanap.
"KUYAAAA!" Napatingin kami pareho sa babaeng maikli ang buhok pero magandang babae. Tumatakbo papunta samin.Kapatid sya ni Alec. Pero hindi ko alam na dito pala sya nag-aaral?.
Napako ang tingin ko sa babaeng tumatakbo rin hinahabol yung kapatid ni Alec, si Alesana. Sumisigaw ito pero kahit mukha na syang tanga kakatakbo habang sumisigaw, sobrang ganda nya.
"Ang tagal mo naman bunso! Kanina pa kami dito ng Kuya Ej mo!," singhal ni Alec sa kapatid nya pero tinawanan lang sya nito.
"Ales!" Napatingin ang dalawa sa babaeng tumatakbo kanina na di napaparinig ni Alesana na tinatawag sya nito.
"Oh? Caroline? Bakit?"
Sht. Caroline pala ang pangalan nya. Bagay na bagay sa kanya. My heart skip a beat ng matitigan ko yung mukha nya.Grabe! Ang ganda talaga nya.
"Naiwan mo kasi yung wallet mo sa table tas naisip ko sasakay ka ng tricy baka wala kang pamasahe,"mahabang saad nito kay Ales. Napatingin sya sakin kaya wala sa sariling nginitian ko sya. Napaiwas naman sya ng tingin kaya napatawa sya.
Mula nun, lagi na akong sumasama kay Alec para sumundo kay Alesana. Pinagtatawanan ako ni Alec nung nalaman nya kung bakit ako panay sama ako sa kanya. 'Child abuse raw ako.' Tss. 1 year lang naman ang agwat namin ni Caroline. Nakuha ko rin ang number nya kay Ales at dun ko na sya sinimulang ligawan. Magdadalawang buwan palang ng panliligaw ko sa kanya sinagot nya rin kaagad ako kaya sobrang saya ko nung sinagot nya ako.
Mabait at malambing si Caroline. Hindi sya katulad ng ibang babae na masyadong maarte kaya isa yun sa minahal ko sa kanya.End of Flashback
" Mabuti pala wala si Pareng Alec dito kundi pagtatawanan ka na naman nun! Tsk!"Napasimangot ako sa narinig ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinagtatawanan ako ni Alec. Ano bang problema nung isang yun? Tsk.
"Oh pre? San punta mo?" Tanong bigla ni Karlo ng tumayo ako. "Papasok na." Bored kong sagot saka umalis na. Narinig ko pa syang sumigaw, natataranta. Tch. Laro kase ng laro ng lol. =__= kaya hindi namamalayan ang oras!
Mj's Perspective
"Oy Mj! Kwento na kasi! I-explain mo nga sakin yung nangyari kanina!" pangungulit sakin ni Mae. -___- Mula nung dumating ako, kinulit nya na ako.
Mukha akong tanga kanina nung pagpasok ko kanina sa Campus, takip-takip ko yung mukha ko hanggang sa maka-akyat ako ng 2nd floor.
YOU ARE READING
Loving You in Silence (On-going)
Teen FictionTheir this girl named Mary Jane Strong Baeza. Maganda, mabait, maalahanin, malambing at mapagmahal kahit na medyo chubby sya. Maraming nagkakagusto sa kanya. But something happened and pain change her. Paano kung magkita uli sila ng enemy/long...