Kabanata 1
"Niñaaaaaaaahhhhh!!!!" Isang boses na naka pag pagising sakin na galing sa labas ng aking kwarto.
Pupungas pungas akong tumayo sa aking kama , at baliko ang ilang hakbang dahil ako nga'y antok pa, Pag ka bukas ko ng pinto ay bumungad sa harap ko si Noah ang close ko sa lahat ng aking pinsan.
"Niña ano na? 10:30 na kaya, hay nako! ma lelate tayo neto. First day of class pa naman , Baka malate tayo at pagalitan tayo ng prof. natin ." Pambungad na sermon nya sakin , Take note di man lang nag Goodmorning.
Sa sinabi ni Noah na aking pinsan at kaklase ay biglang nagising ang diwa ko , nakalimutan ko kasing ngayon pala ang firstday of class, Napuyat kase ako kagabi kakapanood sa aking laptop ng Netflix.
"Hala! Takte ka Noah bakit ngayon kalang nag punta, Ano ba naman yan oh , Hagol nanaman ako neto sa oras di ako makakapag make up neto ng maayos" Medyo nairita ko sa sarili ko , Dahil narin sa mahilig ako mag ayos ng mukha mukhang ma le late talaga kami.
"Hoy! Niña bilis bilisan mo kumilos , dun ka nalang mag make up o kung ano mang gagawin mo na di naman importante sa school mo nalang gawin pag break time , Isipin mo muna........." Di ko na narinig yung iba nyang sinabi dahil agad na akong pumasok sa c.r para makaligo na.
Mahigit isang oras akong nasa banyo , Oo isang oras dahil sa C.R na din ako ng make up , Tutal 12:00 pa naman kami aalis kaya sinulit ko na ang oras para wala na akong gagawin sa school kundi ang makinig nalang.
"Anak koooo...... Niña!? " Isang malambing na boses ng aking Mama na nag mula sa unang palapag ng aming bahay.
"Bakit??" Sumigaw din ako , Dahil kung hindi ko gagawin yun tiyak na hindi nya ako maririnig.
"Bumaba na kayo dyan ni Noah at mag tanghalian na muna kayo bago pumasok sa School, Dali na lumalamig ang pag kain" Pag aaya ni Mama sa amin ni Noah
"Sige , susunod na" Pasigaw ko ulit na sagot.
Nauna na si Noah sa Baba at tiyak akong kumakain na sya kaya sumunod na rin ako tutal tapos naman na din ako sa aking sarili.
Onti lang ang kinain namin ni Noah dahil nag mamadali narin kami.
"Ma, Alis na po kami" Pag papaalam ko kay Mama
"Tita , Papasok na po kami" Pag sabat ni Noah at pag papa alam na rin.
"Ay teka anak hatid ko na kayo , May gasolina pa naman ang sasakyan at para di na kayo mahirapan sa pag sakay" Biglang pag aaya ni Mama na ikinalaki ng ngiti namin ni Noah.
BINABASA MO ANG
ENAMOR (To Be Loved)
Teen FictionNANINIWALA KABA SA UNEXPECTED LOVE? Yung tipong mag kaiba kayo ng mundong ginagalawan at hindi kayo mag kakilala pero ang tadhana na talaga ang gumawa ng paraan para Mag ka lapit kayo? Siguro iilan lang ang naniniwala sa ganyan. - Sino kaya si Ni...