Chapter 15: Maid
Faye POV
Lumipas ang isang linggo na madami nangyare. At hanggang ngayon sunod sunuran paren ako kay Cheska para sa ikakabuti ng scholarship ko.
" Ano ba b*tch bilisan mo dyan maglinis ! may lalabhan kapa " sigaw ni Cheska .
Andito ako ngayon sa mansion ng mga Ruiz.
At dahil linggo din ngayon kaya wala kami pasok.Gusto ko sana magsimba ngayon kaso ang aga tumawag ni Cheska para papuntahin ako dito sa mansion nila. Sabi nga sa kasunduan mapalabas o loob man ng University ay sisilbihan ko si Cheska kapalit ng scholarship. Kahit nakakapagod na at gusto ko na umiiyak sa pagpapahirap nya sakin ay di ko magawang sumuko. Pinangarap kung makapasok sa Quinn Stone University kaya hindi ko hahayaan mawala lang yun na parang bula ." Ano ba! may lahi ka bang robot? ang bagal mo kumilos " reklamo nya .
Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis sa kwarto nya. Sobrang laki ng mansyon nila kaya malaki din ang kwarto ni Cheska.
*Riinnngg .. *
biglang tumunog yung telepono ." Sagutin mo nga kung sino yan tumawag" utos nya
" Hello ? sino po ito? " tanong ko sa kabilang linya ng telepono .
" This is Kurt Leigh .. " biglang kumabog yung dibdib ko .
Sa loob nga ng isang linggo may mga bagay na hindi mo inaasahan mangyare . Araw ng martes nun. Pumasok si Leigh na may pasa sa mukha at may sugat sa labi. Daig pa si Flash ang mabilis na pagkalat nang balita sa boung University na may nakaaway ito sa mismong pag aari nyang bar. Para sakin na walang alam sa kanilang mga buhay o estado ay nagulat akong pagmamay ari pala ni Leigh ang bar kung saan kailan lang ako nalasing dun at muntik pang mapahamak sa kakagawan ni Cheska .
Malay ko bang sa kanila yun ~|~ Kasi naman ang alam ko lang ay mayaman sila.Yun lang !
Dumaan ang ilang araw napapansin kung masyadong napapalapit ang loob ko kay Kurt .
Flashback:
Break time na kaya ito ako naglalakad sa hallway papunta Cafeteria.
" Omg ! kawawa naman si Fafa Kurt" girl 1
" Sinabi mo pa ! nakakainis yung Lux na yun Grrr.. " Girl 2
" Ang swerte nya kay Miss Cheska nu ! Balita ko nagde.date na daw sila " Girl 3
" I don't think so ! pero swerte naman din ni Miss Cheska..Akalain mo gwapo na yummy pa " Girl 1
The heck?
Napailing nalang ako sa usapan ng tatlong estudyante nakasalubong ko .
Gwapo na ? Yummy pa ?
Bakit ateng ? pagkain ba yung gwapo ?Balita sa boung University na kumakain sa labas ang dalawa na magkasabay. Madami akong naririnig na in relationship ang status nila Leigh at Cheska. Kumakalat din ang picture ng dalawa na magka.holding hands sa isang mall . Ewan ko kung totoo tsaka hindi naman ako interesado sa mga nyan.. Malay mo kwentong barbero lang pero hindi ko maiwasan may maramdaman akong kakaiba nung makita ko yung picture nila ni Cheska na maghawak kamay.
Naalala ko pa yung sa may gymnasium kung san nya ako hinalikan bigla. Hanggang ngayon parang ramdam ko pa yung malambot nyang labi.
Aaahhh ! Ano ba Faye !
Tumigil kana nga kakapantasya .. tch
sabi ko sa isip ko.At kanina pala pumasok kanina ni Leigh na may mga pasa sa mukha at sugat sa labi. Kaya napasalubong kilay ko habang nakatingin sa kanya kanina . Nang makaupo si Jade sa tabi ko tinanong kung anong nangyare . Kinenwento naman ni Jade ang nangyare kagabi kay Kurt kung bakit may mga sugat ito . Napaaway si Kurt dahil sa sobra daw kalasingan at dahil nabunggo nya itong Lux. Kaklase namin. Kaya pala may mga band aid din yung pisnge at putok yung kilay ni Lux nung pumasok din sya habang hindi maalis ang tingin kay Kurt Leigh.
Ang pagkakilala ko kay Lux ay may mga grupo ito sa labas ng University o mas tinatawag na gangster. Kaya hindi impossible maybalak si Lux para kay Kurt .
BINABASA MO ANG
Love Me, Heal Me
Mystery / ThrillerSYNOPSIS: Ang katawan ng tao na may kakayahang maka survive sa kahit na anong mahirap na sitwasyon. Isa na dito si Kylie " First Generation Business Heiress (means taga mana sa unang henerasyon sa larangan ng negosyo in short MAYAMAN) na may " Di...