In Time

43 1 0
                                    

In Time ©

Play the music para mas maramdaman niyo. ;)

Sana may sumoporta .. :')) Promise, pagagandahin at pag-iisipan kong maiigi ang mga mangyayari sa kwento.. Maraming salamat .. :'))

Iamwright

© In Time

==================>

==================>

Tumatakbo ang oras, hindi natin namamalayan marami na pala tayong nasasayang. May mga dapat pala tayong gawin pero hindi natin nagagawa. Mahalaga ang oras para sa mga taong naghahabol nito. Para sa mga taong may hinihintay, para sa mga taong umaasa at nangangarap.

Hindi nahihinto ang oras, wala itong pause or rewind. Maraming pilit pinapahalagahan ang oras para makasama ang mahal nila. Mga pangako na sana matutupad pa. Umaasa na sana hindi sila dayain ng oras, na darating kung saan huli na. Pag alam mo malapit na ang limitasyon mo, nandoon mo mararanasang magtiwala na sa mga oras na nalalabi sayo, darating pa ang taong hinihintay mo. Tapos magiging makaguluhan ang natitirang oras na kasama mo siya. Pero pano kung dumating man ang araw na yun, doon mo lang maiisip na sana di na lang pala kayo nagkita. Dahil masakit magpaalam sa taong mahalaga sayo. Sa taong nagkaroon ng malaking parte sa oras na tapos mo na.

"Papa, I want car! A huge car!" Sabi ng batang lalaki. Katabi nito ang ama sa back seat.

"Hahaha! Oo na.. Oo na.. Manahimik ka lang Enzo." Nakangiting turan nito. Kasalukuyan nilang dinadaan ang kalsada papuntang tanauan laguna.

Nauntog si Enzo sa unahang upuan ng sasakyan. Mabilis ang mga pangyayari. Pumreno ang kanilang driver ng may humarang sa kanilang itim na van.

" Mang Selyo, bakit kayo huminto?" Tanong ng ama ni Enzo.

"S-sir.. may humarang po satin." Namumutlang pahayag ng driver.

Nagbabaan ang mga lalaki mula sa itim na van. Ganun na lang sila kabahan ng makitang may mga hawak itong baril, may takip din ang mga mukha nito.

"Labas! " Utos sa kanila ng isa sa mga ito. Unang lumabas ang driver nila sumunod ang ama ni Enzo. Lalabas sana siya ng pigilan siya nito.

Nakita niya kung paano itulak ang kanyang ama. Nakataas din ang kamay ng ama niya. Itinutok ng isa sa mga lalaki ang baril sa ama niya bago ipaputok. Ipinikit ni Enzo ang mata ng mariin. Ayaw niya makita na pinapatay ang kanyang ama. Ilang putok pa ng baril ang narinig nito. Iyak lang ito ng iyak.

"May bata!" Sigaw ng isang lalaki. Hinigit siya nito palabas ng kotse nila at tinutukan ng baril.

" Ako ng bahala sa isang to." Sabi ng kasamahan nito.

"Tsk! Siguraduhin mong papatayin mo yan." Binaba na ng kasama nito ang baril. Hinila niya si Enzo sa liblib ng gubat. Bago tinutukan ng baril. Takot sa mata ni Enzo, ang nakikita ng lalaki. Nanginginig ito, habang punong puno ng luha ang mukha.

'Wag niyong gagalawin ang anak ko. Patayin niyo na ako wag lang ang anak ko.' Huling salita ni Mr. Moore. Napag-utusan silang harangin ang sasakyan at patayin ang lahat ng sakay. Pero bilang isang magulang din. Walang magulang ang gustong masaktan ang kanilang mga anak.

Nagpaputok ng baril ang lalaki, ngunit hindi kay Enzo.

"Tumakas ka na. Wag ka na muli magpapakita sa kanila." Yun lang at inuwan na siya nito.

Hindi alam ni Enzo kung saan siya dadalhin ng paa niya. Basta na lang siya naglakad ng naglakad hanggang sa kung saan na siya napunta. Nakarating siya sa isang parte ng kagubatan kung saan may malaking kweba. Nang mga oras na iyon, wala ng pakialam si Enzo kung ano man ang mayroon sa loob ng kweba. Ang sa kanya lang, pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. Ilang oras na din siyang palakad lakad at walang kain.

"Papa.." Huling salita ni Enzo bago ipikit ang mata at hindi naglaan ay nakatulog.

"Saan nanggaling ang batang yan?"

" Kaawa-awa naman, mukhang may nangyaring hindi maganda."

"Napulot ko siya sa may kweba sa gubat. Buti nga hindi siya napaano."

Ilan sa mga boses na naririnig ni Enzo, bagaman pikit pa din ang mata. Kumakalam na din ang sikmura niya dahil sa gutom.

"P-pagkain..." Usal niya ng nakapikit. Nakarinig siya ng pagmamadali sa kilos ng nasa paligid.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng isang matandang babae.

<-------------------------------------->

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon