Chapter 11: Unexpectedly
Faye POV
Ano ba yung susunod kung gagawin >.<
Mababaliw na ako dito kakaisip kung alin ang uunahin ko T_T .." Aaahhh kainis " sabi ko sarili .
Pinapagawa kami nang thesis para bukas kaya kailangan ko matapos ito bago sumikat ang araw . Sa akin pinagawa ni Cheska yung thesis nya kaya dapat magkaiba kami nang gawa . Gusto ko man mag reklamo dahil responsibilidad nyang gumawa bilang estudyante pero wala akong magagawa kundi sumunod dito . Wala pang isang linggo akong naging utusan o sunod sunuran slash slave -_- ni Cheska .
" Babae ! kumain kana ba ? " biglang pasok ni Tita sa kwarto ko .
" Busog pa po ako " sagot ko .
" Pagnagutom ka may pagkain pa dun sa ref. " sabi nya .
" Opo ! salamat " sagot ko saka sya lumabas nang kwarto ko .
Anong oras na pero wala parin akong nasisimulan kahit na isang sentence dahil sa may bumabagabag sakin pag iisip .
" Hays ewan ! " sabi ko sa sarili .
Matapos kiniwento ni Jade yung nangyari sa bar last night ay para akong nabunutan nang tinik dahil nalaman kung siya pala ang naghatid sakin nung gabing lasing na lasing ako . Nakakahiya sa kanya nung sinabi niya nasukahan ko sya nung binuhat nya ako papasok sa bahay . Tsaka dun sa vigilante sinasabi nya nagpapasalamat ako nang marami dahil iniligtas nya ako dun sa lalaking may balak sakin. Kahit nasa hangin ko lang sinabi ang pasasalamat ko .
Okay na sana ang nararamdaman kung saya kaso hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari sakin kanina . >.<
Flashback :
Nagmamadali akong lumabas nang room pagkatapos nang 1st&2nd subject dahil break time na namin .
" Diba sa yung babaeng binuhat ni Fafa Jade kahapon " narinig sabi nung babae sa kaibigan nya .
" Oo bes ! nakakainis nga e , siguro sinadya nya yung mga nangyari kahapon para mapansin siya nila Fafa Jade at matulungan .. Duh ! " sabi nang kaibigan nya
" Oo nga nu ! malandi sya . tsk " rinig kung sabi .
Wow ah ! nahiya ako sa mga pinagsasabi nila -_- sabi ko sa isip saka nagpatuloy lang sa paglalakad .
Nakatanggap ako nang text galing kay Cheska kanina habang nagkaklase kami kaya ito ako ngayon pupunta kung saan kami magkikita .
" Ba't walang ilaw? " tanong ko sa sarili nang makarating ako dito .
Dito ako sa loob ng gymnasium ng University dahil ito ang tenext na lugar ni Cheska .
" Hello ? Cheska andyan kaba? " tawag ko pero walang sumasagot .
" Cheska !? hindi ako mahilig makipagtaguan , nasan kana ? " salita ko .*BOOGSSH*
umilingaw-ngaw yung tunog sa loob nang gymnasium sa pagsara ng pinto nito ." Hala !! " bulalas ko kaya mabilis ako tumakbo kung saan ako pumasok pero nakasira yung pinto at naka.lock ..
" Tulong ! " sigaw ko .Ang alam ko may isa pang pinto ito yung gymnasium pero hindi ko to makita dahil madilim at hindi ko rin kabisado ang daan. Natatakot ako maglakad baka may mabunggo o di kaya may masandal ako sa daan . At ang kamalasan iniwan ko yung cellphone ko sa bag dun sa room .
" Sino yan ? " tanong ko kahit wala akong makita sa sobrang dilim, may narinig kasi akong kaluskos malapit sa kinatatayuan ko .
" Sino yan sabi e !! " tanong ko ulit pero wala parin sumasagot .
BINABASA MO ANG
Love Me, Heal Me
Mystery / ThrillerSYNOPSIS: Ang katawan ng tao na may kakayahang maka survive sa kahit na anong mahirap na sitwasyon. Isa na dito si Kylie " First Generation Business Heiress (means taga mana sa unang henerasyon sa larangan ng negosyo in short MAYAMAN) na may " Di...