Mangmang

67 1 0
                                    

=======>

                                                       MANGMANG

Sigaw ng pusong uhaw

Sa mundong balot ng kakukangan

Sa aspetong lahat ng tao'y takam

At kahit na dampi hirap malasahan.

Nagiisa ako ngayon sa isang silid pahingahan

Samot saring problema and dumadaan na sa aking isipan

At pinipilit ko din hinahanap ang mga kasagutan

kahit alam kong ako rin mismo ang nagkulang.

Sa araw-araw na ganito

Hindi ko na alam kong kaya ko pang tanawin ang dulo

Bihag na ba ako ng krus na likha ko

o ito ang siyang magsisilbing dangal ko.

Sa bawat usong ng aking paa

Panalangin ko na sana naman ay mag iba

Ang pagtahak sa reyalidad ng pakikibaka

Sadyang ibang iba dahil tngi mo lang tangan ang pangarap na ihango sila.

Tubig mula sa balong apaw ng kakulangan

Ibubuhos sa balat na hindi maitatagong pagkukulang

Na sadyang tanging daan upang ilabas ang dumi sa kailaliman

At sa mahabang pagdaloy tinatangay ang pait nitong lasa at ikakahon sa lawa ng dusa.

Sa bawat araw na dumadaaan

hawak ay pat-pat para harapin ang kinabukasan

Batingaw ng litong kaisipan

Hangaring baguhin ang kapalaran.

Rispeto ang pilit inaasam

Para masabing may napatunayan

Subalit ang mismong kapintasan sadyang lapit sa tinuran

Kaya ang ninanais kusang lumalamlam.

Kalbaryo ang turing na iba

Kahit alam na sila lang din naman ang sasalba

Hanggang kailan magigiba

Ang mga pakong luha ang marka.

Pagiisip na salungat sa paniniwala ng iba

Yan ang pagkataong ikinurba

Para masabi lang na naiiba

Kahit na kapalit nangingitngit ng baga.

Minulat man ako sa hirap ng buhay

Iba pa rin pala pag ikaw na ang nakalagay

Hanap lagi ay saklay para maiangat ang katawang nasa hukay

At pagibayuhin gamit mismo ang paa at kamay.

Pag abot ng pangarap

Unti-unti ko ng nalalasap

Walang pahumaling sa itaas na sana'y makalapat ng ganap

Maihayag gamit ang mga letrang isinulat.

Sa libro ng buhay na inihayag

Nawa'y naintindihan at may nabihag

Sa ginamit na mga salita na mismong aking inilapag

Sana Napukaw kayong hindi lang biro ang buhay 

Masaya malungkot wala rin pinag kaiba

Basta araw-araw natututo ka

Pakawalan ang labis sa iyong kapasidad

Dahil mahirap maging ganid sa sariling kamangmangan.

-z

--Sana naintindihan nyo kahit magulo...

libre ang mag criticize just comment lang...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MangmangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon