Chapter II

35 1 0
                                    

Chapter II

Unti unting idinilat ni clarissa ang kanyang mga mata ngunit sya ay nasilaw sa mga ilaw na bumungad sa kanya, nang nakakita na sya ng maayos ay nakita nya sa kanyang tabi ang isang babaeng namumugto ang mga mata na nakaupo sa tabi ng kanyang higaan

"sino po kayo ? nasaan po ako ? " tanong ni clarissa.

"nandito ka sa ospital anak, sa wakas anak natagpuan na kita, nagpapasalamat ako sa dyos at walang nangyaring masama sayo" sabi ng babae habang ito ay umiiyak

"anak ? ano bang pinagsasasabi mo ? nasaan na ang mga kasama ko sa ampunan ? nasaan na sila ?" tanong ni clarissa

" ako nga pala si Victoria Pelaez, wala na sila anak, ikaw nalang ang tanging nakaligtas .. pasalamat ako na ikaw ang nakaligtas anak, kay tagal kitang hinanap at pagpapasalamat ko na hindi mo winala ang bracelet na bigay ko sayo noong bata kapa kaya agad kitang nakilala anak, ako ang iyong ina." sabi ni victoria

Laking gulat ni clarissa sa kanyang narinig at nalaman, nasa harap nya ang ina ng kanyang matalik na kaibigan na si lirah

"ibig sabihin kayo po ang ..." sagot ni clarissa

"ou anak !! ako nga ang iyong ina" bulalas ni victoria sabay yakap ng mahigpit kay clarissa

Nagulat si clarissa sa ginawang yon ni victoria ngunit nakaramdam sya ng kakaibang kasiyahan at doon lang nya naramdaman ang yakap ng isang ina ngunit alam nya sa kanyang sarili na hiram na sandali lamang ito dahil hindi ito ang kanyang ina,

"ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng isang ina na nag aalala para sa kanyang anak" sambit ni clarissa sa kanyang sarili.

"totoo bang wala ng natira sa bahay ampunan? lahat ng bata ay namatay ?" tanong ni clarissa

"ou anak, wala na sila kaya maswerte ka, di kana makakaranas ng hirap anak, ibibigay ko sayo lahat ng pangangailangan mo, pinangako ko na babalikan kita sa oras na guminhawa na ang buhay ko, nakapang asawa ako ng mayamang negosyante ngunit wala kaming anak kaya naman malaki ang posibilidad na ikaw ang maging tagapag mana ng lahat" sagot ni victoria

"kung walang natira sa ampunan ay wala na rin ang aking pinakamatalik na kaibigan na si lirah" sambit ni clarissa sa kanyang sarili sabay hagulgol

"ano ang pangalan na ipinangalan nila sa iyo sa ampunan anak ?" tanong ni victoria

Nabalisa si clarissa at nakaramdam sya ng kaba, malakas ang kabog ng kanyang dibdib, nasa harap na nya ang matagal na nyang pangarap ang magkaroon ng isang ina at magandang buhay

" ano ang dapat kong gawin ? dapat ko bang sabihin ang totoo ? na hindi ako ang anak na hinahanap nya ? " sambit ni clarissa sa kanyang isipan

"anak ? malalim ang iyong iniisip?" tanong ni victoria

Habang umiiyak ay biglang niyakap ng mahigpit ni clarissa si victoria, niyakap nya ito ng mahigpit na parang ayaw na nya itong mawala sa kanyang tabi.

"ako ang iyong anak !! ako si clarissa ang batang iniwan nyo sa ampunan kasama ang bracelet na palatandaan ng aking pagkakakilanlan !!" sigaw ni clarissa habang yakap si victoria

"anak !!! ikaw nga anak ko !!!" sagot ni victoria na hindi na rin napigilan ang pag iyak ...

"sana ay mapatawad ako ni lirah sa aking gagawin, mamahalin ko ang kanyang ina  tulad ng pag mamahal ng isang anak sa kanyang tunay na ina. ipagpapatuloy ko ang buhay mo lirah.. mahal na mahal kita nasaan ka man ngayon .." sambit ni clarissa sa kanyang sarili

Kinaumagahan ay binayaran na agad ni Victoria ang mga bayarin sa ospital upang makalabas na sila ni clarissa, Agad syang nag pasundo sa driver nila na si Pepito at agad na silang pumunta sa Villa Pelaez ang tahanan kung saan nakatira si Victoria at ang kanyang asawa na si Edguardo Pelaez na may ari ng Pelaez Group of Company isa sa pinaka malaking kompanya sa Pilipinas.

"wow!!! napakalaki naman ng bahay na ito parang isang palasyo !! ngayon lamang ako nakakita ng ganito kalaking bahay !!" manghang sabi ni clarissa

"ou anak, isa itong palasyo at ikaw ang prinsesa sa palasyong ito. masaya ako at natagpuan na kita" masayang sagot ni victoria

" mam victoria papunta na daw po si atty. Rosario upang ayusin ang mga papeles ni mam clarissa" sabi ng isang katulong na may kaedaran na.

" okay salamat " sagot ni victoria

" papeles ? anong papeles ?" tanong ni clarissa kay victoria

"halos lahat kasi ng papeles mo anak, nasunog kahit birth certificate wala ka kaya naman pinapaasikaso ko na kay atty. ang lahat" sagot ni victoria

"maraming salamat ina, maraming maraming salamat" pasalamat ni clarissa

"dont call me ina, call me mommy, mommy vicky" sagot ni victoria

At nagyakap ang dalawa na ramdam ang pagmamahal sa isat isa...

The real heirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon