Chapter Eight

468 12 0
                                    

Making myself busy through tons of paper works work really well. Tatlong araw simula nang bumalik ako sa trabaho ay wala akong unang inintindi kun'di ang gugulin ang buong umaga ko sa trabaho. It was tiring but helpful.

I got my mind really occupied that I almost forgot what bothers me the past few weeks. Iyong pag uwi sa bahay na lamang talaga, dahil kahit gaano ko pa pagurin ang sarili ko sa trabaho, pag dating ng oras na wala na akong ginagawa at mag isa na lamang, doon na lumilipad ang isip ko patungo sa taong yun.

It's exhausting.

Iyong paulit-ulit mong binabalikan ang nakaraan para lamang kaawaan ang sarili mo sa huli.

It's been a year and up until now, I am still questioning myself what I lacked of, what went wrong, or is there something I failed to do.

I know I did everything beyond what I had believed was my limitation.

Iyong taong iyon, minahal ko s'ya sa paraang ni misan ay hindi ko na-isip na kaya kong gawin. I took risk thinking he would be worth all those trouble. I had surpassed my expectation for myself because I wanted to love him with all the things I had.

But still, those are not enough. I was still not enough.

That's the question I kept on asking myself.

Ano bang kulang ko?

Saan ako nag kulang?

Bakit?

I pity myself for still seeking justification for that.

I shrugged that thought as I noticed what time it was already. It's Eight o'clock in the evening at kunti na lamang kaming nasa office. Ako na lamang sa department namin at ang iba ay yung team ni Hanz.

They are still finalizing their presentation for tomorrow kaya siguradong mas gagabihin pa ang mga ito.

So, I decided to order boxes of pizza and gave it to them as I bid goodbye. Malapit din naman sila sa akin at ang bigyan sila ng kaunting pang pasigla ay maliit na bagay. Hanz often do the same when it was my team who will be having a presentation.

"Take care. Call me as soon as you get home." Bilin n'ya. Binuksan pa nito ang pinto ng kotse ko at inalalayan pa akong umupo.

I nodded as a response. "Umuwi rin kayo agad, okay? Huwag kayong mag pagod masyado para may energy pa kayo bukas sa presentation." Bilin ko. Tumango lang din ito tapos ay yumuko para humalik sa aking noo.

"Sige na. Gagabihin ka pa lalo." Ani n'ya.

I smiled at him tapos ay nag paalam na. I drove as fast as I could but safe.

Gustong-gusto ko nang umuwi at mag pahinga. Feeling ko, pag nanatili pa akong dilat lalo na ngayong gabi ay kung saan na naman ako daldalhin ng utak ko. Para akong may time machine sa utak at lagi akong dinadala sa nakaraan.

It was already nine o'clock when I arrived home. Nahuhulog na ang mga mata ko at halos maidlip na ako sa elevator paakyat ng unit ko. Halos pikit na ang mga mata ko ng marating ko ang tamang palapag ng aking unit. Natauhan lamang ako ng muntik na akong masubsob dahil sa pag kakapatid.

"Oh, shit!"I blurted out.

Inilibot ko ang paningin sa buong hallway. Una, para tignan kung may nakakita ba sa muntik ko nang pagkakadapa at pangalawa, kung ano ang nakatisod sa askin.

There were boxes outside the door next to mine. Siguro ay may bagong lipat doon. Halos ilang buwan na rin akong walang kapit-bahay sa unit na iyon.

Dahan-dahan kong nilaktawan iyong kahong nakapatid sa akin, nag iinat na makagawa ng ingay. Baka mamaya ay lumabas iyong may-ari at isiping ginagawan ko ng mali iyong mga gamit n'ya.

"Gabing-gabi naman mag lipat 'yon." I muttered pag kapasok ko sa loob ng unit ko.

Hindi na ako nag abala pang mag bukas ng ilaw ng aking salas at dumiretso na sa aking kwarto.

I immediately dialled Hanz number para sa bilin nitong tawagan siya pag nakauwi na ako.

"Bahay na ako." I said. "Kayo?" I also asked.

"We will be off at ten, tatapusin lang iyong huling detalye." Sagot n'ya. I nodded to myself.

"Sige na pala. Tapusin n'yo na agad para di na kayo gabihin pa. Text me when you get home." I said.

"Okay. Good night, Ja." He did.

"Good night. Ingat sa pag uwi, okay?"

"Okay." He answered then we hung up.

Nag palit na ako at nag linis ng katawan tapos ay lumabas ulit para gumawa ng makakain sa kusina.

Tinatamad na akong magluto kaya oatmeal na lang ang kinain ko, tapos ay balik ulit sa kwarto para makapag pahinga na.

My days were repeatedly like that. Gigising sa umaga para pumasok sa trabaho at uuwi sa gabi para matulog. Hindi ko lam kung kaylan nag simulang maging ganito ang routine ko, o talaging ganito na ako simula ng lumipat ako rito sa Manila at hindi ko lamang iyon napapansin dahil busy akong lumimot?

Hindi ko alam.

I was about the dozed off when a loud bang startled me. Halos mapatalon ako sa kama habang sapo-sapo ang aking dibdib.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga

"Ano 'yun?' I asked myself. Hindi parin mapawi-pawi ang pagkabog ng mabilis ng puso ko.

"Dito ba galing yun?" I asked again. Sabay dikit ng tainga sa pader na bumubukod sa unit ko at sa unit ng kapit-bahay.

The division is not as thick as the others. Dati kasing isang malaking unit itong sa akin at sa kabila, pinag hiwalay lang noong umalis at mag hiwalay iyong dating may-ari.

Pero wala na akong narinig na kahit anong ingay, malilit na kaluskos na lamang hanggang sa tuluyan nang tumahimik.

Lumabas na lang ako ng kwarto at sumilip sa labas ng aking pinto. Malinis na iyon at wala na ang mga nagkalat na kahon kanina. Siguro ay gamit iyong nahulog sa kabila kanina.

I shrugged it off. Bumalik na ako sa loob at hindi na pinansin pa iyon.

Luckily, I was able to sleep immediately. Siguro ay sa pagod at puyat na rin ng ilang araw.

My next days were all same, trabaho-bahay, trabaho at bahay lang. I was like that for almost a week hanggang sa hindi na talaga kinaya ng katawan ko. It took a toll on my health.

I got sick.

Tatlong araw din akong nilalagnat at abot-abot ang sermong nakuha ko kay Hanz. He wants me to take a sick leave but I refused to. Kababalik ko pa nga lang sa trabaho tapos ay mag l-leave na naman ako?

Baka sipain na ako paalis ni Mikael sa kompanya n'ya.

Kaya kahit sumasakit ang buong katawan ko ay pumapasok parin ako, tutunganga lang din naman ako sa bahay. Edi dito na lang ako sa opisina, naging productive pa ako.

Pero feeling ko ngayon na ako mag c-collapse. Iyong pagod at puyat na pilit kong kinakaya nitong mga nakaraang araw, hindi ko na ata matitiis.

Hihimatayin na ata ako!

Hindi ko alam kung paano ako mag re-react. Basta ang alam ko lang, nasa harap ko ngayon si Arianne, ang HR coordinator ng company at may kasamang taong kahit hindi n'ya pa ipinakikilala ay kilalang-kilala ko na.

"Good morning, Ms Astrid. Hatid ko lang po 'yung ni-re-request n'yong programmer. He's Russel Perez po." Ani nito sabay abot sa akin ng resume nito.

Holy shit!

Pwedi bang manakit ng HR coordinator?

Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon