03

615 23 0
                                    

After finishing my meal, I went straight to my room. Nagkulong na lang ako roon at hindi na lumabas pa. Nagdahilan na lamang akong pagod at gusto ko ng magpahinga para hindi na nila ako gambalain pa.

I lied on my bed and stared blankly on my ceiling. Hindi ko alam kung bakit ba nandito na naman ako sa lugar na ito. Hindi ko man gustong umuwi ay may pwersang humahatak sa aking paa para umuwi.

I have sworn of not coming back to this place, kahit dito pa ako ipinanganak at nagkaisip. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas sa lugar na ito, but seeing myself in this same place again overwhelmed my insides.

Para bang sinasabi nitong hindi na dapat ako bumalik pa.

The next morning, I pushed myself to take a walk. I walked around our subdivision for almost an hour and when the sun got irritating on my skin, I decided to go back home.

It's Thursday and I don't have any plan of going out. Kung hindi lamang ako nasanay na tumatakbo tuwing umaga ay hindi ako lalabas. As much as possible ay ayaw kong may makaalam na umuwi ako. Ikaiirita ko na lalo kung may mangungulit pa sa akin, higit sa pagkairitang nakukuha ko sa nakababata kong kapatid.

"Wala ka bang balak lumabas? Nasusura na ako sa itsura mong maghapong nakahilata dito sa sofa at panay ang dutdot sa cellphone mo," sita ko sa aking kapatid.

"Wala naman akong gagawin sa labas," sagot nito. "At saka kung ayaw mo akong makita, doon ka sa kwarto mo. Nananahimik ako rito e," angal pa nito.

Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na lamang sa kusina. Naabutan ko si Mama roon.

"Wala ka bang balak mamasyal sa labas?" Tanong agad nito.

Umiling ako. "Tinatamad po akong lumabas."

"Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi ka lalabas. Bisitahin mo kaya ang mga kaibigan mo?" Mama suggested.

Mga kaibigan?

Sino?

"May pasok po ang mga iyon, Ma." I reasoned out.

"Edi, sa linggo. Hanggang kailan ba ang leave mo?"

"Two weeks po."

"Mahaba rin naman pala, itext mo na lang sila para makapaghanda kayo kung kailan kayo magkikita."

"Mamaya po." Sagot ko. Nagpaalam na ako rito na aakyat sa aking silid.

Nag-iisip ako kung sino bang kaibigan ang c-contact-in ko. Iilang pangalan lang naman ang laman ng contacts ko at karamihan pa roon ay mga katrabaho ko sa Maynila. At iyong mga kaibigang sinasabi ni mama ay matagal nang walang koneksyon sa akin.

"Si Reysa." Iyong tanging kaibigang naiisip kong pwede kong puntahan o kaya ay imbitahan na lamang na mamasyal dito sa amin. Kaya lamang ay hindi na ako sigurado kung aktibo pa ba ang numero niyang ito. Isang taon na rin simula ng huli ko siyang na-contact sa numero niyang ito at pagkatapos niyon ay hindi na iyon naulit pa.

I tried calling it ngunit iyong operator na ng network na gamit n'ya ang sumasagot.

I stared on my phone when a memory flashed back.

"Hello, Ja. Napatawag ka?" She answered after my third try.

"Sa..." I called between my sobs.

"Oy, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Ginawa na naman niya. Inulit niya na naman," I confessed.

"Diyos ko!" She muttered. "Nasaan ka ba, pupuntahan kita."

"No. I-I am fine. 'Andito ako sa bahay, huwag ka nang pumunta."

"Tangina! Ang gago talaga ng Rusell na iyan! Lagi na lang bang ganyan? Lagi ka na lang ba na ang gaganyanin? Leche s'ya!" she muttered. "D'yos ko, Jianna. Hiwalayan mon a 'yang lalaki na 'yan. Matauhan ka naman na sana. Hindi mo deserved lahat ng kagaguhang ginagawa n'ya sayo!" Sermon n'ya pa sa akin.

Lalo namang napalakas ang iyak ko dahil sa alam kong tama siya at hindi lang isang beses niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa pagkakagising sa katotohanan ngunit hindi ako nakinig. Hindi ko siya pinakinggan at mas pinili ko parin ang gusto ng puso ko.

"I should have listened to you." I uttered.

I left my phone and turned on my laptop. Sa Facebook ko na lamang siya ime-message.

I logged in to my account that had been inactive for over a year now. When I decided to shut everyone in my life, all the means that could connect me to them were also included. Lahat ng social media accounts ko ay deleted na maliban lamang sa aking Facebook. Kung bakit, hindi ko rin alam.

I immediately click the search bar and typed Reysa's full name. Hindi na ako nag aksaya ng hagilapin ang pangalan niya sa aking inbox dahil paniguradong natabunan na iyon. Ang makitang may roon akong higit benteng mensahe ay nakakatamad na sa aking mata.

"I'm home. Are you busy?" I typed after reaching her name. She's online about two hours ago and it's just past nine in the morning, she's probably at work kaya maaaring mamayang tanghali o hapon n'ya pa mababasa ang aking mensahe.

I got tempted by the numbers of my notification so I scrolled through it but decided to close it seeing it was all irrelevant and nonsense.

I was about to log out when that name caught my attention. It was posted 'just now'.

Russell Perez
You are back, finally.

He posted. Then, my notification beeped. It was from him, a 'like' notification from a photo that was tagged to me. It was posted by my brother, minutes ago.

I opened it.

"Holy shit!" I blurted.

It was me sitting in the highchair in our kitchen while talking to mama. Mama was also there but it was only her back that was caught in the picture.

Jericho Romero
She's back!

My brother captioned it with scary emojis.

Then, not a minute later, my inbox beeped. The chat box appeared with his name.

"Jia... " he messaged me.

Heat ran through my whole system and before I could even think of anything, I closed my laptop and stared at it.

Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon