Chapter III

51 0 0
                                    

Chapter III

Sa kalaliman ng gabi ay naglalakad ang mag asawang Beth at rudy sa kakahuyan ng marinig nila ang isang tinig ng isang babae na humingi ng tulong ..

"rudy naririnig mo ba iyon ?"tanong ni beth

"ou naman beth matanda man ako pero matalas pa rin ang aking pandinig" sagot ni rudy

"tara rudy at hanapin natin ang pinagmumulan ng tinig mukang nangangailangan sya ng tulong" sabi ni beth na bakas sa muka ang pag aalala

Hinanap ng mag asawa ang pinagmumulan ng tinig at makalipas ang tatlongpung minuto ay nakita nila ang babae na punong puno ng sugat ang katawan, halos hindi makilala dahil lapnos ang muka at sa dami ng mga tinamo nitong sugat

"ohh , dyos ko po rudy ano ang nangyari sa batang ito !!!" bulalas ni beth

"aba, ewan ko ! ang mabuti nyan dalhin natin sya sa bahay at gamutin!!" sabi ni rudy na natataranta dahil sa kanilang natagpuan

Isang mangagamot na albularyo si rudy kaya naman agad agad nyang ginamot ang mga sugat ng babae at pinahiran ito ng mga halamang gamot. Matagal ng manggagamot si manong rudy at ito na halos ang bumubuhay sa kanilang mag asawa.

Tatlongpung taon nang mag asawa sina beth at rudy ngunit hindi pa sila binibiyayaan ng anak kaya naman ng makita ng mag asawa ang dalagita ay awang awa ang mga ito sa sinapit ng bata.

"kamusta na sya? gising na ba?" tanong ni beth sa kanyang asawang si rudy habang nakatitig sa dalagitang walang malay at hindi na makilala dahil sa sunog nitong muka

"natapalan ko na ng mga halamang gamot ang sugat nya. siguro galing sya sa nasunog na ampunan malapit sa kakahuyan kung saan natin sya natagpuan" sagot ni rudy

Kinabukasan, malakas ang tilaok ng mga manok, unti unting idinilat ng babae ang kanyang mga mata, nang maabutan nya ang babaeng may kaedaran na nakatulog na sa pagbabantay

"sino ka ? nasaan ako ? ano ang nangyari ? bakit mahapdi ang katawan at balat ko !!" tanong ng babae na bakas sa pagsasalita ang iniindang sakit ng mga sugat.

"ako nga pala si beth at ito ang asawa ko si rudy , nakita ka namin sa kakahuyan kagabi, maraming sugat at nawalan ka ng malay , ano ang nangyari sa iyo iha ? bakit ganyan ang nangyari sayo ? sunod sunod na tanong ni beth sa dalagitang nababalot ng benta at halamang gamot ang mukha.

"sino ako ? nasaan ako ? anong nangyari ? bakit wala akong maalala !!! bakit !!! sino ako !! sino ??!" bulalas ng dalagita na hindi matigil sa pag iyak.

Walang maalala ang dalagita sa kanyang nakaraan, walang pagkakakilanlan at walang palatandaan kung sino ito at saan ito nagmula.

Walang tigil ang pag agos ng luha sa mga ng dalagita, Niyakap nito si beth habang patuloy ito sa pag hagulgol, nahabag naman si beth at rudy sa kanilang nasaksihang pagdurusa ng dalagita.

Kinagabihan habang nasa labas ang dalagita, nakatulala lamang ito sa kalangitan tila naghahanap ng sagot sa kanyang mga katanungan

"Sino ako ? saan ba ako nagmula at bakit ganito ang itsura ko ?" tanong ng dalagita sa kanyang sarili.

"iha, higupin mo muna itong sabaw, makabubuti ito sa iyong kalagayan" anya ni beth sabay abot ng tasa na may lamang sabaw.

Hindi na namalayan ng dalagita ang pagdating ni beth dahil sa lalim ng kanyang iniisip.

"maraming salamat po," sagot ng dalagita.

"iha, wala ka ba talagang maalala sa iyong nakaraan ? maski pangalan mo ? wala talaga ?"tanong ni beth.

"wala ho talaga , pasensya na po kayo pati po kayo naaabala ko , maraming salamat po sa pagligtas nyo sa akin" sagot ng dalagita sabay yakap kay beth.

Nakadama si beth ng kakaibang kasiyahan ng yakapin ito ng dalagita, marahil ay dahil sabik ito sa yakap ng isang anak at naramdaman nya ang taos pusong pagpapasalamat ng dalagita.

"wag kang mag alala iha, pwede kang tumuloy dito habang wala ka pang naaalala at habang hindi pa magaling ang mga sugat mo" sabi ni beth sa dalagita.

"maraming salamat po." sagot ng dalagita.

"habang wala ka pang maalala iha pwede bang muna annah muna ang itawag ko sayo? yun kasi ang gusto kong ipangalan sa magiging anak ko, kaso hindi kami magkaanak ni rudy" sabi ni beth sa dalagita.

" Annah ? napakagandang pangalan po. maraming salamat po aling beth" sagot ng dalagita.

"walang anuman iha simula ngayon annah na ang itatawag ko sayo, at wag ng aling beth ang itawag mo sa akin, nanay beth nalang" sabi ni beth

"opo" sagot ni annah sabay yakap nito kay beth...

Madaling nakuha ni annah ang loob ng mag asawang beth at rudy dahil bukod sa napakabuti nitong bata ay napakasipag pa.

"rudy hindi man tayo binigyan ng anak, nandyan naman si annah , mahal ko na ang batang yan na parang isang tunay na anak" masayang sabi ni beth kay rudy.

"tama ka beth , pero hanggang kelan ? hanggat walang naaalala ang batang yan sa kanyang nakaraan , tayo ang ituturing nyang magulang ngunit sa oras na bumalik ang alaala ni annah , ikaw din ang masasaktan" sagot ni rudy

"basta rudy, mamahalin ko ang batang yan na parang isang tunay kong anak" sagot ni beth

Lumabas ng bahay si annah upang bumili sa palengke, nang makita sya ng mga batang naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay

"yuck kadiri tignan nyo ang mukha ng babaeng yan ohh !! mukang inihaw"tukso ng batang babae kay annah

"panget ! panget ! panget ! panget !!" tukso ng mga bata kay annah kayat itoy pumasok nalang ng bahay at umiiyak..

"bakit ganito ang mukha ko nay beth, bakit ? ano ba ang nakaraan ko ? sino ba talaga ako ? bakit sunog ang muka ko ? " tanong ni annah kay betg habang walang tigil sa pag iyak

"tahan na anak, tahan na. nandito lang ako at walang pwedeng umapi sayo, lumaban ka anah , lagi kitang poprotektahan sa kaninoman" lumuluhang sagot ni beth sabay yakap sa dalagitang si annah..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The real heirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon