IT-2

2 0 0
                                    

•In Time•

Chapter 2

Hinang-hina kong inayos ang mga gamit sa lamesa ko. Gabi na, kailangan ko ng umuwi.

" Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ng sekritarya ko.

Tinignan ko siya at tumango. Wala ako sa wisyong magsalita ngayon. Pagod ako. Ang gusto ko na lang gawin ay ang magpahinga at umuwi. Sigurado namang nanduduon na si Manang.

" Una na po ako."Paalam niya.

Marahan muli akong tumango. Ngumiti lang siya bago tuluyang lumabas.

Tuluyang ko ng kinuha ang mga gamit ko. Pinatay ko din muna ang ilaw sa loob ng office at sinara iyon. May iilan pa naman tao sa loob building. May mga tao na nakabantay sa buong lugar para kung sakali man na may mangloob.

Naglakad na ako patungong elevator. Sakto naman ng pagdating ko ang pagbukas niyon.

"Good evening Sir. Moore." Bati ng dalawang empleyado. Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa loob.

Mga ilang segundo din siguro ang tinagal bago tuluyang nagsara ang elevator. Ginamit ko ang isang palad para pigilan iyon.

"Kayong dalawa." Tukoy ko sa kanila na hanggang ngayon ay nasa labas pa din.

"P-po..?"

Kahit hindi nila sabihin alam kong natatakot silang dalawa.

" Wala ba kayong balak sumakay?"

Nanlaki ang mga mata nila. Pasimple pa silang nagkatinginan. Hindi nagtagal ay pumasok na din silang dalawa, kaya pinindot ko na ang key pababa.

Deretsyo ang tindig ko, samantang ang dalawang empleyado ko ay nagsisiksikan sa gilid. Tila takot silang dikitan ako. Pakiramdam ko tuloy may malubha akong sakit na kapag dinikitan ay nakakahawa. Hindi ko na lang sila pinansin. Hinintay ko na lang na makababa ang elevator ng sa gayon ay makauwi na ako.

Pagkababa agad akong pumunta ng parking lot para sumakay ng kotse ko. Halos isa't kalahating oras din siguro ang tinagal ko sa byahe. Naipit ako sa napakahabang traffic.

Pagdating ko sa bahay. Padabog kong binuksan ang pinto. Basta ko na lang din initsya ang dala kong gamit sa tabi at asar na niluwagan ang necktie na nakasabit sa leeg ko.

Huhubadin ko na sana ang suot kong sapatos ng may mapansin. Nangunot agad ang noo ko.

Bakit buhay ang mga ilaw? Sinabihan ko na dati si manang na patayin lahat ng ilaw kapag wala ako. Bakit ngayon buhay lahat?

Kinuha ko na ulit ang gamit ko at tinahak ang sala. Wala namang pinagbago. Ganuon pa din naman ng iniwan ko. Umakyat na ako ng hagdan at pumasok ng kwarto. Pagpapalit agad ang una kong ginawa. Nagugutom na ako, gusto ko ng kumain. Kaya bumaba na ako. Pero nasa hagdan pa lang ako ng may narinig ako na mga ingay.

"Nalintikan na. Napasukan pa ata ng magnanakaw." Mariin na sabi ko sa sarili.

Mga ganitong alas-otso pasado ay wala na si manang. Nagpupunta lang siya dito para magluto at maglinis. At tuwing gabi ay umuuwi na din ito dahil may sarili naman itong pamilya.

Halos takbuhin ko na ang daan makarating lang sa pinanggagalingan ng ingay. Nadala ako ng mga paa ko sa kusina. Nangunot ang noo ko nang makitang may tao nga. Nakatalikod ito mula sa akin. Hindi ko naman siya gaanong maaninag dahil ay mahabang lamesa na nakapagitan sa kusina ko. Base sa nakikita ko, may kung ano siyang ginagawa sa lababo ko.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Matigas kong sabi.

Napansin kong natigilan ito at unti-unting humarap.

"Hi!" Kumaway-kaway pa ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo dito!?"

Turo ko pa sa kanya. Ito yung babae na nagpunta sa opisina ko kanina. Anong ginagawa niya dito? At paano siya nakapasok?

Nag-aalinlangan na ibinaba niya ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Marahil nahihiya siya sa akin. Pero kahit ganun lumapit pa rin siya mula sa kinaroroonan ko na nagpupunas pa ng kamay sa damit.

"Eh diba katulong mo ako? Sempre dapat naglilinis ako, kaya eto. Naghuhugas ako ng pinggan. " Turo pa niya sa lababo.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Diba sinabi ko ng hindi kita tinatanggap bilang katulong? Wala ka bang utak o mahina ka lang talagang umintindi?"

Nangungutya ko siyang tinignan. Inilagay ko din ang kamay sa magkabilang bulsa. Saang lahi ba galing ang isang ito. Bakit ang liit niya? Hindi man lang siya umabot sa balikat ko.

" Kailangan ko kasi talaga ng trabaho, kaya please! Please! Please! Tanggapin mo na ako."

Akmang Luluhod pa sana siya ng pigilan ko.

"Hep! Hep! Tumayo ka nga!" At tinulungan ko siyang tumayo. Napahilot ako ng noo dahil sumasakit iyon. Tinignan ko ulit ito at napailing-iling na napahilot muli.

Isa na namang dagdag ng sakit ng ulo.

"Ahmm.. Tanggap na ba ako?" Pasimple niyang hirit. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ano pa bang magagawa ko? Eh nandito kana at wala na yatang balak umalis."

Nakita ko agad ang ngiti sa labi niya ng sabihin ko yun. Asar na umalis naman ako at lumapit sa lamesa.

"Ipaghanda mo ako ng pagkain." Utos ko sa kanya.

Tignan lang natin kung makakatagal ka dito. Pahihirapan kita. -Sa isip-isip ko. Napangisi na lang ako sa sarili habang nakikita siyang nagmamadali para ipaghanda ako.

" Enzo-"

" It should be Sir. Enzo. Rather MASTER ENZO." Nakangisi kong pagtatama sa kanya. Madiin pa ang bawat pagsasabi ko, lalong lalo na ang huling kataga.

Ibinalik lang niya ang tingin sa pagkain na sinasandok at inilagay sa lamesa ko.

"Master Enzo, wala ka bang kasama dito sa bahay mo?" Siya habang mga plato at kustyara naman ang inilalagay sa tapat ko.

Pang-asar ko siya na sinulyapan pero ibinalik din agad sa pagkain.

"May nakikita ka bang ibang tao dito maliban sa ating dalawa?"

"Ako na." Sabi ko at inagaw ang serving spon na hawak niya. Balak pa yata niya na siya ang maglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Ano ako bata?

Binitawan naman niya agad ang kutsyara at pinaubaya sakin. Tapos ay nagkamot-kamot ng ulo. Hindi ko nagustuhan iyon. Pinanlakihan ko siya ng mata. Bahagya ko pang inilayo ang pagkain ko. Nakakadiri siya!

Mukha namang nakuha niya ang kilos ko."Eh? Sorry.."

"Nakakadiri ka. Sa susunod wag kang nagkakamot ng ulo sa harap ko. Baka may kuto ka pa. Kunin mo sa cr mamaya ang shampoo ko. Gamitin mo, mabawasan naman yang kuto mo. "

Napangiwi siya roon. Akmang magkakamot na naman siya nang pangdilatan ko.

"S-sorry.." Hingi niya muli ng pasensya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko mapigilan eh. Kahit nagkakamot ang naghanda, tortang talong kaya ang ulam at sinigang. Paborito ko.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon