IT-3

5 0 0
                                    

•In Time•

Chapter 3

"Oh. Hugasan mo na ang pinggan. Tataas na ako sa kwarto. Patayin mo ang dapat patayin. Ayokong tumaas ang kuryente ko. Tyaka diyan sa kusina, i-check mo. Baka may makalimutan ka at masunog tayo." Bilin ko sa kanya bago tumayo. Akmang aalis na sana ako ng lingunin ulit siya.

"Siya nga pala."

Nakuha niyon ang atensyon niya. Hawak-hawak na niya ang plato na pinaggamitan ko. At sa tingin ko ay ilalagay na niya sa lababo kung di ko lang siya tinawag.

"Bakit ?"

Nagsalubong agad ang kilay ko. May nakakalimutan yata siya.

"Walang pang isang oras nakalimutan mo na agad? Where's the word 'Master'? Dapat hindi mo kinakalimutan iyon dahil nagtratrabaho ka sakin." Giit ko at pinamaywangan pa siya.

Napansin kong napatigil siya. Napapatingin siya sa mukha at sa kamay kong nasa baiwang, kaya agad ko iyong ibinaba. Baka isipan pa niya ako ng masama at masabihang bakla.

"Ano ba yun Master Enzo?" Tanong niya ng mapansin na hindi pa din ako gumagalaw.

Napaiwas ako ng tingin. May nabasa ako noon na masarap daw sa pakiramdam na may naggigising at nagsisilbi sayo tuwing umaga.

"En- Master Enzo pala ano na?"

Nakagat ko ang labi dahil sa kaba.

Bahala na nga. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.

" Gisingin mo ako bukas ng umaga. Ipaghanda mo ako ng breakfast at ayusin mo ang gamit ko sa trabaho. Gusto ko bukas handa na lahat ng iyon. " Yun lang at iniwan ko na siya doon.

Nagderetsyo na ako ng kwarto at nagshower. Hindi ako sanay na hindi naglilinis ng katawan bago matulog. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ng katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nahiga. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong silid. Nakatingin lang naman ako sa kisame ng kwarto. Bigla tuloy may naisip ako..

'Tama kaya na sa kanya ko inutos iyon? Ano kaya ang pakiramdam ng pinagsisilbihan.

Dalawamput-limang taong gulang na akong nabubuhay pero hindi ko man lang naranasan ang mapagsilbihan. Ako lang ang nag-aasikaso ng sarili ko. Ako lang mag-isa ang gumigising sa malaking bahay na ito. Ako lang ang nagluluto ng sarili kong umagahan tuwing umaga. Nagpupunta lang naman si Manang dito tuwing tanghali pagkatapos ay magluluto ng hapunan ko para sa pag-uwi ko. Tapos ay siya naman ang uuwi sa kanila. Pagdating ko iinitin ko na lang ang pagkain na niluto niya para makain.

Bakit kahit meron ako lahat ng bagay pakiramdam ko may kulang pa din. Hindi ako kuntento sa kung anong meron ako.

Iginilid ko ang mukha para tignan ang orasan sa gilid ng kama. Nakapatong iyon sa maliit na mesa sa gilid katabi ng lampshade. Pasado ten na ng gabi. Ang orasan lang ang gumigising sakin tuwing umaga. Bigla tuloy akong may naisip.

Napangisi ako. Kinuha ko ang orasan at tinanggal ang alarm. Hindi ko na kailangan nun dahil may kasama na ako sa bahay. May gigising na sakin sa umaga.

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at ipinikit ang mata. Mabilis akong dinalaw ng antok at nakatulog.

Nagising ako ng may maramdaman na yumuyugyog sa balikat ko.

"Hmmm..." Ingit ko. Bahagya ko pang tinabig ang gumigising sa pagtulog ko.

"Enzo gising na.." Tawag sakin ng kung sino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon